Pasensya nasa matagal na update magdo-double UD ako. :) Para this sa kauna-unahang komentor ko, you know who you are! :)
***
SERENITY POV.
"Sa bintana na lamang kayo dumaan," nilingon ko ang nagsalita at saka siya tinanguan.
Tulad ng utos ng aking knight, dumaan nga ako kasama ng prinsesa sa bintana, tinalon namin iyon na walang ingay.
"Saan tayo pupunta?" narinig kong tanong ng prinsesa habang hawak ko siya sa kanyang kaliwang-kamay, mabilis kaming tumatakbo ngayon palayo sa lugar na 'yon.
Hindi ko rin siya pwedeng ibalik sa kaharian ng Balmoral dahil sigurado akong maraming masasamang wizard ang naka-abang sa kanya para kuhanin siya.
At yun ang bagay na ayokong mang-yari, nasa aking mga kamay ang prinsesa kaya ayokong mapahamak siya ng dahil lang sa akin.
"Hindi ko alam," sabi ko ng walang lingon-lingon.
Mabuti na lamang at medjo malalim na ang gabi, wala ng gaanong mga tao sa daan.
"Teka lang, napapagod na ko," huminto ako sa pagtakbo at saka binitawan ang kamay ng prinsesa.
Hinarap ko siya at nakitang hingal na hingal.
Napa-upo pa nga siya dahil siguro sa pagod.
"Gagamit ako ng mahika," sabi niya na malalim ang paghinga. Naku baka hikain pa ata 'to.
"Hindi pwede!" tutol ko agad.
Hindi kami pwedeng gumamit ng kapangyarihan dito sa mundo ng mga tao.
Dahil maaaring ma-locate ng mga kalaban kung nasaan kami.
"Anong problema? Atsaka wala na rin naman tayong ibang magagawa, hindi ba?," tama siya sa pagkakataong ito wala na talaga, nasa panganib ang buhay niya ngayon.
Tinignan ko ulit siya, bakit ba mukha ni Oren ang nakikita ko?
Kanina kasi habang nasa kusina ako at may ginagawa, narinig kong nagsisigawan sila sa sala.
"HALA GINAYA MO 'KO!!!" narinig kong sigaw ni Oner habang inaayos ang kaninang niluluto kong may sabaw ngayon tuyo't na at nasunog pa ang karne na tila pinirito.
Sumilip ako sa kanila saglit at nakita ang dalawang Oner, hmn, i think trip ng prinsesa si Oner ah.
Iiling-iling akong bumalik sa ginagawa ko nang may biglang may humawak sa leeg ko at dinala ako sa pinaka-sulok ng kusina.
Kaya walang pag-aalinlangan nang hilain ko kanina ang isang Oner na sigurado akong siya ang prinsesa.
"Prinsesa pwede mo ng ibalik ang tunay mong anyo, medjo naaalidbadbaran kasi ako sa mukhang 'yan eh, you know... ayaw kong manlait..." sabi ko, tumayo naman siya at lumapit sa akin.
Napalunok ako dahil sa sunod niyang ginawa, binaba niya ang mukha niya at halos 1inch na lang ang pagitan namin.
"Prinsesa?--" pinutol niya ang sasabihin niya at pasimpleng tinignan ang mga labi ko. "Para sa iyong kaalaman, hindi! hindi! papatunayan ko na lang sayong hindi ako ang prinsesa," nakita kong pumikit ang mga mata niya at dahan-dahang palapit ang mga labi niya sa labi ko.
Pero bago niya pa yon nagawa napaatras nako palayo sa kanya, at napaisip.
Papatunayan niyang hindi siya ang prinsesa? Anong niyang ibig-sabihin doon?
Biglang nagbalik ang alala ko bago 'ko siya puntahan sa pwesto niya kanina at ilayo sa paparating na kalaban.
"Ok ka lang?" sabi ng inaakala kong si Oner pagkatapos kong bumagsak nang bitawan ako ng kalabang may hawak sakin, tinapos na iyon ni Foster sa isang iglap lang.