Magical 3.

31 5 1
                                    

GAEA POV.

Pauwi na'ko galing sa trabaho.

Madilim na ang paligid, at wala nang katao-tao.

Nakakatakot ang pagiging tahimik ng paligid.

Tila ba, nagkakaroon ka ng di magandang imahinasyon sa ganitong sitwasyon.

Papasok na 'ko sa eskinitang daan bago ko marating ang apartment na tinutuluyan 'ko.

Habang naka-yukong naglalakad, hindi ko namalayan na may tao palang pasalubong sakin kaya nagkabungguan kami.

"ANO BA?!" napa-angat ako ng tingin sa kanya, nagawa niya pang sigawan ako imbes na tulungan ako sa pagtayo dahil sa pagbangga 'ko sa kanya? sa bagay kasalanan ko naman ang nangyari, kung di lang ako nakayuko na maglakad.

"Sorry po," hindi ko maaninag ang mukha niya dahil madilim ang parteng kinalalagyan namin.

"Sorry?! yun lang yon?" hindi ko alam kung guni-guni ko lang 'yon pero nakita ko siyang ngumisi na ikinataas ng balahibo ko.

Agad akong tumayo at dahan-dahang umaatras habang siya naman ay umaabante.

'Dyosko, wag niyo po 'kong pabayaan,'

"Dapat may kapalit ang bagay sa ginawa mong 'yun," ginawa? hindi ko sinasadyang mabunggo siya.

"Parang awa niyo na, uuwi na po ako," sabi ko sa kinakabang tono.

Sa pag-atras ko at pag-abante niya, napunta kami sa maliwanag na parte.

Unti-unti kong nasilayan ang mukha ng kaharap.

"Kap... kapitan?" utal kong sabi.

"Ako nga," nakangisi niyang sagot.

Tumalikod ako at patakbo na sana, ang kaso nahawakan niya ko sa braso.

"Saan ka pupunta huh?!" isinandal niya 'ko sa pader at saka marahas na hinalikan sa leeg.

"Wag po!" sigaw ko habang nagpupumiglas.

'Tulong! tulungan niyo ko!'

Unti-unti akong nanghina sa ginagawa niya sa akin. Anong gagawin 'ko? Kahit magsisisigaw ako ng tulong dito, walang makakarinig sa akin, nasa isang eskinita kami kaya malayo pa ang mga bahay-bahay dito.

"Masarap ba?" sabi niya habang nasa kalagitnaan ng paghalik sa leeg ko, at pababa na iyon sa dibdib ko.

"Bitawan mo'ko, maawa po kayo sakin," hindi ko lubos maisip na isang kapitan pa ang gagawa nito sa akin.

At dahil naka-uniform pa 'kong pang opisina, malaya niyang nahahawakan ang binti ko.

Basang-basa na ang mukha ko dahil sa patuloy na pag-agos ng mga luha ko.

'Dyosko, bakit niyo po ginagawa sa akin 'to?'

Naramdaman ko ang pagpasok ng kamay niya sa loob ng palda ko kaya naitulak ko siya.

Pero, hindi ko alam na napalakas ata ang pagtulak ko sa kanya kaya pati ang pader na tinamaan niya ay nawasak.

Nakita kong wala nang malay ang kapitan, agad akong napalapit siya.

Chineck ko ang pulso niya sa leeg.

'Pa...pa-tay na si..ya' napalayo agad ako sa katawan ni kapitan.

"Ohmygod! Nakapatay pa ata ako!" hindi ko alam ang gagawin, kaya agad akong tumakbo papunta sa apartment na tinutuluyan ko.

Pagkapasok 'ko sa loob ng bahay, ginising 'ko agad ang kapatid 'kong maliit at sinabing aalis na kami sa lugar na iyon.

THE OTHERWORLD: KINGDOM OF MAGICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon