Magical 6.

18 3 1
                                    

Ipapakilala 'ko na si Someone's POV. Magka-karoon din kasi ng panibago (; Meet Drake!

-yfrancisco

***

SERENITY POV.

"Mag-hintay ka lang prinsesa, pangako, babalik si Kelen dala ang halamang gamot para sa'yo." marahan 'kong pinisil ang kamay ni Adorabelle na hawak 'ko.

Pagka-ilang minuto 'ko pa siyang tinignan bago lumabas ng silid.

Napa-buntong hininga ako nang makalabas. Iniisip 'ko kung bakit hindi 'ko pa magawang pag-aralan ang kapangyarihan 'ko.

Mga apat na buwan na din ang lumipas bago 'ko ma-diskubre ang kapangyarihan 'ko, at tatlong buwan ko na din pilit na sinasanay ang taglay 'kong kapangyarihan, ngunit sa buwan na lumipas bakit parang wala pa akong nakikitang pag-babago sa sarili ko, ni hindi ko nga maramdaman na may taglay akong mahika.

"Ang lalim ng iniisip natin ah," napalingon akong bigla sa pinag-mulan ng boses, ngunit walang tao doon. Lumingon pa ako sa paligid kaso walang tao.

Napa-hawak ako sa dibdib 'ko. Grabe! Aatakihin ako sa puso dito, bigla-bigla na lang akong nakakarinig ng mga boses sa paligid.

"Hello," napa-atras ako sa lalaking biglang lumitaw sa harap 'ko.

"Hay! Bwisit ka! Aatakihin ako sa'yo eh!" sinimangutan 'ko ang nasa harap 'ko. Ang lalaking 'to, ang lakas magpakita sa akin, kung hindi niya nakakalimutan may ginawa siyang di kanais-nais sa akin noon.

"Na-miss kita, serenity," mapaglarong ngiti ang sumilay sa labi nito, at teka! tignan mo nga naman pareho pa silang mag-kapatid na hindi marunong gumalang!

"Ako. Hindi ka na-miss." tumalikod ako at naglakad. Ayokong masira ang araw 'ko ngayon!

"Ganyan mo ba batiin ang isang Class S wizard?" napa-hinto ako sa sinabi niya.

"Magandang umaga... paba ngayon, Kheelan?" hinarap 'ko siya na walang ekspresyon.

"Mukhang-" pinutol 'ko ang nais niyang sabihin.

"Ikaw ba ang narinig 'kong nag-salita kanina?" tinaasan 'ko siya ng kilay dahil sa ngiti lang ang tugon niya. Kahit pa isa siyang Class S wizard, hindi 'ko pa rin makakalimutan ang ginawa niya sa akin. Nung huling mag-kita kami.

"Hindi 'ko gusto ang pag-asal mo sa akin," humakbang siya palapit sa akin, "At dahil djan, mag-uumpisa ang pagsasanay mo... ngayon." huminto siya sa paglalakad.

Bigla naman nagliwanag ang paahan 'ko, tumingin ako sa ibaba 'ko at doon nakita ang isang magic circle.

Anong binabalak niya?

"Isang linggong pag-sasanay na mag-isa, serenity, mag-iingat ka dahil may isang nilalang na kalaban ang naroroon, sa inyong pag-kikita nasa iyo na lamang kung papatayin mo siya o hindi, malalaman natin ang resulta ng iyong pag-sasanay sa muli nating pagkikita, serenity." pagkatapos ng sinabi niya agad na nagbukas ang magic circle na tinatapakan 'ko.

"AAAHHHHH!" sigaw 'ko dahil nahulog na ako sa butas ng magic circle at hindi alam kung saan dadalhin.

DRAKE POV.

"AAAHHHHH!" napadilat ako sa narinig. Ano ang ingay na iyon?

"A-aray. Bwisit ka talagang Kheelan ka kahit kaylan!" narinig ko sa di kalayuan.

Agad akong napa-tayo sa kina-u-upuan 'ko sa sanga ng puno.

"Nasan na ba 'ko?" sinundan 'ko ang pinanggagalingan ng boses na iyon. At sa ilang segundong lumipas isang matangkad na babae ang nakita 'ko.

Agad akong nag-tago sa punong katabi 'ko.

Nakakaramdam ako ng kakaiba sa kanya. Isang maka-pangyarihang... elemento?

Nakita 'kong naglakad siya papunta sa kaliwang direksyon. Maingat naman akong naka-sunod sa kanya.

Bakit nagkaroon ng dayo sa lugar na ito? Simula ng bata pa lamang ako, dito na ako namamalagi, at kahit isang beses wala pa akong nasisilayan na iba dito.

Kaya papaanong nagkaroon ng ibang nilalang dito? Hindi kaya, masama ang isang ito?

Pero ang tanging kauri 'kong mga wizard lamang ang may mga masasamang balakid, at hindi 'kopa siya nakikita kahit na saglit sa aming kaharian.

"Wow, ang ganda!" mula sa direksyon 'ko kitang-kita 'ko ang mga ginagawa niya. Kung papa-ano siya ngumiti dahil sa paligid na nakikita.

Sa tingin 'ko hindi 'ko siya kaaway. At sa tingin ko din, ngayon lang siya naka-punta dito base sa reaksyon niya.

"Papa-anong may ganitong... kaganda at kalusog na kagubatan," pumitas siya ng isang prutas na malapit sa kanya.

Napalunok ako ng kumagat siya doon. Napa-hawak din agad ako sa kaliwang dibdib 'ko. Ang pag-tibok ng puso 'ko, bakit? bakit ganito?

"AAAHHHHH!" nilingon 'ko ang babae. Mayroong papalapit na lobo sa kanya.

"Alis! Shu! Shu! Di ako masarap, dun ka!" kahit na mukhang biro ang sinabi niya para sa'kin, nakita 'kong papatak naman ang mga luha nito. Wala na 'kong magagawa kundi ang tulungan siya.

Hahakbang na sana ako nang may humawak sa balikat 'ko.

"Nasa isa siyang pag-subok," nilingon 'ko ang nag-mamayari ng boses at kamay na nasa balikat 'ko.

"Gadrev," usal 'ko ng mapag-tantong kung sino siya.

"Pansamantalang ako ang kanyang knight ngayon, uulitin 'ko, nasa isang pag-subok siya, nasa iyo na lamang kung tutulungan mo siya," tinignan 'ko lang siya. Hindi ko alam kung anong isasagot, ayokong mangako.

Muli 'kong nilingon ang babae pagka-tapos mawala ang kaharap 'ko. Isa siyang napakalakas na wizard. Hindi 'ko naramdaman ang kapangyarihan at prisensya niya nang dumating siya dito, kaya niyang itago ang enerhiya niya.

Isa siya sa mga kina-tatakutan ng lahat ng mga wizard dito sa Neverland.

Sa kasaysayan, siya lang ang tanging nabubuhay ngayon ng napaka-tagal. Oo. Isa siyang imortal. At sa tingin 'ko, hindi mag-tatapos ang mundo namin hangga't nandirito siya.

***

Till next Update. May clue akong iniwan.

:)

VOTE. COMMENT. Lab!

THE OTHERWORLD: KINGDOM OF MAGICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon