_________________________
Kusang tumulo ang mga luha ko pababa sa aking pisnge habang nakatitig sa pregnancy test na hawak ko. Sinubukan ko pang kumurap at kusutin ang aking mga mata, nag babakasali na namamalikmata lamang ako pero totoo talaga.
Napahigpit ang hawak ko doon at sa hindi malamang dahilan kusang gumalaw ang kamay ko papunta sa aking tiyan. Dalawang linya, ibig-sabihin nag dadalang tao ako! Buntis ako! At hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Parang naging mahina ang pagdaloy ng mga bagay sa aking sistema at hindi ko maproseso ng maayos ang nangyayare ngayon.
Kahit nanghihina sa nadiskubre ay pinilit kong ayusin ang aking sarili. Nag hilamos ako para maibsan ang pamamaga ng aking mga mata saka napatitig sa salamin. Kaya pala, kaya pala nitong mga nakaraan ay may mga bagay na nagbabago sa akin. Nag susuka tuwing umaga, nananabik sa pagkain, mabilis mag bago ng emosyon, mainitin ang ulo at higit sa lahat nagiging sensitibo ako.
Ngayon na dalawa na kami sa katawan ko, ano nang gagawin ko?Paano ko bubuhayin ang isang 'to kung sarili ko nga ay hirap din and for Christ sake, nag-aaral pa ako! Graduating to be exact! Kung kailan malapit ko na maabot ang pangarap ko ay saka ako binigyan ng ganitong suliranin.
Naputol ang aking pag-iisip dahil sa isang boses at yabag na nasa labas. Nanlamig ang kamay ko ng mapag sino ito. Dali-dali kong itinago ang pregnancy test na hawak at bahagya pang napaigtad ng kumatok siya sa pinto.
"Ivy babe? Nandiyan ka ba?"
"O-Oo. Sandali.." bumuga ako ng hininga at sinilip ang sarili sa salamin bago lumabas ng banyo. Napalunok naman ako at nag iwas ng tingin dahil sa mapanuri niyang mata.
"Ayos ka lang?"
"H-Ha? Ah, oo! Ayos lang ako."
"So bakit ka umiyak?"
" Ha? Ano ka ba, hindi ako umiyak."
"Wala ka bang ibang magandang dahilan? Alam ko kung kailan ka umiiyak o umiyak. Mag sisinungaling ka pa ba sa akin?" this time ay sunod-sunod ang pag lunok ko dahil sa sobrang seryoso ng mukha at boses niya.
"Ngayon sabihin mo sa akin. Anong resulta? Buntis ka diba?"
Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng tubig na punong puno ng yelo at napako sa aking kinatatayuan. Namimilog ang matang nakatingin sa kaniya at bahagyang nakaawang ang aking labi. Ngumisi siya sa naging reaksiyon ko at humakbang ng dalawang beses, ngayon ay kaunti nalang ang distansiya namin.
"You don't have to deny or answer it. I know that your are pregnant. I'm confidently sure for that. Like what I've told you, I know you. I know who you are Ivy 'cause I am your best friend." hindi ko na napigilan ang aking sarili at tinawid ang pagitan namin. Sinunggaban ko siya ng yakap at nag simulang umiyak sa bisig niya. Naramdaman ko naman ang pag hagod niya sa aking likod kaya mas napaiyak ako.
"I-Im pregnant, Jiel. I'm freaking pregnant and I don't know what to do. Malaking responsibilidad ito kaya natatakot ako kung kaya ko bang kargahin." dahil ang totoo ay kahit hindi ko siya inaasahan na dadating ay kaya ko siyang tanggapin ng buo dahil anak ko siya. Dugo at laman ko.
"You can." seryoso niyang habang hinahaplos ang aking buhok "Alam ko na makakaya mo siyang palakihin. You will be the best mother for him."
"You think so?"
"Yes. I have faith in you and trust you. And may I remind you, nandito pa ako you are not alone to raise him, I am here. I will help you dahil pamilya tayo."
"You really know how to make me emotional huh?"
"Psh. So what's your plan now? Mind to tell me." usal niya pagkakalas ko ng yakap. Huminga ako ng malalim saka nag lakad palapit sa kama at naupo dito. Sinundan niya naman ako at tumabi sa akin saka hinawakan ang aking mga kamay.
YOU ARE READING
My Son's Billionaire Father
RomanceC O M P L E T E D -- Picture used for book cover is not mine. Credits to the rightfully owner.