Chapter 28

1.5K 39 0
                                    


---

"Sorry. I'm late." tumingala siya sa akin at ngumiti ng kaunti. Sinuklian ko siya pabalik kahit alam kong peke ang ngiti niya. Naupo ako sa kaharap niyang upuan at nag taas ng kamay para tawagin ang pansin ng waiter.

"Do you want to order again? Don't worry it's on me." alok ko sa kaniya ng mapansin na wala ng laman ang juice na inorder niya. Umiling ito  "No need. One glass of juice per day lang ako. Salamat nalang." nag kibit-balikat ako at tumango sa sagot niya.

"A glass of pineapple juice please. " tumango ang waiter sa akin at umalis.

"So..." pag-uunang saad ko at nilingon siya.

"Yeah. About that...gusto ko lang malaman ang tungkol sa'yo since it's our first day being cousins. You know, get to know each other." napataas ang kilay ko sa sinabi nito at ngumisi. Sumandal ako sa kinauupuan ko at diretsong tinitigan siya.

"There's nothing special about myself. Madidismaya ka lang."

"I don't believe you. You seems special lalo na't ikaw ang laging bukang-bibig ni Fritz sa tuwing nag kikita kami."

Napataas ang kilay ko dahil sa tono at sinabi niya. Is she implying something? I don't like her tone or even her actually.

"Ano naman ang paninirang sinabi ng fiancee ko sa'yo?"

"It's not paninira. Ipinag mamalaki ka nga niya lagi eh."

"Mabuti naman." dahil dead end ang sagot ko ay natigil ang usapan namin. Nanatiling tikom ang bibig ko at hinayaan siyang mag isip ng panibagong sasabihin.

"Anong nga ulit ang trabaho mo since nag mula ka sa bahay-ampunan ng mamatay ang mga tinuring mong magulang?"

"It seems that you did a great job checking my background huh? Let's get this to the point. Ano ba talagang gusto mong sabihin sa akin kaya mo gusto makipag kita?"

"I want you to back off. Akin si Fritz at umeepal ka kaya hindi kami mag kabalikan!" I scoffed and lazy look at her. Seryoso siya niyan?

"You don't need to tell me what to do. I have my own decision and that is to fight my love for Jaid."

"Sinabi niya bang mahal ka niya!?"

"Hindi niya lang sinabi dahil pinaramdam niya pa. Move on, Abriela. Wala ng part two sa relasyon niyo dahil ako na ang mahal ng taong iniwan mo. Ayukong ito ang maging dahilan ng hindi pag kakasundo natin bilang mag pinsan. Nirespeto ko ang kung anong meron kayo noon sana respetuhin mo din ang relasyon namin ngayon. Mahal namin ang isat-isa at walang makakapag hiwalay sa amin. Just a cousin advice, kailangan mo ng itigil ang ilusyon mo na mag kakabalikan pa kayo dahil masasaktan ka lang." tumayo na ako at akmang aalis na ng matigilan ako sa sinabi niya..

"Ikakasal na dapat kami.." nanginginig at puno ng pag-sisi ang kaniyang tono "...hiningi na niya ang kamay ko. Mahal na mahal niya ako. Sobrang sakit makita kung paano siya nag makaawa na piliin ko ang pag mamahalan namin kaysa ang pag-alis ko. Mahal ko siya, Yvy. Mahal ko siya no'n pero mahal ko din ang pamilya ko. Gusto ng aking ama na tuparin ang pangarap ko bilang isang arkitekto..ayon ang huling bilin niya bago siya tuluyang mamaalam sa mundo. Isang anak lang ako na nag mamahal sa aking ama. I want to grant his last wish kapalit man lang ng lahat ng ginawa niya para lang mabigyan kami ng magandang buhay. Akala mo ba madali sa aking iwan si Fritz? Para akong pinapatay sa sakit habang pinag mamasdan kung paano sunod-sunod na lumandas ang luha sa kaniyang pisnge. Sobra ang pag pipigil ko noon kaya tinalikuran ko siya at umalis hanggat kaya ko pang pigilan ang nararamdaman ko." napalingon ako sa kaniya ng marinig ang kaniyang hagulhol. Napakagat ako ng labi at dahan-dahang lumapit sa kaniya at niyakap siya.

My Son's Billionaire Father Where stories live. Discover now