07

412 14 3
                                    

Ilang araw muli nang magsimula nag klase. Nakapag enroll na ako for second semester at mas lalong bumigat ang subjects ko. Tumaas rin ang units.




On-going ang lecture sa Geotechnical Engineering namin. Isa ito sa mga mahihirap na subject at soil mechanics pa. Ang iba ay napapakamot na sa ulo at naloloka na sila, ganun rin ako, napagod ako intindihin ang tinuturo ni Ms Galves.




"So ganito yun." turo ni ma'am sa whiteboard. "Si B, solve it to 0.25² para magkaroon ng variable, then itransfer niyo kay 0.925, pag natranster niyo na, hanapin niyo si integrals tapos define niyo. Then fractioned form dapat, loom for the value of x and dapat no remainings."




Hindi ko maintindihan at parang sasabog na ng utak ko rito. Pati si Marian at Karina ay nagmumura na ng pabulong sa stress.




"So ayan, 0.25b² over x⁷o and a remaining of y to the power of six"



Nahilo hilo na ako at andaming naka lagay sa whiteboard. Ni isa dun, wala na akong maintindihan. Kinamot kamot ko na ulo ko sa stress.




"Quiz at recitation next meeting." Sabi niya. "Class dismissed." Nagpaalam na siya at umalis.







Yun ang last subject namin sa araw na ito. Para akong nahilo sa lesson. Lumapit ako sa dalawa kong kaibigan para tanongin kung nagets nila ang tinuturo ni Ms Galves.





"Dzai! Yung utak ko natusta na!" Inis na sabi ni Marian.




"Bagsakan is real!" Sigaw ni Karina. "Shutang subject na to! 4 units!"




Lumabas na ako nang may tumawag. Si Aira iyon kaya sinagot ko kaagad. Nanlaki mga mata ko nang marinig siyang umiiyak sa tawag.




Umalis kaagad ako at pinuntahan ang address, condo pala ni Kaisel iyon. Tangina! Ano ngyari?




Nakita ko siya sa malayong distanya humahagulgol sa iyak, kaya tumakbo ako para yakapin ito.




"May ibang babae si Kai?" Pagtatanong ko.




"Hindi ko alam! Pero baka may history sila nung Elyzandra na iyon!" Patuloy na pag iiyak niya.


I comforted her hanggang sa makarating kami sa condo niya. Kumalma siya kaya umuwi na rin ako at may mga letseng quiz pa.



Pakalipas ng ilang araw ay andito na si Azari kaya pumunta kami sa condo niya at nagbonding. Ganun rin, nalate nanaman si Aira. Binigyan kami ni Azari ng mga gift galing canada tapos necklace.




Nanood kami ng 'Us' na horror. Naloka lang ako at bobo mga tao pero worth it yung plot. Si Alora ay chill lang at napanood na daw niya iyon.



Bumili kami sa grab ng outside food para celebration. Nang dumating iyon ay kumain na kami. Tumataas ang mga balahibo ni Aira  tapos tinatakot pa siya nagpanic pa.



Maya maya ay uuwi na raw siya, ihahatid dapat siya kaso si Kaisel na raw. Naging sila na pala nalaman ko, kani kanina ay sinabunutan ko iyon at nangako ako na sasabunutan ko siya, kapag naging sila. Napaka scam! Nakakaasar ang babaeng iyon!



Uuwi ako bukas at weekend na. Makakapag pahinga na ako. Kinabukasan, maaga ako naghanda at matraffic kasi may mga inaayos na kalsada, Manila to Alabang.



Sabay kami umuwi ni Felix at kasama nanaman si Emilia. Nasa likod ako at panay ngawa nanaman siya, gusto raw ng milktea naman ngayon. Naglalandian pa habang nag dadrive kaya umirap ako.



Builds In The Sky (Career Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon