Blue Lotus

7 0 0
                                    


Hindi sa ayoko nang magsulat. Pero parang ayoko nang magsulat ng romance novels. Ayaw ko na nga ring magbasa ng English pocketbooks na sobrang kinaaadikan ko noon. Naiisip ko na ngang ipamigay o sunugin ang mga pocketbooks sa bahay na nasa apat na Orocan ang dami. Ano sa tingin mo?

Gusto ko pa rin namang magkuwento, pero siguro ikukuwento ko na lang iyong 'parts' ng mga nabasa kong nobela noon... parang review... siguro naman wala nang magwawala at mag-aakusa ng 'PLAGIARISTA' kasi... well, nasa iyo ang burden of proof. Chos. Gusto ko lang magkuwento. Pagbigyan mo na ako.

In the beginning... I was fourteen when I read my first Mills and Boon. Nabili ko sa garage sale na nadaanan ko pauwi sa bahay ng lola ko. Doon kasi kami nakatira noon. Binili ko dahil kailangan ko para sa book review sa English subject. I was in second year high school then [kung di ako nagkakamali... baka mamaya first year lang pala] Basta ang natatandaan kong maliwanag ay fan na fan ako ni Sailor Moon at ni Robert Akizuki ng Masked Rider Black. Fan pa rin ako ng Sailor Moon hanggang ngayon... si Robert Akizuki... ahm, baka hindi n'yo na siya kilala... kayong lahat na hindi nakakakilala kay Shaider at kay Annie.

Okay, ang title ng first English novel na nabasa ko ay Blue Lotus ni Margaret Way. Kuwento ng isang babaeng naligaw sa rainforest ng... Australia... then iyong hero, siya iyong mayaman na may ari ng lahat [puwera naman siguro iyong rainforest] na nag-rescue dun sa girl. Ang catch ng story ay may 'hipag' si hero na may sayad na may gusto sa kanya at pinagmamalupitan iyong heroine na pinatuloy ng hero sa bahay niya. There. Hindi ko alam kung bakit super nagustuhan ko ang istoryang iyan that it stayed with me until my university days. Akalain mo, nawala ko kasi iyong first copy ko, hinahanap ko siya tuwing may book sale sa university! Hanggang sa isang araw, sa College of Math ba iyon o sa AS may natiyempuhan akong sale and there it was! So binili ko. Ngayon ko lang nare-realize na HOARDER pala ako!

Naalala ko, nagtatrabaho na ako noon, patuloy pa ako sa pangongolekta ng mga pocketbooks atbp libro, ibinigay ko sa isang preloved books bookstore iyong 'collection' ko. After a year, namalayan ko na lang na binili ko pala ulit iyong mga librong ipinamigay ko. Kaya simula noon, bihira na akong magpahiram ng mga libro. Kasi kapag hindi naisosoli sa akin, binibili ko ulit!

Ayan, mas magaan na ang pakiramdam ko na may isang libro na akong nabalikan... balak ko sanang balikan/i-review ang lahat ng librong maaalala ko at naging malapit sa puso ko... dahil para silang mga kaibigan. Ayokong basta na lang sila isantabi at iwan. Gagawin ko ito hanggang sa hindi bumabalik ang interes ko sa libro. Sa ngayon hindi ko man magawang buklatin ang mga 'koleksyon' ko para basahin... inaalisan ko naman sila ng alikabok.

Paki-message na lang ako kung may violent reaction ka.

The Blurb Book ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon