Ang isa ko pang super favorite na Harlequin Mills and Boon story ay iyong The Unwilling Bridegroom ni Roberta Leigh. Bale, galit iyong heroine dun sa family ng hero kasi 'ipinakulong' ng tatay ng hero ang tatay ng heroine. Namatay ang tatay ni heroine sa kulungan bago siya nakalaya at napatunayang walang kasalanan. Ang heroine, kinupkop ng family ng hero at tinanong siya ng hero kung paano sila 'makakabawi' or magkakaayos. Ang sagot ng heroine, gusto niya ring kunin ang 'freedom' ng hero sa kanya kaya ang hiningi niya ay ang pakasalan siya ng hero.
Siguro kung ako ang nagsulat ng istorya, gagawin ko na may girlfriend or fiancee ang hero... pero dito wala... biyudo na ang hero at pumayag siya sa gusto ng heroine.
Anyway, may dumating na third party na may gusto sa hero and by this time, na-i-in love na rin ang heroine sa hero. Masyado yatang spoiler itong review na ito.
Minsan, 'sinubukan' ng pinsan kong basahin ang mga librong nire-rent ko. Noong inalok ko siya ng bagong rent kong libro, tumanggi siya. Ang sabi niya, iisa raw ang istorya ng mga binabasa ko. Well, may point siya. Ganun at ganun lang na istorya ang pinaka gusto kong basahin. Nagbabasa rin naman ako ng iba, pero bihira. Marriage of convenience? Sigurado akong maghuhuramentado ako kung sa akin ito mangyayari. Pero ewan ko ba kung bakit ito ang pinakapaborito kong tema.
Ikaw, ano'ng gusto mong istorya sa pocketbook?
BINABASA MO ANG
The Blurb Book Club
RandomMahilig ka bang magbasa ng pocketbook? Sino ang favorite author mo?