Pagka-graduate ko ng college, kasabay kong grumaduate ang mga tini-treasure kong pocketbooks. Nawala na lang sila nang hindi ko namamalayan. Ang alam ko ipinahiram ko silang lahat sa isang mabait na kaibigan... na hanggang sa huli ay itinanggi na tinanggap niya ang lahat ng libro kong nasa malaking paper bag.
Anyway, ang laman ng kahon, este, paper bag ay mga nobela ni Miss Martha Cecilia. Sweethearts at GEMS series. At iyong kwento nina Bernard at Diana. Naku, iyong boarding house na tinirahan ko, nasa isandaan ang boarders... may babae at may lalaki pero magkahiwalay na wing naman. Pero ang tawag pa rin ng iba sa lugar na iyon ay Sodoma at Gomorrah. Pero problema na ng mga judgmental iyon.
Basta ang natatandaan ko, sikat ang mga Fortalejo sa mga boarders ni Tita. Iyong tipong 'pinapasikat' sila ng mga fangirls in the sense na aalukin ka pa nilang 'basahin' iyong libro pagkatapos nila. Ayun tuloy, may kinaadikan na naman ako. Buti na lang medyo seryoso pa ako sa pag-aaral nun kaya hindi pa ako sobrang nagpa-engganyo sa groupie ng mga Fortalejo. Pero binili ko ang istorya nina Bernard at Diana kasi sila ang favorite couple ko... para lang maasar dahil muling nabuhay si Jewel Fortalejo at siya ang forever ni Bernard. Oh, well, matindi ang epekto sa akin nun. Sabi ko sa sarili ko [at ginawa ko talaga] ito na ang katapusan ng pagbili ko ng Tagalog pocketbooks! Istorya para sa ibang araw kung paano ako napabalik sa industriya ng publishing.
Sige na nga, ngayon ko na ikukuwento... kinumbinsi ako ng pinsan ko na 'ipasa' sa isang publishing house ang 'nobelang' isinulat ko. Suwerte naman, nakapasa. At inalok pa akong maging assistant editor ng kompanya. Timing talaga dahil kaka-resign ko lang noon.
Masaya sa publishing world... [galing kasi ako sa Japanese newspaper... exciting din]... parang hindi trabaho kapag mahal at gusto mo ang ginagawa mo. Kaya siguro nagtagal din ako sa kompanya kahit freelance ang status ko. Anyway, pag nasa ganito kang trabaho, mare-recognize mo kung gaano kaliit ang mundo ng publishing. Kahit rivals kayo ng ibang kompanya, nagtutulungan kayo pag may writer na plagiarista. Hindi ko na sasabihin kung paano at baka iyon pa ang maging reklamo dito, eh, hindi naman iyon ang kuwento.
So nakilala ko iyong isang accounting staff [di ko na papangalanan at baka ayaw niya haha] tas nakuwento niya sa akin na sa UPLB daw, parang mga totoong tao ang mga Fortalejo kung pag-usapan ng girls sa dorm. LB kasi ang undergrad niya. I wonder kung nalaman ni Miss Martha kung paano niya pinatili ang mga kababaihan sa mga heroes niya.
Nga pala, 'napatawad' ko na rin iyong break up ni Bernard at ni Diana. Sabi ko kasi sa sarili ko, pag hindi ginawan ng author na ang magkakatuluyan ay ang anak ni Bernard at anak ni Diana, talagang gagawan ko ng fan fiction kahit para sa sarili ko lang. Thankfully, nag-heal naman ako sa Hasta La Proxima Vez. Thank you po, Miss Martha. At rest in peace.
Madami pa siyang istorya na tumatak sa akin, pero iyon sigurong kina Bernard at Diana ang pinaka. At saka iyong kay Jose Luis Esmeralda at kay Judy. At iyong kay Nick at Jessica. Siguro nga marami pang iba.
Ikaw, alin ang paborito mong nobela ni Miss Martha?
BINABASA MO ANG
The Blurb Book Club
RandomMahilig ka bang magbasa ng pocketbook? Sino ang favorite author mo?