The Mistress

4 0 0
                                    

 Magsulat ka na parang walang nagbabasa sa sinusulat mo...

dahil wala talagang nagbabasa. [May narinig akong parang ganito

ang sinasabi, in-adapt ko lang. Haha. Sa Masterclass yata iyon.]

Ayoko siyempre ng "kabit" or mistress ang bida sa istorya. Pero i-define muna natin ang kabit na ayaw ko. Iyon iyong babaeng pumapatol at nilalandi pa iyong hero kahit alam niyang may asawa na ito. Pero may mistress stories akong gusto sa Harlequin at sa mga Tagalog pocketbook na nababasa ko. Sila iyong "mistress" na "babae" ng hero. Ibabahay, pero ayaw magpabahay. Nagsisikap magtrabaho. Feisty. Tapos darating iyong moment na magpapaalam ang hero at sasabihing magpapakasal na ito sa iba... pero willing pa rin ito na maging babae si "Mistress"... pero tatanggi na si Mistress at magpapakalayo-layo na. Then after a while malalalman niyang buntis pala siya... or hindi. Pero pagkawala niya, saka maiisip ni hero na hindi niya kayang wala si "Mistress" at hindi niya maatim magpakasal sa iba. Mas gusto ko ito kesa sa marriage of convenience stories. Gusto ko rin iyong mga istorya na malapit nang magpakasal iyong hero tapos malalaman niya na may anak pala siya sa dati niyang karelasyon o kahit naka-one night stand lang. Hmm, marami ding gumagamit niyang temang one-night stand.... pero ayoko iyong sa stag party ng hero. I mean, bakit mo gagawin iyon, eh, ikakasal ka na nga? Nakukulangan lang ako sa logic. Haha.

Ang isa pang tema ng istorya na gusto kong binabasa ay iyong best friends ang mga bida at na-fall ang isa, usually iyong girl... tapos napikot niya iyong hero. Tapos from friends, galit na sa kanya iyong hero na karaniwan ay may ibang love interest. Parang iyong Beyond Forever ni Avi Cirera.

Hindi ko alam kung bakit, pero gusto ko iyong mga suplado at masusungit na hero... at iyong mapagtimpi na heroine pero palaban din. Di ako masyadong fan ng mga beta na hero... mas peg ko na alpha sila. Alpha males sabi nga... hindi ko matagalan kapag alpha females ang nababasa ko... pero gusto ko rin ang ganoong bidang babae.

May isang istorya si Dior Madrigal na gustong-gusto ko, iyong Bad Love. May spoiler dito. May gusto iyong bidang babae dun sa hero kaso iba ang crush/love interest ni guy. So gumawa ng paraan si heroine para mawala sa landas nila ni guy si love interest. Pero bumalik ito... at sa pagbabalik ng unang love interest ni guy parang gumuho ang lahat ng confidence ng heroine at handa na siyang "pakawalan" ang hero... nahalata niya kasi na parang "mahal" pa rin ni guy si other girl. Love interest nga, eh. Sana mabasa mo rin ang istoryang ito.

Kay Elise Estrella naman, paborito kong hero si Philip... ang heroine niya ay iyong babaeng ipinambayad-utang ng tatay nito. Akala ko sa pocketbook ko lang mababasa, pero totoo pala na may ganun. Ikinuwento ng isang tita ko sa akin na may kakilala raw siyang ganun na ipinambayad ng ama sa pinagkakautangan! Ginawang bride! Que horror! Pero guwapo naman itong si Philip... at mabait din... sana sapat ang mga iyon para hindi ma-trauma ang ating heroine. Ang favorite heroine ko naman niya ay si Soraya o Soya, isa sa magkakapatid na witches. Sobrang nalibang ako sa pagbabasa ng seryeng iyon.

Kung gusto mo naman na gumulong sa katatawa, basahin mo ang mga libro ni Sefah Mil. May mga istorya siya rito sa wattpad... actually, silang lahat na binanggit kong authors meron. Paborito kong nobela ni Sefah iyong Isaw at Long Neck at iyong That Wrong Summer.

Marami pa akong paboritong MSV writers, sana maisa-isa ko sila pati ang mga nobela nila na gustong-gusto ko.

May paborito ka bang writer sa My Special Valentine?

The Blurb Book ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon