19

1 0 0
                                    

Chapter 19

"So what's your plan now?" tanong niya matapos ang ilang sandali ng katahimikan.

I tried to calm myself. Hindi na ako dapat mai-stress, may baby na ako ngayon na dapat alagaan. Napahawak ako sa tyan ko. I can't feel it yet.

"I don't know..."

That's the truth. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. I am still studying, I have work at sa klase ng trabaho ko ay... Ewan! The most important right now is my baby.

Nagpahatid ako kay Logan sa ASV dahil hindi ako magiging active sa mga events this coming week. I have to prepare for the foundation day on our school. At dahil marami akong absents this past few weeks, binigyan ako ng task ng mga teacher ko para makabawi.

Si Iuri ang sumalubong sa akin.

"Az!"

Niyakap ko siya pabalik. "Where's Tal?"

Ngumuso siya. "May aasikasuhin daw siya. Sinong kasama mo? Nag-taxi ka ba?"

"Nagpahatid ako kay Logan, he's still outside dahil may sasabihin lang naman ako kay Tal."

"Tell it to me then I will tell him." Humagikgik siya.

Natawa rin tuloy ako dahil nag mukha siyang bata. Iuri can be sexy and cute at the same time. Noong una ko nga siyang makita ay natakot ako ng kaunti dahil mukha siyang mataray. Pero nang lumapit siya at nagpakilala ay kalog pala at para ring may saltik.

"I will inactive for about two weeks or so."

Napataas ang kilay niya. "School?"

"Yeah. Foundation week is coming at kailangan kong magsipag para sa mga absents ko," sabi ko.

I always remember Oli kapag naaalala ko kung bakit ako nagkaroon ng absents. I just missed him now... Sana ay kasabay ko siya mab-busy dahil sa foundation week. Hindi sana ako nag-iisa.

How are you up in there, pretty Oli? Ninang ka ni baby ha?

Pinilig ko ang aking ulo at ibinalik kay Iuri ang atensyon. She's eating some kind of chocolate cake. Bigla tuloy akong natakam at gusto biglang humingi. Thatxs what I did though.

"Wait, ikukuha lang kita. Anong flavor gusto mo? Chocolate or the mocha?" tanong niya habang papunta sa kitchen.

"Pwede both?" pa-cute ko.

She giggled. "Takaw, Az!"

We ate the cake at the sala while watching tv and talking nonsense. Saka lang namin napansin na naubos na pala namin ang cakes nang wala na kaming masandok pa!

"I thought ube cake is your most favorite cake?" She looked at the empty box. "What happened?"

"Oy, nakikain ka rin naman, Iuri!" katwiran ko. Napatampal ako sa ulo ng may maalala. "Hala! Si Logan pala, nasa labas! Omg. Nakalimutan ko na siya!"

Agad akong lumabas upang silipin si L. I immediately saw his car parked at the side of the house. Lumapit ako at bahagyang kinatok ang bintana sa driver's seat.

His window rolled down.  "Akala ko wala ka nang balak lumabas, e."

Bigla naman akong nahiya sa kaniya. Why did I forgot him?! Nakakahiya dahil pinag-antay ko siya rito sa labas ng matagal!

Silent Hymn of Hearts (Gaiety House Series #1) Where stories live. Discover now