Prologue

763 14 1
                                    

"Ano ba 'yan Maximo! Anong hindi na naman pwede? This is the second time na magca-cancel ka ah! Ako ang naiipit! Next time huwag ka na lang tumanggap ng assignment from me kung last minute din magca-cancel ka! Grabe!" mainit na ulong tirada ni Aurora sa kanyang phone. Nag-pause ito saglit para pakinggan ang sinabi ng nasa kabilang linya. "Andun na ako. Emergency. Every time na lang ba may malapit na prenup photoshoot may emergency? Sabihin mo lang kung ayaw mo na sa partnership natin. Kukuha na lang akong ibang official photographer ng Everlasting!" galit na wika nito at binaba ang telepono.

Sakto namang may pumasok sa loob ng opisina niya. Isang matangkad na chinita na may tangan-tangan na box.

"Oh aga-aga at ka-Monday-Monday, may kaaway?" kunut-nong tanong nito at nilapag sa mesa ang box.

"Paano si Max. Hay!" Tinignan nito ang box at binuklat. "Wow cupcakes! Pinapataba mo ako lalo Cielo eh." sabi nito pero kumuha pa din ng isang cupcake.

"Napano na naman 'yang photographer mo?" tanong nito habang umuupo sa mesa. "Magtigil ka nga Aura ah. Nagzu-zumba classes ka naman atsaka taste test na din yan para dun sa tinanguhan kong 7th birthday party na ino-organize mo." Dagdag nito.

"Ayun, nag-cancel na naman the last minute! Eh sa Sabado na yung scheduled Prenup Photoshoot nina Prenia at Gavin di ba?" sagot nito kahit may laman ang bibig nito. "Sarap nito Ciels! The best talaga mga bine-bake mo! Bakit pa kasi ayaw mo pang tanggapin yung alok namin ni Sab na makisosyo dito sa business and be the official Cake supplier namin?"

"Oh sa sabado pa naman yun, I'm sure makakakuha pa kayo ng kapalit ni Max. At tantanan mo muna ako sa pangungulit about dyan sa sosyo-sosyo. Andaming problema ng business namin." kunut-noong sagot nito.

Sakto namang bumukas ulit ang pinto at niluwa nito ang isang sexy na babae na kung makasuot ng colorful na damit ay parang may pupuntahang children's party.

"Oh Ciels andito ka pala!!! At may dala ka pang cupcakes ha? Sureball sarap to! Penge!" mabilis na sabi nito at kumuha na din ng cupcake. "Anong meron dito pala? Sasali ka na sa amin ni Aurora?" tanong nito nang makaupo na sa opposite chair na kinauupuan ni Cielo.

"Eh paano Savienna yang si Maximo ha! Nag-cancel na naman!" atungal ulit ni Aura.

"Yung para sa Saturday? Nako, di ka na nasanay dun. Sabi na magpalit na tayo eh." sagot ni Sab. Tapos humarap ito kay Cielo. "Ay di ba Ciels may ex ka na photographer?" biglang tanong nito.

"Ha? Meron ba siya?" tanong ni Aura.

"Di ko ex yun." naka-pout na sagot ni Cielo.

"Ex fling, haller???" sabi ni Sab. "Wala ka bang panulak dyan Aura?"

"Wait, pabili tayo kay Becky." tukoy nito sa assistant nito at pinindot ang intercom. "Ano palang ginagawa mo dito Sab? Dala mo na ba sketches?" Tanong nito matapos magbigay ng instruction sa sekretarya.

"Yes! Di ba pupunta sina Prenia mamaya? Papakita ko sa kanya. Gown nya atsaka yung sa entourage niya." Abot nito sa sketchpad nito kay Aura. "Huwag tayong lumayo sa topic. Dun sa ex fling ni Ciels. Malay mo pwede siyang maging photographer para sa wedding ni Pren at Gav. Di ba?" humarap ulit ito kay Cielo at tinaas-taas pa ang kilay nito.

"Bakit ako na naman ang nakita mo Savienna ka! Ayoko ngang tawagan yun at humingi ng favor!" pinagkrus pa nito ang mga braso sa dibdib nito.

"Bakit, kasi ginawan mo ng masama?" sabad ni Aura.

"Wala akong ginawang masama okay?" nanlalaking matang sabi nito sa mga kaibigan.

"You dumped him, yun ang ginawa mo. Paano kasi hindi pa niya makalimutan ang first love niya." Savienna taunted.

Their Love SchemesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon