CHAPTER SAIS

9 4 0
                                    

" Pre" kanina pa talaga 'to si Cris nagtatanong ng kung ano-ano. Ashhh!! Mga walang magawa.

"Oh?" Kapag ito kabulastugan na naman susuntukin ko na talaga 'to. Nakakabwesit. Hindi panga ako nakakabawi sa pagdating bigla ni Elaiza sa eksina. Magtatanong na naman.

" May gusto kaba sa kapatid ni Jonathan? Ke Avah?" Hindi lang gusto kundi may nakaraan pa. Bakit ba kasi mapaglaro ang tadhana. At sa kasamaang palad bakit ako pa? Why do the time loves to play?

Should I tell him the truth? Pa'no kapag nalaman ni Jonathan? Sa pagkakaalala ko'y walang may alam ng relasyon namin'. Madaldal pa naman ang gagong 'to.

But? Did Elai remember me?

Arghhh!! I hate questions! Nakakarindi.

"Ahmm.. nope. Natulala lang ako kasi ang ganda niya."

"Dapat inasahan mo na 'yun. Gwapo si Jonathan e."

"Yeah.. yeah. Whatever"

"Wag mo siyang aagawin' dudes ah. Akin' lang si Avah." What the hell?" Tanga kaba? Ang nakasal nanga na merong marraige contract e naaagaw. Kayo pa kaya na walang label. Kaya, man.. may the best man win." I will do my best to get what I want.  Kahit kabulastugan pa 'yan. I will get her by crock or by hock.

"Ano! Kami 'yung unang nagkita e. 'Wag kang madaya dudes. Walang ganyanan."

"Pasensya kana dudes. Kahit kaibigan pa kita't katrabaho, wala akong sinasanto, para sa taong mahal ko."

Paano kung may mahal na siyang iba? Boyfriend?

I will have her. That's all. 'Yan lang dapat ang isipin ko. Mapapasakin siya, kahit anong mangyari.

"May the best man win." After he said that he walked away. First time kung nakitang naging seryoso ang gagong 'yun ah. Siguro seryoso talaga siya ke Elaiza. Pero hindi ako magpapaapekto. Mas seryuso pa ako kesa sa kanya. Makikita niya.

"UY! 'YUNG GAS! NASAN NA!" Habang abala sila sa paghahanda ng camp fire. Heto naman ako't pasimpleng sumusulyap-sulyap ke Elai. Sabay plano na din' kong paano ko siya makakausap.

"Ito na po" sabay abot ni Elai sa gas. Wala talaga sa taste ko ang mahinhin. But then.. nagbago 'yun ng dumating si Elai. Mas trip ko kasi 'yung wild. 'Yung palaging tumatawa.' Yung bang napakapositive. 'Yung kalog.

Para sakin' kasi napakaganda ng wild kasi, wild din' sila sa kama. Prove me wrong pero 'yun kasi ang sabi-sabi nila.

"Bang!" Bwesit na Cris. Nakakabwesit na ngiti 'yan. Sana mapunit nalang ang bibig. "Oh? Cris" At ang mas nakakabwesit pa ay ang ngiti na sinukli ni Elai. Bwesit talaga! Bwesittt! Mamatay ng lahat ng ngumiti sa kanya! Arghh!!

At may pahawak-hawak pang nalalaman si Cris! Arghh! The green thing, slowly eating me. Nakakabwesit talaga. Nakakabwesit! Sarap pumatay.

Chilax dude. Mas mabibigyan mo ng pag-asa ang gagong 'yan.

Yeah. Yeah. Tama. Dapat chill lang ako. Chill lang. Show them that you're not affected.

Show it to them that you're not fvckin' affected!!!

Nakakainis... Nakakawalang gana, makisama sa taong katulad mo Cris. Sa lahat ba naman ng babae sa mundo? Bakit iisa pa ang aming gusto? Bobo kaba tadhana? Bakit ako pa ang pinaglaruan mo? Wala nabang ibang tao sa mundo  na makakapawi sa kabagutan mo? Litse ka naman tadhana e, masisira pa ang pagkakaibigan namin' ni Cris ng dahil sayo. Napaka bobo mo naman magplano.

"Kung nakakamatay lang tingin kanina pa tumba ang dalawang 'yan." What the...! Pisteng Earon 'to! Pasulpot-sulpot. " Selos ka? Nah halata na." Gago sariling tanong sariling sagot. "Akala ko ba wild ang gusto mong babae? Anyare?" Piste! Gano'n ba talaga ako ka halata?

WHEN THE TIME PLAYSWhere stories live. Discover now