1

9 0 0
                                    

"Sige." Dry at diretsong sambit niya pagkatapos ng mahabang litanya ko. Duon ko napagtanto na wala na talaga.

He was just sitting on a chair na prenteng-prente. Nasa so called 'mancave' nila ako dahil nakita ko ang post ng isang babae na may kalampungan siya. I lost all my patience and came here myself.

Tumalikod ako at mag-isang naglakad paalis sa tambayan ng barkada nila. Siya si Damon Suarez Jr., gwapo nga, mayaman, babaero, sweet talker at dakilang sinungaling at manipulative. Ang ex ko simula ilang minuto na ang nakakalipas. Pinangako ko sa sarili kong hindi ako lilingon kahit na anong mangyari. At hindi ako lumingon. Pinangako ko sa sarili kong kahit marupok pa ako sa marupok, bobo pa sa bobo, tanga pa sa tanga, ngayong gabing ito hindi ako iiyak, ni isang tulo. At hindi ako umiyak. Linisan ko ang lugar na parang ibon na nakawala sa hawla.

Tapos na.

I am no longer the girl who was never worthy for him. I am no longer the babaeng hindi bagay kay Damon Suarez Jr.

I was an ordinary transferee. May kaya naman ang pamilya namin at nagkakilala kami dahil sa business line ng mga pamilya namin. What a fairytale turned nightmare. Don't get me wrong, I was happy. Atleast sa side ko oo, aaminin kong naging masaya ako. Pero I know for sure tapos na akong magbulag-bulagan sa lahat ng redflags niya. Hindi madaling magmove on pero masasabi kong madali para saakin. Bakit? Dahil nagsawa at napagod na ako. Nagstay ako sa relationship sa pag-aakalang pwede pa ayusin at hindi ko namalayang sa bawat maling pagtrato niya saakin, sa bawat kagaguhan niyang natuklasan ko, sa bawat pagchecheat niya, nagmomove-on na pala ako during the last phase of our relationship. Alam kong hindi tama at some point pero saakin, mas mabuti na iyon.

Sumilong ako sa isang library cafe dahil sa biglang pagbuhos ng ulan.

"Isa pong Americano, sa table 10 nalang po." Tumango ang cashier dahil kilala naman na nila ako. Maganda talaga ang ambiance dito sa Soulstice Cafe. Nagawa ko pang magkape pero why not? Ganap na akong malaya saka medyo malakas talaga ang ulan kaya medyo malamig narin.

Ang daming tao at ang table 10 nalang ang bakante, actually may tao pero kakapalan ko ang mukha kong makiupo. I know most of the students, pwera nalang sa mga transferee. Palagi kasi akong ginagawang tour guide ng Head Mistress which is my biological sister at since Student Governor ako ay sobrang dami kong nakakakilala. It's a long story. Don't think  na I am a big person, nope.

Kumatok ako ng dalawang beses sa table.

"Mind if—"

"No."

I was just gonna ask if he'd let me sit. Ang sungit naman.

"O-kay, I respect your privacy if you don't like it but I am desperate to find a place to sit so—"

"No." Pangalawang No na yan,  Davina.

I refused to be taken down that easily so, I tried. Again.

"Are you expecting someone?" I asked.

"No. Get out of my sight." If you ask me if I had ever encountered any  'fucking-God-given-beauty-with-a-devirginizing-voice-man'? This is it. Too dreamy. Hot, spicy. But then, I have no place to sit to, so nevermind. Not a gentleman.

"Are you finding someone to date?"

"Ye-" hindi pa siya natatapos sa sasabihin niya umupo kaagad ako.

"I'm Davina Fallon. Nice to meet you. I'm going to be your date. Seat taken now." Diretsang sabi ko. Napatigil siya at tinignan ako na para bang sinasabihan na ako ng 'you're-goddamn-unbelievable-'

"Really, woman?" He said in an amazed tone. His voice wasn't the only thing that seemed to be amazed. His eyes and grin too. What? Ngayon lang ba may nagpresentang idate siya?

"Ngayon lang ba may nagpresent na maging date mo? Or maybe ginayuma mo ako kaya ang gwapo mo sa paningin ko?" Unti-unti siyang napasandal, napaayos sa upuan niya at napatikhim.

"You're unbelievable, woman. Ikaw palang yata nakapagsabi saakin niyan sa tana ng buhay ko."

"Davina. Davina is the name, not woman." Sabi ko at saktong dumating na yung order ko, I mean namin.

"Hmm.. I prefer to call you my woman."
Nasamid ako sa pag-inom ko at agad naman niya akong inabutan ng panyo.

Napatingin ako sa label ng kape dahil hindi naman ako umorder ng sweet americano.

ALESSANDRO

Kanya pala to. So, Alessandro is his name..

"Your woman? Since when are we dating? Siraulo ka ba?" Nakataas pa ang kilay ko habang sumisipsip sa kape niya. Oo pinanindigan ko nang inomin kape niya.

"Since almost 10 minutes ago." He said in a serious tone kaya nasamid ulit ako. He handed me small pile of tissue for the second time around.

"Oh shit." I murmured.

"I'm Davina Fallon. Nice to meet you. I'm going to be your date. Seat taken now."

Halos matampal ko ang noo ko. Oo nga pala, I said that to get a seat. Shit kang upuan ka.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rainbow After the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon