II

17 1 0
                                    


"Sasali ka na ba ngayong sy?" Tanong ni ate sa'kin habang kumakain ng agahan.

"Hmmm, siguro?" Ilang linggo ko na rin kasi itong pinag iisipan. Tama naman si Yuzel, nagpahinga ako. Siguro tama na ang isang taong pahinga. Andyan pa naman sila ni Earl para sumuporta sa akin kahit na galing sila sa ibang department.

"Siguro? Hahaha, ano ba Liya wag ka puro aral. Gawin mo rin minsan kung ano ang gusto mo. Hindi ka na bumabata." Natatawang sabi ni Ate Hannie "Kung ako lang may ganyang katawan at mukha, baka kahit araw araw pa ako sumali hahaha" dagdag niya pa.

Hindi naman kasi talaga makakaila na sa aming magkapatid, ako ang mas matangkad. Pero sa mukha, alam ko maganda si Ate. Mas maputi pa nga siya sa akin. Sobrang layo lang talaga ng body shape namin. May kurba naman siya pero medyu may katabaan kasi siya.

"Nako pag ikaw ang may ganyang mukha at katawan..." Biglang tumigil si Kuya sa pagsalita kaya napatingin kami ni Ate sa kanya. "Asa ka pa!" Bigla kaming nagulat sa sigaw ni kuya.

Napangiti na lamang ako habang ang dalawa ay nag iikutan na sa loob ng kusina. Sobrang mapang asar kasi ni Kuya at pikon naman si Ate. Kaya talaga hindi sila pwedeng magsama sa isang lugar. Para silang si Earl at Yuzel na walang oras na hindi sila nagbangayan.

"Hoy! Ate, Kuya! Yari daw kayo kay mama diyan pagbaba niya." Biglang pasok ng isang kambal sa Kusina. Si Kent.

"Wala ba kayong pasok?" Tanong ko dahil anong oras na at andto pa sila.

"Exam namin at 9:30 ang sched." Sagot niya habang naglalagay ng tubig sa tumbler.

Grade 5 na sila ngayon pero kung umakto kala mo masmatanda pa kaysa sa akin. Siguro nasa lahi naming ang ganitong character.

"Aalis na kayo now?" Tanong ko ulit

"Opo." Deretso lamang siyang lumabas ng kusina pagkatapos sumagot


"Una na ako te, kuya." Hindi ko na sila hinintay sumagot at umalis na ako para makapag toothbrush sa CR nang makaalis na at baka ma late pa ako.



Pagbaba ko pa lang ng Jeep, kitang kita na ang haba ng pila sa labas ng gate. Sa sobrang strict kasi ng Guard dito daig pa ang may ari ng school. Siguro mayrong lima hanggang walong estudyante akong nakita na nakapila. Habang naglalakad ako papunta sa pinakahuli, pansin kong parang hindi umuusad ang pila. Kung tutuusin mabilis lang dapat ito. Checheck lang naman ang ID's at sa loob na ang scan.

"Tagal naman ni kuya."

"Kita mo naman kasi oh, hirap na amp."

Samo't saring reklamo ang narinig ko sa mga iritadong estudyante. Kung pagbabasehan sa tono ng boses ay mukhang kanina pa sila ditto sa pila.

"Kuya, alam naming pogi ka. Pero sa ngayon, ibang usapan na'po ito."

"Oo nga po. Baka malate na kami."

Sigaw ng dalawang nasa harapan ko. Hindi ko talaga ugali ang makisali o maki usyuso sa mga bagay na wala naming maitutulong sa akin. Pero siguro mukhang katulad nila ay isa rin akong estudyante na natatakot malate, sinilip ko nalang paunti-unti at pakunwari ang taong tinutukoy nila na nasa unahan.

Saktong pagsilip ko at bigla na lang siyang umalis sa linyahan at pumunta sa gilid na parte. "I'm sorry, sige kayo na muna may hinahanap kasi ako eh." Nahihiyang sabi ni Keil sa mga students na nakapila sa unahan ko.

Mukhang ID niya ang hinahanap niya. Kung titignan ay mukhang nahihrapan nga siya sa kanyang sitwasyon. Hawak sa kanyang left hand ay ang cute na bahay bahayan. Project? May nakita rin akong ganito kay Earl nong nakaraan. Baka sa Engineering. Tapos maliban sa bagpack niya, may sabit-sabit pa siyang duffle bag sa kanang balikat.

Come Back to me (CS #2)Where stories live. Discover now