Four Letter Word

61 0 0
                                    

Mu!!! this is it :))

*********************************************************************************************

Hi, ako si Lei. Simula palang ng 4 years old ako ( kinder) lagi ko nang classmate si Joseph. Gradeschool, highschool, pati na rin college classmates kami.

Highschool palang kasi parents namin magb'bestfriends na sila kaya halos lagi kaming magkasama ni Jo. I would consider him as my guy bestfriend

Isang araw...

"Bat ka sumali sa Frat? Diba sabi ni Mommy mo yan ang kailangan nating iwasan sa college?"

"Wala, trip ko lang"

"Eh diba delikado yan?"

"Tsk. Ako na bahala dito"

Pagkatapos ng paguusap namin di na kami nagkikita, ni hindi na nga ako hinahatid sa bahay, di rin siya nagtetext. Hay, namimiss ko na siya.

Pumunta ako sa bahay nila pero sabi ng mom niya kaaalis lang daw niya. Nasan kaya yun? Dati naman nagsasabi o nagtetext siya pag aalis siya eh.

Miss na miss ko na ang bestfriend ko, miss na miss ko na si Jo, ang taong lagi kong minamahal.

Lumipas na ang isang linggo nang hindi ko siya nakikita sa school. Nang matyempuhan ko siya kinausap ko siya pero iniwasan lang niya ko.

"Ano na Jo, ano nang nangyayari sayo?"

"Wala kang pakialam"

Tumalikod siya at nagsimulang maglakad, hinili ko braso niya at humarap siya sakin.

"Pero Jo--"

"Ano ba pakialam mo?!? ano ba kita ha?. Pwede ba wag ka ngang mangialam!"

BOOM! Yun yun eh. Oo nga naman ano ba niya ko, isang hamak na bestfriend lang naman ako, yun lang yun wala ng iba.

And with that, umalis na siya. Lumipas ang ilang araw na di ko siya tinetext, ni hindi ko na rin siya pinupuntahan sa bahay nila...

Lumipas ang dalawang linggo, habang naglelecture ang napakagwapo naming teacher na si Sir Ramjay ( KAPAL NI SIR TSK joke lang sir mwa) biglang nagvibrate yung phone ko sa bulsa. Nang mabasa ko ang text, agad agad akong nagpaalam kay Sir na umuwi kasi masama pakiramdam ko.

Paglabas ko ng school namin agad agad akong pumunta sa ospital hinanap ang kwarto niya nakita ko si tita umiiyak. Pagkakita sakin ng mom ni Jo bigla niya kong niyakap at sinabing

"Anak wala na siya, namatay siya sa hazing"

Parang gripong bukas ang mga mata ko, patuloy na tumutulo ang mga luha ko. Parang guguho na ang mundo ko. Mahal ko siya, mahal ko si Jo, pero huli na.

Pagkahiwalay ko sa yakap ni tita inabot niya yung phone ni Jo.

"Anak basahin mo"

'Bro, wag mong gagalawin best friend ko ha? Ginawa ko naman sinabi niyo eh. Nilayuan ko na siya. Basta wag niyo lang galawin si Lei, mahal ko yun eh'

-end-

Best friends to Lovers ( ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon