Warning

92 5 4
                                    

Update. Sorry kung matagal. /bows/

******

Tri-nay kong mag-fake laugh, pero siguro lumabas na fake talaga :(

"S-sige... uhm, Axel, di ko kasi alam kung anong sasabihin ko sayo eh. Di ko alam kung ano yung appropriate response." Sabi ko. Nag-smile siya ng slight lang. Tinabi na niya yung mga gamit.

"Di ko na kailangan ng 'approriate response'. Di naman ako nagtatanong eh. Gusto ko lang sabihin na andun ako para bantayan ka. Kaya sa susunod, mag-ingat ka, ah? Kasi di naman ako palaging nasa tabi mo." Sabi niya bigla. Di ko inaasahan yun sagot niya.

"Nagpapaalam ka ba?" Tanong ko. Umiling siya at ngumiti ulit na parang walang problema.

"Di noh. Sinasabi ko lang. Stating the fact." Tumayo na siya.

"Pa-english english ka pa jan."

"Edi sorry. Ok ka na ba? Di ba mahapdi?" Tanong niya na may halong concern.

"Wala talaga, promise. Di ko siya talaga naramdaman." Sabi ko.

"Ouch. Manhid ka ah!" Sabi niya sabay alis. Ano daw? May double meaning ba yun, o guni-guni ko lang?

"Oh. Wassup? Napano ka, Kris?" Tanong ni Knight habang pababa sa hagdan... teka! SI KNIGHT GISING NA!
Tumayo ako bigla at tinulak siya pabalik sa taas. Kahit nararamdaman ko na yung hapdi sa binti ko dahil sa pressure, ayaw ko naman ma-ruin yung surprise.

"AH, wala toh. Akyat muna tayo. May project tayo." Sabi ko sa kanya. Kailangan kong mag-isip ng distraction ASAP.

"Project? May school?" Tanong niya. Pinapasok ko na siya sa may kwarto niya at sinara ko. Ni-lock ko yung pinto at tinulak siya dun sa may kama. Ang kalat nung kwarto! Akala mo may military na nakatira.

"OY KRIS! KUNG ANO MANG BINABALAK MO EH TIGIL TIGILAN MO. BATA PA KO!!! HINDI NAMAN NATIN TOH PWEDENG BIGLAIN! I BELIEVE IN MARRIAGE BEFORE SE-" Tinakpan ko kaagad ang bibig nya bago pa niya tapusin ang sasabihin niya.

"Tarantado ka talaga! Tingin mo ba ganun akong tao? Manahimik ka nga lang jan." Sabi ko sa kanya sabay tanggal nung kamay ko sa bibig niya. Ngayon ko lang napansin yung suot niya. Naka jacket siya na maroon tapos boxers!!! Pero okay naman yung itsura nung boxers at hindi plaid design.

"Hay salamat. Bakit ba kasi binalik mo pa ko dito? Nagugutom na ko eh." Sabi niya.

"Walang pagkain. At kailangan mo munang... uhm, ayusin yong kwarto!" Sabi ko sa kanya. Yun na ang best idea na naisip ko. Matatagalan siya dito kahit papano.

"ANO?! AKO LANG MAG-ISA?Anu ba naman yan. Birthday na birthday ko, gagantuhin mo ko." Sabi niya. Nakakaawa nga naman talaga. Ang birthday ay dapat espesyal na araw at dapat free ka sa chores. Sorry Knight.

"Edi happy birthday! Pero sabi ni lolo eh. Patakaran talaga toh dito sa bahay!" Sabi ko naman. Nagbuntong hininga siya at nagsimula ng mag-ayos-ayos. Wala talaga siyang say pagdating kay lolo xD

"Salamat sa greeting mo." Narinig ko yung lungkot sa boses niya. Ang hard nga naman ngpagka-greet ko. Wag kang mag-alala Knight, matutuwa ka mamaya.

****

"Ngayon ko lang napansin na masipag ka pala." Bigla niyang sinabi. Binuksan ko yung mata ko. Nakahilata ako sa kama niya at nakapikit lang ang mga mata ko. Umupo na ko at ngumisi.

"Ah...hehe. Oo naman. Ako pa." Naki-ride rin ako sa joke niya.

"At ngayon ko lang napansin na ang kalat-kalat pala namin." Dagdag pa niya. Tumingin ako sa kwarto at nakita kong maayos na ang lahat. Wala nang mga kalat na halos akala mo eh walang pumasok o natulog dito sa kwarto na toh.

"Wow. Ang galing mo Knight ah. Pwede ka ng maging katulong." Biro ko sa kanya. Tinulak niya ko ng pabiro at napahiga ako ulit sa kama. "Aray ah." Sabi ko.

"Pwede na ba? Gutom na talaga ako." Sabi niya. Pwede na nga ba?

"Kukuhanan nalang kita ng pagkain. Picnic tayo dito."

"Ano?! Edi kakalat ulit! Kakalinis ko lang!" Sabi niya.

"Ako na bahala. Please. Dito ka lang." Halos mag-makaawa ako. Tingin ko kasi di pa sila tapos eh.

"Alam mo, ang weird mo ngayon. Pagbibigyan kita. Sige, dalhan mo ko ng pagkain." Inutusan niya ko na parang prinsipe siya. Binato ko siya ng unan.

"Oo na!" Sabi ko sabay takbo palabas. Narinig ko siyang sumigaw. Dali-dali ako pumunta sa kusina. Malapit na silang matapos.

"Oh. San ka nagpunta? Hinahanap kita." Sabi ni Link sa akin.

"Hay nako. Tumakas na yan kasi ayaw niyang tumulong. Grabe ka Kris ah. Ganyan ka pala." Sabi naman ni Storm na may dalang basket na punong-puno ng prutas. Ano toh? New Year o birthday ni Knight?

"Wow naman Storm oppa. Di naman. Ako na nga ang pumipigil kay Knight na bumaba para di masira yung surprise eh. Dapat pinapasalamatan niyo ko ngayon." Sabi ko sabay kumuha ng saging na hawak ni Storm.

"Ha? Gising na si Knight?" Biglang echos ni Dylan.

"Opo. Kaya dalian niyo na kasi nagiging curious na siya. Nagtatampo na nga kaso ang sungit ko daw sa kanya kahit na birthday niya." Sabi ko.

"O! Ayan na mga hyung. Gising na si Knight hyung! Dalian niyo na! Ariba ariba!!" Sabi ni Zelo at nagsimula na silang magmadali. Kumuha na rin ako ng yogurt at gumawa ako ng sandwich at kumuha ng Zest-O (hindi po ito sponsored ng Zest-O). Umakyat na ko. Dahan-dahan kong binuksan yung pinto ng may narinig ako.

"-wag ka ngang paranoid, hyung. Di ko naman siya inaagaw sayo eh. Wala akong gusto sa kanya."

"Paniguraduhin mo yun Knight. Alam mo namang gusto ko siya diba?"

"Sadyang mabait lang talaga siya hyung. Sana alam mo- Oh!" Nakita na ako ni Knight, nakaupo siya sa may floor, at nakita ko si Axel na nakatingin sa kanya at lumipat na ng tingin sa akin. Sino o ano ba yung pinag-uusapan nila? Sino yung gusto ni Axel?

"Hehe, wag niyo kong pansinin! Nandito lang ako para mag-picnic kami ni Knight." Sabi ko. Binaba ko yung tray sa lapag at umupo na ko sa harapan ni Knight.

"Picnic, eh si Knight lang ang kumakain?" Sabi ni Axel na umupo sa may dulo ng kama.

"Wow! Thank you Kris! Ang bait bait mo talaga! Ang sweet pa!" Nginitian ako ni Knight at binelatan niya si Axel. Gusto kong tumawa pero tiningnan ko yung reaksyon ni Axel. Pinakitaan niya ng kamao si Knight at nagsabi ng mga masasamang salita. Nung nakita niya kong nakatingin sa kanya, binaba na niya yung kamay niya at nginitian ako. Ang cute niya kasi wala na yung mata niya! Ahihie~

"Buti ka pa Kris kahit papano eh pri-ne-pare-an mo ako ng pagkain at binati. Di katulad ng iba jan na ilang taon ko ng kasama eh kinalimutan pa ang birthday ko." Sabi niya sabay higop sa straw.

"Nagpaparinig ka? Edi Happy birthday! Masaya ka na?" Pagtataray ni Axel.

"Wow. Happing-happy!" Ang sarkastikong sagot ni Knight.

"Edi good. Pasalamat ka-"

"Alam mo Axel, kung magkakaganyan ka lang, umalis ka na lang at iwan mo na lang kami dito. Kasi tahimik lang kami dito kanina eh." Pagtigil ko sa walang kwentang away at diskusyon nila. Mukhang nagulat ng konti si Axel sa sinabi ko. Medyo seryoso din kasi ako eh. Napatigil si Knight sa gitna ng pagkain niya ng sandwich. Nakita ko yung mata ni Knight sa akin, tapos na kay Axel, tapos sa akin ulit. Nagbuntong hininga ako at tumayo. Kinuha ko yung kamay niya at pinatayo siya.

"Usap tayo." Mahina kong sinabi. Alam kong ang kapal ng mukha kong hawakan ang kamay ng isang sikat na idol tulad niya, pero, ewan ko. Feeling ko kahit papano eh close na kami. Hinila ko siya palabas ng kwarto at pababa.

"Oy teka lang Kris! Axel Hyung! O-Ok lang naman eh! Alam kong nagbibiro-"

"HAPPY BIRTHDAY KNIGHT!" Sigaw nilang lahat na may hawak pang malaking cake. Tapos nakita ko silang medyo napanganga sila nang makita nilang magkahawak kami ng kamay ni Axel!

"S-sila na?" Tanong bigla ni Dylan. Tinitigan ko yung kamay ko at nagtitigan kami ni Axel.

Crash (B.A.P Tagalog Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon