Sino ba sila?

189 11 1
                                    

UD UD UD! LALALALALAL~ HAHA LOL. HAPPY MATS EH.

****

Sino ba ang B.A.P? What does B.A.P stand for?

B.A.P stands for Best Absolute Perfect as to what they call themselves....Agree ako dito xD Totoo naman eh!

Ayon sa aking mga research at churvaness, sila ay magkakaibigang Korean na pinanganak sa Pilipinas. Pure Korean po sila at lumipad pabalik sa kanilang pinaggalingan, which is sa Korea, at doon nabuo ang kanilang grupo sa pag-o-audition. Galing noh? Buti na lang at bumalik sila sa Korea xD Baka di ko sila nakilala eh..

Who are the members?

Let's start with:

Storm Bang - ang charismatic, main rapper at leader ng grupo. Nakakatakot ang mukha niya kapag una mo siyang nakita, pero pag ngumiti na yan....gum shines xD Mabait, may pagka-iyakin minsan at soft-hearted talaga siya at tumatayong 'fatherly figure' sa B.A.P

Link Jung - ang matakaw na main vocalist ng B.A.P na addicted sa pagkain, lalong lalo na ang cheesecake. Mukha siyang bad boy at cold, pero shy type daw siya. Magaling kumanta at magaling kumain xD

Dylan Yoo - Ang lead vocalist ng grupo na cute, matalino at mukhang tahimik. Mahilig sa gadgets at madalas na kalmado ang buhay, pero may mga tinatagong lihim at problema. Mysterious ha.... pero masayahin siya. Maganda ang boses niya at binasbasan ang sarili niyang 'nanay' ng mga members kahit si Axel yun xD Mahilig sa ice cream :)

Knight Moon - Hay..pano ko ba siya sisimulan? Ok, ganto na lang... siya ang sub-vocals at main dancer ng B.A.P.. kapag ugali na ang pag-uusapan.. siya ang pinakamakulit. Siya daw ang awkward sa grupo sabi ng mga members, at halata naman kung bakit. May pagka-weirdo at tahimik naman paminsan, pero siya rin ang nagbibigay buhay sa grupo bilang clown.

Zelo Choi - Ang cute maknae, lead dancer at rapper ng grupo, pero ang height..jusko xD No comment na jan. May pagka-isip bata, since bata pa nga lang siya at magaling sumayaw at lalo na ang pag-rap. Masayahin at close siya kay Knight.

at syempre...ang UB ko..

Axel Kim - *exhale* ang feels ko.... ok. Axel Kim. Ang sub-vocal, rapper at syempre... Face of The group. Wag nyo kong i-bash kung nagustuhan ko siya dahil sa maamo at mala-anghel niyang mukha... Di naman po yun palagi ang hanap ko sa lalake xD Siya ang tinuring visual dahil, gwapo siya. At siya ay isang ulzzang noong pre-debut pa lang. Ibig sabihin...walang retoke, at pure handsomeness lang. :)
Nagustuhan ko siya kasi, gentle siya, ang peacemaker ng grupo, masayahin at hyperactive. Kaya siya ang nanay ng grupo :)
Nagustuhan ko rin yung malalim niyang boses at talento niya sa pagtugtog ng musical instruments lalo na ang piano.. Isipin mo ba naman... haranahin ka ng ganyan?! Waah! Iniimagine ko pa lang namamatay na ko sa kilig!

Kaya sanay na kong hanggang imagination lang ang lahat ng toh. Isa lang akong normal na fangirl na may mga information tungkol kay bias with gathered informations and based on my observations. Rip engrish xD Masaya ako kahit papano.. kung ano ang nararamdaman ni bias, ganun din ako. 
Naalala ko nga yung nangyari kay Axel noong nag-pe-perform sila noon. Napansin kong iba yung itsura niya at pawis na pawis siya. Tapos sabi daw ay kagagawan yun ng sasaeng fan at may pinainom siya kay Axel na may laxative ba yun? Umiyak kaya ako nun. Nainis talaga ako, halos di ako makakain para makahanap pa ng info kung kamusta na si Axel at kung sino yung gumawa nun sa kanya. If you're not a fangirl, you wouldn't understand my situation then, since I love my bias.

Hay..tama na nga ang pag-e-emote. Eto ang introduction ko sa B.A.P at sa aking little experience. Haha. 

Crash (B.A.P Tagalog Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon