Para bantayan ka...

146 11 1
                                    

Sorry sa late updates! ginanahan ako ngayon xD

****

"A-anong sabi mo?" Tanong ko sa kanya. Nakatingin lang ako sa likod niya. Tumalikod siya ulit para harapin ako at ngumiti siya sabay kamot sa batok. ANG CUTE >.< WALA SIYANG MATA!

"Joke lang! Eto naman. Lahat na lang bini-big deal mo eh. Sige. Matutulog na ko. Hanggang ngayon pagod pa rin ako sa pagtatanim natin. Goodnight at Salamat :)" Kumaway siya at umakyat na. Nakatunganga lang ako dun at nakatayo na parang nakakita ng multo. I feel embarrased and I don't know why!

*****

"Oh mama! Ba't may handaan? Anong meron?" Tanong ni Suman ng bumaba na kami. Bagong gising kami at mukhang zombie -_-

"May bertday ba?" Tanong ko naman ng kukunin ko yung lumpiang shanghai na bagong luto at sabay pinalo ni mama yung kamay ko. "Aray! Mama naman eh!" Sabi ko sabay haplos sa kamay ko.

"Maghugas ka nga muna! At oo may handaan. Birthday ni Knight daw ngayon. Eh tulog pa naman siya kaya naisipan naming sorpresahin." Paliwanag naman ni mama. Bigla namang dumating si tito galing pantry.

"Akala ko ba fan ka? Ba't di mo alam?" Narinig niya yung usapan? Grabe talaga pandinig neto ni tito.

"Yun na nga po tito eh. Ewan ko dito kay ate. Baka nag-pe-peke-pekean lang kasi gusto niya si A- *hmmph hph*!!" Tinakpan ko yung bibig ni Chance.

"Ang daldal talaga ng anak mo, ma. Parang sirang plaka na may lawit na ewan." Sabi ko.

"Kapatid mo yan, bruha! At sino yung gusto mo sa kanila?" Tanong ni mama.

"Ha?! Jusko. Nagpaniwala ka jan kay suman. Wala po!" Sabi ko.

"A? Si Axel?" Tanong bigla ni tito at tinigil niya ang paghihiwa.

"Ano po yun?" May narinig ako boses sa likod ko. Nanlaki yung mata ko. Binitawan ko si Chance at tumalikod. Si Axel nga!!! :'(

"Ah...w-wala! hehe. Good morning!"

"Ah...siya si Axel diba? Ikaw si Axel, tama?" Tanong naman ni mama sabay ngiti ng malaki. Ngumiti at tumango si Axel.

"Hehe. Opo. Ako nga po. Bakit po?" Tanong niya. Nag-eye contact kami ni mama at parang binigyan ko siya ng 'code' na wag sabihin. Napangisi siya sakin at umiling na lang.

"Ay wala hijo. Ang gwapo mo nga talaga." sabi ni mama.

"Nga? May sinabi ho ba si Kris sa inyo?" Sabi bigla ni Axel sabay tingin sakin. Iniwasan ko siya ng tingin.

"Si Kris? Nako, wala wala." Weh ma? Yung totoo? Kasi halatang nagsisinungaling ka eh! -_- nakita kong nagpipigil ng tawa si Axel.

"Hay nako. Tama na nga yan. Tulungan niyo na nga kami dito at marami pang gagawin." Sabi ni tito.

"Wow and daming food! Bakit parang may handaan?" Tanong ni Zelo na kakagising rin lang. Kasama niya si Link na kulang na lang, eh tumulo na yung laway niya at bumaha na dito sa bahay.

"May birthday? Sino? Ikaw ba, Chance?" Tanong ni Link. Napa-facepalm si tito.

"Akala ko ba close kayo? sarili niyo ka-miyembro, di niyo alam na may birthday ngayon!" Sabi ni tito na parang di mapakaniwala. Nakatulala lang silang dalawa kay tito.

"Oh? Anong meron dito, hyungnim?" Dumating naman si Storm.

"Jusmiyo kayo! BIRTHDAY NI KNIGHT!! BIRTHDAY NIYA! KUHA NIYO NA?!" Explain ni tito.

"Ahhhh! Oo nga noh!" Sabi nilang lahat maliban kay Axel.

"Oh, ano pang tinutunganga niyo jan? Tulungan niyo na kami." Sabi ni mama. Nagsihugasan na kami ng kamay at nagtulong-tulong na. Grabe na! Masyado na ata akong napapahiya.

Crash (B.A.P Tagalog Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon