Simula

5 0 0
                                    

Madam Clara naka handa na po ang kotse at ang mga bagahe niyo ay nasa kotse na..

Salamat ako ay susunod na at nag aayos pa ako.. pasabi ko

tumango na lamang ito at umalis na. Ngayong araw ako ay nakatakda na para umuwi sa Pilipinas, ngayon ako ay nasa bansang England. Tumira ako dito ng 2 taon para lamang magisip. Hindi ko alam na tatagal pala ako siguro dahil ay napamahal na ako dito.

Sa 2 taon na pagpapahinga ko dito ay mas natuto akong mahalin ang aking sarili at mag focus sa aking sarili at hindi para sa iba.

Nakatingin ako sa reflection ng aking sarili sa salamin matangos ang aking ilong,wavey ang aking buhok,mapula ang aking mga labi at aking mga pilik mata ay mahahaba at wala ako bahid na pimple. Sa bawat pagtingin ko sa salamin ay napapatanong na lamang ako sa aking sarili kung my kulang pa ba?

Hindi pa ba ako sapat para mahalin niya?My kulang pa ba saakin?Bakit hindi ako kayang tignan niya bilang isang dalaga na at hindi isang kapatid na ituring?

napailing na lamang ako sa aking naisip..kaya hindi ako maka move on sakanya dahil lagi ko ikunukumpara ang aking sarili sa kanyang minamahal.

Ni minsan ay hindi naging kami pero malaki ang naging impact niya sa buhay ko dahil siguro sa mga pinapakita niya saakin 2 years Ago. Pero lahat ng yun sakanya ay maliit na bagay at hindi na pinapansin.

Ganun ko kamahal si Limuel, Limuel Archer Villa na ni minsan hindi man lang ako minahal.

Bumaba na ako at Dumiretso sa Heathrow Airport. 14 hours ang naging byahe ko England to Philippines.

Pagdating ko sa NAIA ay sumakay na ako sa Van namin na pinapunta ng aking Ina. Halos 2 Oras lang ang pagpunta sa Maynila to La Vida.

Meron malaking gate ang sumalubong saamin papasok sa aming mansion..na miss ko to!

Pumasok na kami at my paikot ito na my waterfall sa gitna. Malapit na kami sa aming pintuan ng mansion at nakita ko ang aking Kuya at mga kasambahay namin na hinihintay ang pag dating ko. Huminto na ang Van sa harap mismo na aking Kuya, pagbukas palang ng pintuan ng Van ay yumakap saakin agad ang aking pinaka mamahal ko na Kuya at niyakap ko siya pabalik!

Na miss kita princesa! ani ni Kuya Third

tinatawag ako dito sa mansion na princesa dahil ako ay ang bunso at mahal na mahal ako ng mga tao dito.

Na miss din kita kuya!Sobra!

Ngumiti na lamang siya pero hindi niya parin ako binibitawan sa pagyakap at mas lalo pa itong humigpit.

Kuya Masakit!Hindi ako makahinga!

Tumawa na lang siya at inalis na ang kanyang yakap. Pakatos akong yakapin ni kuya at pumunta na ako sa mga kasampbahay at bumati..

Welcome Home maam!

Welcome Home maam!

Welcome Home Ma'am!

Welcome Home Clarisse..

Natigilan ako..sa 2 taon narinig ko na muli ang kanyang boses.. Lumingon ako at nandoon nga si Limuel..

Ngumiti ako sakanya at nag pa  salamat  pero ang hindi ko inaasahan ay niyakap niya ako!

Na miss kita Clarisse! Grabe lumaki kana! Hindi kana bata tignan! sabi niya at tumawa.

Tumawa na lamang ako ng pilit at nakita ko ang tingin saakin ni Kuya Third na para bang alam niya parin na siya parin. Siya parin ang mahal ko!Na kahit kaylan hindi ako mamahalin pabalik!

Alam naman ni Limuel na gusto ko siya! Gusto'ng gusto ko siya! pero ito siya pinapamukha saakin na hanggang kapatid lang ang tingin niya saakin.

My forbidden loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon