Mommy

40 0 0
                                    

"LAYAS! WALANGYA KA!! LUMAYAS KA!!" sigaw ng matandang babae habang itinataboy ang sariling anak.

"Ma, maawa ka sakin at sa apo mo" mahinang pagkasabi ng babaeng may hawak na sanggol habang basang-basa ang mga ito sa ulan

"Maawa? Sakin? Sa papa mo? Sa mga kapatid mo? Hindi ka naawa? Pinag-aral ka namin at pinagkatiwalaan pero ano 'to? Babalik ka na may kasamang bata? At hindi nakatapos ng kolehiyo? LUMAYAS KA!"

"Ma kahit anak---
Hindi na natapos ni Anne ang sasabihin nito nang ibagsak ng nanay niya ang pintuan. Wala siya magawa, naririnig niya na ipinagtatanggol siya ng mga kapatid niya ngunit wala itong nagawa dahil tinakot ng nanay niya na palalayasin din ang mga ito. Patuloy ang pagbagsak ng kanyang luha.

Umiiyak ang sanggol na yakap yakap niya

"anak ko" pinulot niya kaagad ang mga kagamitan na nakakalat. Gamit na bitbit niya pagkapasok ng bahay nila.

Pagkapulot ay dali-dali itong tumakbo at pinalandungan ang anak. Sumilay siya sa kanilang bahay bago pa man tuluyang umalis.

*sorry sa typos. Another try ko lang 'to kasi hindi ko matapos yung iba kong story. Sana lang maggawa ko na 'to at matapos ^_^
Godbless Us.
Share the positivity

Sacrifice: A mother-daughter storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon