Sacrifice 1

42 0 0
                                    


/Back View/
"anak, mag-iingat ka sa Maynila ha? Mag-aral kang mabuti. Isa pa maraming bagay na pwedeng makasira doon ng buhay mo. Huwag kang sasama sa hindi mo gaanong kilala--

"Ma... Pang-ilang ulit mo na yan?" natatawang tanong ni Victoria sa  kanyang ina.

"Anak, prevention is better than cure" sabi nito na parang isang guro hindi tuloy maiwasan niya tuloy maiwasan ang mapatawa.

"anong koneksyon ma?"

"mas okay na ipaulit-ulit ko sayo kaysa naman makalimutan mo at hindi maintidihan"

"ma, malaki na ako" ngiti nito sa nanay. Bigla namang nalungkot ang nanay nito.
Mag-aaral siya sa Maynila para makuha ang kursong gusto niyang matapos. Medicine. Gusto niyang maging nurse dahil idol niya ang papa niya na nurse naman sa ibang bansa

Hinawakan ng nanay niya ang kanyang kamay

"anak, mag-iingat ka don. Ikaw ang nag-iisang babae na anak ko, ayaw ng papa mo na mawala ang pinaghirapan niya at isa pa gusto namin na may marating ka ha? Mahal na mahal ka namin"

"I love you too ma" nagyakap ang mag-ina.
/end/

"Pwede ba kaming makituloy ng anak ko? Parang awa niyo na, basang-basa na kame ng ulan" pagmamaka-awa ni  Victoria sa matandang babae na sa hula niya ay nasa edad 60 na.

"Nako Ineng sige pasok ka, ano ka ba namang bata ka hala pasok" napangiti siya nang papasukin siya ng matanda.

"Salamat po sa pagpapatuloy, bukas na bukas din ay aalis na kame" sabi ni Victoria habang humihigop ng kape. Pakiramdam nito ay nag-iisa lang ang matanda sa bahay dahil tahimik dito.

"wala akong kasama rito ineng, nasa probinsya kasi ang anak kong lalaki. Maari kang tumira muna rito kung gusto mo" masayang sabi nito habang hinehele si Sabrina o Sab kung kanyang tawagin, ang anak ni Victoria.

"Nako huwag na po nakakahiya naman, isa pa ay hindi nyo pa po ako kilala. Pasensya na po kayo kung nakaistorbo kami ng anak ko. W-wala na po kasi kaming pwedeng puntahan pa" naiiyak siya sa isiping nagawa nyang makituloy sa bahay na hindi niya naman kilala. Ano pa bang magagawa nya? Natatakot syang tuluyang magkasakit ang anak nya.

"ayos lang Ineng. Sa totoo lang ay namimiss kong mag-alaga ng bata, nakakatuwa kasi. Nag-iisa lang ang anak ko at ayaw niya pang mag-anak. Gusto ko na ngang magkaapo ang kaso wala pang natitipuhan ang batang iyon. Kung iniisip mo na baka isipin kong hindi ka mapagkakatiwalaan dahul hindi pa kita minsan pang nakikilala ay wag kang mag alala anak, nararamdaman kong may mabuti kang puso" hinawakan nya ang aking kamay at ngumiti. Doon ko naramdaman na may tao pang kayang tumanggap sa amin ng anak ko kahit na ganito ang sinapit namin.

Natapos ang kwentuhan ng dalawa at oras na para matulog. Pagod na pagod si Victoria marahil dahil sa pagtakbo niya sa kasagsagan ng ulan.

"Sige at matulog ka na ha? Marahil ay napagod kayo. At sya nga pala, isinampay ko yung mga basang damit nyo sa labas para naman matuyo at hindi bumaho. Tutal mayroon ka namang mga baong damit eh hindi na kita bibigyan pa pero kung kailangan mo wag kang mahiyang magsabi sakin ha?"

"Salamat po ng marami." kahit papaano ay nakaramdam siya ng saya matapos ang nangyaring pagpapalayas ng kanyang ina.

Dumiretso si Victoria sa kwartong tinutuluyan nila ng kanyang anak. Mabuti at agad niyang naitakbo ang sanggol at hindi rin gaanong kalakasan ang ulan.

"Goodnight anak, mahal na mahal ka ni mama" hinalikan niya ang anak sa noo at ipinikit na ang mga mata

/back view/
"Talaga? Ang layo naman ng pinaggalingan mo, mantakin mo sa Probinsya ka pa galing? Bakit naman dito mo naisip mag-aral?" tanong ng kaibigan nitong si Mary.

Sacrifice: A mother-daughter storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon