Sacrifices 3

22 0 0
                                    

Hindi ko alam kung san kami nakarating ni Dianna, basta ang alam ko nakalayo nako dun sa Allen na 'yon. Karga ko ngayon ang anak ko at sa totoo lang hindi ko pa alam kung saan kami pupunta basta huwag lang maulit yung nangyari. Kailangan kong maging matatag para sa anak ko.

Nakakita ako ng karatula na wanted  waitress.
"Miss pwedeng magapply?" tanong ko sa babaeng nagseserve.

"sige Miss, punta ka ron sa loob para makita ka ng manager" tinuro niya yung isang kwarto

"Mag-aaply ka miss?" babae pala ang manager nila
"Opo"
"sige ilang taon ka na?"
"21 ho"
"may maipapasa ka ba na requirements? I.d at Birth Certficate"
"Oho meron ho"
"sige pwede ka rito simula bukas"
"ahmm, wala po ba kayong kwarto rito? Pwede po bang stay in ako?" tanong ko. Wala naman kasi kaming titirhan ni baby Dianna.
"oo miss pero kasama niyo po ba sa trabaho iyang baby?"
"opo"
"nako, hindi pwede dito ang may batang kasama.

Wala kaming nagawa ni baby Dianna, nandito na naman kami sa kalye. Nagtanong tanong na ako ng pwede kong pasukang trabaho pero dahil may kasama akong baby kaya hindi ako qualified.

Mahirap kapag kasama ko si baby Dianna, hindi ko na itatanggi. Pero siya ang dahilan kung bakit ako nandito, siya rin ang dahilan ng pagiging matatag ko. Kaya ko 'to para sa anak ko.

"ano bang lugar 'to?" bulong ko. Naupo muna kami ni baby Dianna sa bench. Anong oras na ba? Tinignan ko yung phone ko. Kinakabahan akong pindutin yung keypad baka kasi sira na dahil sa ulan. Pagpindot ko. Ayaw.

"TSK! Nakakainis naman!" hiyaw ko
"haaaayy"
"Ay buteteng nalipad!" ano ba naman 'to basta basta nalang nagiinat at nahikab! May kapatabi pala kami sa bench. Hindi ko napansin. Ibinalik ko ang tingin sa phone ko, inaalog alog ko pa baka sakaling magbukas.

"Miss naglayas ka ba?" ang tsismoso naman -,-
Hindi ko nalang siya pinansin. Bakit naman ngayon pa!! Gusto ko kasing humingi ng tulong kay Mary.

"Anak mo ba yang kasama mo?" aish! Magbukas ka na please!!!!

"Miss..---

"ano??? Nakikita mo namang may ginagawa ako--- Patrick?" si Patrick ba 'to? Yung classmate ko nung first sem? Yung makulit? Yung madaldal?

"AnneAnne!!!!" tuwang tuwang sabi niya. An-an parin amg tawag niya sakin. Sura.

"Bakit nandito ka? Kapatid mo ba yang karga mo? Tsaka bakit parang hindi kita napansin nung graduation niyo?" nagsimula akong magpaliwanag. Lahat. Matalik na kaibigan ko rin kasi siya, yun nga lang hindi na kami magclassmate nung 3rd year na kami.

"Ang gago talaga ni JM! Sabi ko sayo wala siyang magandang idudulot sayo.
Sana ako nalang"

Hindi ko narinig yung huli niyang sinabi.

"Hindi ko rin naman alam na ganito ang mangyayari, tinry ko na sabihin sakanya pero...

Naramdaman ko na hinahagod  niya yung likod ko.

"pero nalaman ko na hindi naman pala nya talaga ako gusto" napaiyak ako bigla. Tahimik na ang buong paligid, hapon na pala.

"Hapon na Patrick, kailangan pa namin  maghanap ng matutuluyan"
"Kung gusto mo dun ka sa katabi kong appartment, pumunta kasi ako rito dahil dito ako nakahanap ng trabaho. Yung sa baby mo naman, may malapit na Baby House dito, iiwan mo ang baby mo tapos babayaran mo sila then kukunin mo nalang si baby pagkatapos" nakangiting paliwanag nya.

"ha?? Wala pa kasi akong malaking pera tsaka diko alam kung kailan ito kakasya" malungkot na wika ko

"ako munang bahala. Tara na" masaya ako at nakita ko si Patrick. Naglakad kami hanggang makarating sa tatlong hilera ng apartment

Tinitigan kong maigi ang bahay.
"Baby Dianna, look. Meron na tayo bagong house! Look baby" masaya kong kinakausap si baby Dianna, bigla siyang ngumiti. Ang cute ng baby ko!!!
Sigurado ako na magiging masaya kami ni baby dito, gagawin ko ang lahat para maging maganda ang buhay namin.

***
"Maaaa!!! Look o! Meron akong 5 stars! Sabi ng teacher ko very good daw ako!!" dumating na si Dianna. Nandito parin kami sa apartment, kapitbahay parin namin si Patrick. Paulit-ulit lang naman ang nangyari hanggang mag 5 years old si Dianna. Napakagandang pagmasdan ng anak ko.

"wow, ang galing naman ng baby ko. Dahil dyan ipapagluto kita ng kare-kare"

"talaga mama? Yehey!" hinug ako ni Dianna.
"Baby, magpalit ka kaya muna ng damit?"
"bakit ma?"
"ang baho!!" nagtawanan naman kaming mag-ina.
Pagkatapos naming kumain. Dumiretso si Dianna sa sala para manuod at ako siyempre ang magliligpit ng pinagkainan. Pagkatapos ko ay tinabihan ko si Dianna at isinuklay ko ang kamay ko sa buhok nya. Humiga siya sa lap ko.

"ma, bakit ako walang papa? Bakit yung iba kong classmate happy kasi may daddy at mommy sila?" eto na, ngayon lang nagtanong si Dianna tungkol dito.

"anak, kasi yung papa mo. Nasa malayong malayo."
"gaanong kalayo ma?"
"kasing layo ng... Kunwari nagisip ako
..kasing layo ng Earth hanggang mars" nakatitig siya sakin at biglang nagsalita
"aaa, malayo nga siguro yon. Siguro alien si papa" seryosong sabi niya
Natatawa ako sa isip ko.
"anak, matulog ka na. May work pa si mama bukas tsaka may pasok ka" agad naman siya tumayo, pinatay ang T.V
"Iloveyou ma, matutulog na po ako. Kayo rin po goodnight" kiniss na ako ng anak ko sa pisngi
"Iloveyoutoo anak, sleeptight" Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok na siya sa kwarto namin. Nawalan ako ng trabaho kanina, medyo malaki pa naman ang sahod ko. Sayang. Biglang sumakit ang balakang ko.
"tsk! Nananakit na ang katawan ko"
Hindi lang kasi isa ang trabaho ko. Nagtatrabaho ako sa isang bilihan ng burger at sa hapon ay waitress naman ako. Dun ako natanggal sa pagiging waitress ko. Siguro ay maghahanap nalang ulit ako bukas. Sa ngayon, kailangan ko munang matulog para makapagpahinga.

"mama! Mama! Gising ka na po!! Papasok na ako"

"nako anak, late na pala ako. Sandali at maliligo na ako"
Matapos kong maligo at magbihis sinabihan ko ang anak ko na sa labas nalang kami kumain. Paglabas namin ng bahay may napansin si Dianna.
"Ma, may rose na naman po oh?" pinulot niya ang tatlong rose. Psh! Kilala ko ang may bigay nito.

"sayo nalang 'yan anak, tara na" agad naman humawak sakin si Dianna at sabay na kami na naglakad papalayo ng bahay.

*kung sino man po ang mahilig magedit ng pang cover. T^T

Sacrifice: A mother-daughter storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon