Sacrifice 2

30 0 0
                                    

"O paano? Pupunta nako sa palengke, maiwan ko muna kayo ha? Paalam Sab! Magpapakabait ka sa nanay mo ha?" paalam din nito kay Baby Sab.

"Sigurado po ba kayo na okay sainyo na iwan sa amin ang bahay niyo? Pwede naman po--

"anak, ayos lang sakin. Nararamdaman ko na mabait kang bata. Mahal na mahal mo ang anak mo. Hindi ka makasarile. May tiwala ako sayo Vicky anak" nangilid ang luha ni Victoria sa sobrang saya dahil sa kabaitang ipinapakita ng taong kaharap

"Salamat nanay Rossy" yumakap pa ito.

"osya sige na at aalis na ako" masiglang lumabas ng bahay ang matanda.

"ang bait niya diba Anak?" inilapag ni Victoria ang anak sa kama upang makapagsimula ng maglinis. Pangatlong araw na nilang mag-ina sa bahay ni Manang Rossy at kahit papaano ay malapit na siya sa matanda lalo na at silang tatlo lang naman sa bahay. Nung aalis na sana sila ng kanyang anak ay agad na pinigilan ang mga ito ng matanda, alam naman daw ni Mang Rossy na wala silang pupuntahan at kung gusto nila ay dumito muna sila sa kanyang bahay para na rin hindi malungkot ang matanda sa pag-iisa. Naisip ni Victoria na baka may dahilan kung bakit sila nandito sa bahay ng matanda kaya pumayag na rin sya.

Victoria's POV

Naikwento sakin ni Nanay Rossy ang tungkol sa namatay niyang asawa. Masaya raw sila noon lalo na noong dumating ang kanilang anak na si Rafael. Bata pa siya noong magkaanak kaya noong una ay hindi matanggap ng magulang niya ang nangyari. Naalala ko na naman si Inay, matatanggap niya pa kaya ako? Paano kung hindi na? Si Josh kaya? Iniisip ko pa rin ang lalaking yon kahit na hindi naman sya karapat-dapat. Naaalala ko na naman ang ginawa nya sakin noon. Bakit ba kasi hindi ako naniwala sa iba, bakit kasi ang tanga tanga ko

/back view/
Victoria's POV
"lumalablayp ka na naman! Basta ako nandito lang, susuportahan kahit saan basta tama baka kasi hagisan ako ni Nanay mo ng tabo at timba kung hinayaan kita hahaha"

"Salamat Mary. Abano! Hindi tabo at timba ang ihahagis sayo non! Batiya ang gagamitin non, medyo may katigasan kasi ang ulo mo hahaha" ngumiti ng tipid ang kaibigan. Kung wala siguro si Mary hindi ko na alam ang gagawin kong pagtatago sa mga magulang ko. Hindi ko naman ginustong magtago kina Inay, nahulog lang talaga ang loob ko kay Josh at alam yon ni Mary. Naalala ko pa noong umiyak ako dahil tumawag si nanay at siya ang nakasaagot, akala ko talaga ay sasabihin niya ang kung anong meron sa pagitan namin ni Josh pero hindi. Nangako ako na hindi ako gagawa ng mali para lamang hindi malagay sa alanganin si Mary

"Mary nasusuka yata ako".

"HA?? Teka lang dali dito tayo!! Dali baka dito ka pa masuka!"
Agad akong hinila ni Mary sa tabi ng cafeteria kung saan nandon ang CR

Pagkalabas ni Vicky sa cubicle ay agad na tinanong ito ni Mary
"May nangyari ba sainyo ni Josh, Victoria?" kinukutuban si Mary na mayroon nga dahil napapansin niya ang mabilis na pagbabago ng ugali ng kaibigan nitong mga nakaraang araw at madalas itong kumain na hindi niya naman ginagawa noon. Nakakapagtaka rin ang mga pagkain niya ng pagkaing hindi naman napapanahon, para bang naglalaway siya sa mga ito pero inisip niyang baka napapagod sa eskwela ang kaibigan kaya ito ganon

"H-Hindi ah! Wa-walang---

"umayos ka Vicky! Sumagot ka ng maayos!" hindi ako agad nakapagsalita.

"Vicky!! Ano na??" kitang kita ko ang inip na inip na pakiramdam ni Mary kaya sumuko na rin ako. Walang magagawa ang pagtatago ko.

"Ano?? Wala ka bang--
"OO!! May-may na-nangyari nga samen, Mary, Mary anong gagawin ko? Baka- baka buntis ako?? Kakasimula palang ng second sem natin." Walang salitang lumabas sa bibig ni Mary.
Alam kong naghihinala na siya nitong nagdaan na mga araw pero pinilit nyang huwag magpahalata

Sacrifice: A mother-daughter storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon