Prologue:

1.1K 18 3
                                    

 (Zhyrese's POV)

“Zhy, will you do me a favor?”

Matagal na ‘kong may gusto sa best friend kong si Darren. Siguro simula pa lang nang pagkakaibigan namin, minahal ko na sya. Lahat naman kasi siguro ng babae hindi maiiwasan na mahulog sa kanya eh.

Gwapo sya, sweet, mabait, at maalaga pa.

Bukod pa dyan, sobra din sya kung magmahal.

Kaya di ko talaga napigilan ang sarili kong mahalin ng sobra yang si Darren. Lahat gagawin ko para sa kanya kahit hindi naman nya alam yung nararamdaman ko. Pero lahat naman siguro tayo mayroong small hope diba? Na somewhere along the way, may chance na tingnan ka ng mahal mo at mahalin ka din nya?

Alam kong walang pag-asa…

Pero di ko mapigilan…

Mahal ko eh… kaso…

“Anong favor yun, bes?”  

“Pwede... pwede mo bang mahalin si Kyle para sakin?

Kaso… may iba syang mahal </3

“H-huh? Ano?”

“Kung magiging kayo kasi ni Kyle, mawawalan na ng chance na maging sila ni Natalie ko. Di na nya ko iiwan kung ganun. Sige na, bes. Please…”

“Bes naman, parang ang dali-dali naman ng hinihingi mo sakin eh!”

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ako makapaniwala sa gustong mangyari ni Darren. Alam nyo kung ano pa masakit dyan? Si Natalie kasi na girlfriend ni Darren ang nag-iisang babaeng best friend ko. Masakit na nga na makita ko si Darren na nahihirapan dahil kay Natalie…

"Bes sige na, please... Pumayag ka na." 

Pero mas masakit pala pag narinig mo ang mahal mo na ibinebenta ang puso mo sa iba para wag lang silang iwan ng mahal nila. </3 May mas sasakit pa ba dito?

“Ano naman pumasok sa kukote mo at naisip mo na papayag ako dyan?!”

“Kasi mahal mo ‘ko.”

O_O

“A-ano?”

Hindi ako makapaniwala sa mga binitawan niyang salita. Siguro dahil lasing na siya kaya malaya niyang nasasabi ang mga nasa-isip niya. But I have to be firm! Kahit alam na niya, hindi ako dapat magpahalata na affected ako.

Sabi nga ni Natalie, "A rumor without confirmation will remain a rumor."

"Oo, matagal ko nang alam na gusto mo ako... and I know you are not a greedy person, Zhyrese... kaya alam kong ayaw mo akong maging malungkot kapag iniwan ako ni Natalie."

"Kaya naniniwala kang handa kong ibigay ang sarili ko sa iba para lang maging masaya ka sa piling ng kaibigan natin?"

Hindi agad siya nakasagot at parang natatauhan. "I'm sorry... akala ko kasi, ganun mo ko kamahal... "

Umalma ako sa sinabi niya. "Ganun kita kamahal!? Nagpapatawa ka ba? Kung gagawin ko man ang gusto mong mangyari, yun ay dahil gusto ko si Kyle at hindi dahil gusto kita noh!"

Shocks! Pano ko nagawang magsinungaling ng ganito kay Darren at sa sarili ko? God knows how much I love this guy, pero kapag inamin ko sa kanya ngayon, anong mapapala ko?

Pag-ibig niya o kahihiyan ko?

"So gagawin mo nga?" 

Hindi agad ako makapag-decide kaya tinanong ko ulit siya. "Would you really be happy kung gagawin ko yun, Darren?" Yun ang nasabi ko, pero hindi naman talaga yun ang gusto kong itanong.

"Oo! Hindi mo lang alam Zhy kung pano mo ko napasaya! Buti na lang gusto mo pala si Kyle kaya hindi ako magi-guilty sa favor na hinihingi ko sayo."

Niyakap niya ako at doon na nagsimulang maglandas sa pisngi ko ang mga pinipigilan kong luha kanina. Now I have the chance to cry nang hindi niya nakikita. Binalak niyang kumalas sa pagkakayakap pero pinigilan ko siya.

"Pwede bang ganito muna tayo... kahit ilang minuto lang."

"Umiiyak ka ba Zhy?"

"Hindi, sinisipon lang ako."

Tinangka niya pa ring kumalas para makita siguro ang mukha ko pero hindi ko siya hinayaang gawin yun. Mas lalo kong hinigpitan ang kapit ko sa leeg niya.

Meron akong gustong itanong sa kanya kanina pa pero hindi ko masabi-sabi. Naduduwag na naman ako >.<  

Bes, magiging masaya ka ba talaga na makita ako sa piling ng ibang lalake?  :'((

********

 A/N: (Aya_hoshino) (CassieXiahtic)

Hi, readers. Collaboration story namin tong magkaribal kaya pwedeng magshift yung tono ng writing every chapter. Gusto ko lang i-clear bago pa magka-issue, kung may kaparehas man po kami na kwento o eksena sa story na 'to, hindi po planado 'yun. 

Yun lang. Sana mag-enjoy kayo sa pagbabasa :D 

Comment and Vote na din kung may time kayo para naman mamotivate kami? Please? <3 

-M

Friendly CompetitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon