Chapter 2:

207 3 2
                                    

CHAPTER  2:

Zhyrese's POV

Pauwi na ako ng bahay ng maalala ko ang mga sinabi sa akin kanina sa studio ng kaibigan kong si Natalie. 

May balak siyang iwanan si Darren.

Hindi talaga ako makapaniwala, paano nagagawang ibasura ng iba ang siyang pinapangarap ko?

At ano pa yung sinasabi niyang rason niya? Nagsasawa lang siya kaya ganun!? Tsk! Napa-iling ako dahil sa pagka-dismaya.

Hininto ko yung beetle ko na kotse sa gilid ng kalsada. Tiningnan ko ang bawat sulok ng kotse at naalala ko ang palaging sinasabi sa akin ni Natalie na palitan ko na ang kotse ko. Can afford ko na ngayon na bumili ng bago kasi kumikita naman yung studio ko. Pero ayaw ko lang talaga.

Hindi ko alam noon ang dahilan pero ngayon ay alam ko na. Hindi ako katulad ni Natalie, hindi ako madaling magsawa sa mga bagay-bagay. Katulad nitong kotse ko, kahit luma na, dahil may sentimental value pa ito sakin, hindi ko ito basta-basta na lang papalitan.

Katulad din ni Darren...

hindi ko basta-bastang pagsasawaan.

Binuksan ko ang secret compartment ng kotse ko at kinuha ko doon ang mga larawang pinakatatago ko. Mga larawan iyon ni Darren. Mula nung araw na mahilig ako sa pagkuha ng litrato ay nangolekta na ako ng mga stolen pictures niya.

mayroong kuha niya habang natutulog...

habang kumakain...

at may tumatae pa habang nagbabasa ng diyaryo...

Tawa ako ng tawa habang tinitingnan ang mga larawan niya. Sumasariwa sa alaala ko ang mga napagsamahan namin nung bata pa kami. Bukod sa close yung mga parents namin ay magkapitbahay pa kami kaya anytime ay pwede akong pumasok sa bahay nila o sa kwarto niya mismo at ganun naman si Darren sa bahay ko.

Minsan nga naisip namin na gumawa na lang ng overpass na magdudgtong sa terrace ng bahay nila at ng terrace sa bahay namin. Para mas maging accessible.

But things became different nung medyo nag-mature na kami. Lalo na ng magka-girlfriend na siya sa unang pagkakataon. Ang dating overpass na balak namin ipagawa noon ay parang mapapalitan na ng force field.

Hindi naman sa bawal na akong pumasok sa kwarto niya ng walang paalam pero nilimitahan ko lang ang mga dati naming ginagawa bilang respeto na rin sa girlfriend niya na nagkataong bestfriend naming pareho.

Natigagal ako sa sunod kong nakita. Nude pics! na agad ko namang pinatungan ng ibang mga pictures.

May mga ganitong pictures pa pala akong naitatago? Akala ko ba nasunog ko nang lahat?

Hindi ko naman sinasadyang itago pa ang mga larawang katulad nun. I swear to God huminto na ako sa pagpapantasya kay Darren mula ng malaman ko na opisyal na silang nag-dedate ni Natalie.

Mahal ko ang kaibigan kong si Natalie pero mahal ko rin si Darren higit pa sa isang kaibigan kaya naaawa talaga ako kay Darren.

 Haaaayyy!!! Maloloka na talaga ako!

 Hindi ko talagaaaaa alam! Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman!

Ano bang gagawin ko?

Dapat ba akong maging masaya kasi maghihiwalay na sila?

Pero kahit maghiwalay naman sila ay hindi rin magiging buo ang kaligayahan ko kasi alam ko na si Natalie lang ang babae para kay Darren.

 Sigurado akong ikamamatay niya kapag nawala si Natalie sa kanya.

Muli akong nag-drive pauwi at nang makarating na ako sa bahay ko ay agad ko siyang hinanap sa kanila pero wala siya doon. Nang umuwi na ako sa sarili kong bahay ay naabutan ko si Darren na nagmumukmok sa garden.

Kinabahan ako. Alam na kaya niya? Sinabi na kaya ni Natalie sa kanya?

Umupo ako malapit sa kanya at amoy na amoy ko ang alak na ininom niya.

Tama nga ang hinala ko, alam na niya.

 Kilala ko si Darren mula ulo hanggang paa kaya alam ko kung gaano siya nasasaktan ngayon.

"Imagine! iiwan niya ako para sa isang lalakeng kakikilala lang niya kanina? Ilang minuto lang ba niyang nakasama yung lalakeng yun? 6 minutes? Tapos ipagpapalit na niya yun sa 6 years namin na relationship!?"

Na-shock ako sa sinabing iyon ni Darren.

Yun ba ang sinabi ni Natalie sa kanya?

Well mas mabuti na rin siguro yun kesa sabihin niya ang sinabi niya sa akin kanina na Nawalan na siyang ng gana sa relationship nila.

Siguradong mas masakit yun para kay Darren.

"Saan daw niya nakilala yung guy?" Patay-malisya ko.

"Doon sa studio mo." Niyugyog niya ang balikat ko. "Kilala mo ba kung sino yung ipagpapalit niya sa akin Zhy?"

 "Darren sandali nasasaktan ako..." Niluwagan naman niya ang hawak niya kalaunan.

"Wala naman akong ibang lalake na costumer kanina kundi si Mr. Kyle Torres ah." Huli na upang magsisi pa ako dahil nasabi ko na ang pangalan ni Kyle.

"Diba yan yung lalakeng nabanggit mo na palaging bumabalik sa studio mo."

"Ahmm... oo siya nga. Pero alam mo Darren hindi pa naman tayo nakakasiguro kung siya nga eh!"

"Zhy, will you do me a favor...?"

Hiniling nga niya sa akin ang isang bagay na hindi ko alam kung kaya kong ibigay.

Kung magiging kami ni Kyle, hindi magiging sila ni Natalie. Yun lang ang paraan upang bumalik si Natalie kay Darren.

Am I really willing to betray my friend Natalie?

Hindi... hindi naman yun betrayal kasi hindi naman sila ni Kyle, sinabi lang naman niya yun para may magandang reason siya na maibibigay kung bakit niya hihiwalayan si Darren.

Urgh! Natalie... kasalanan mo to eh! Loka-loka ka kase! Ngayon, ako naman yung mababaliw kakaisip kung pano magiging kami ni Kyle.

Akitin ko kaya?

No no no! Hindi ko nga nagawang paibigin ang bestfriend kong si Darren, yun pa kayang Kyle na yun?

Tumingin ako sa salamin.

Napangiwi ako.

With this body and this personality maaakit ko kaya ang isang Kyle Torres? Haaaayyyy!!! Lumaylay ang balikat ko.

Tang Ina!

Naawa naman ako sa sarili ko oh!

For years hindi ako natutong mag-ayos at rugged ako manamit pero para sa secret admiration ko sa kaibigan kong si Darren...

handa akong gawin ang lahat ng necessary changes para akitin ang ibang lalake.

Patulong kaya ako kay Natalie? Hihingi lang ako ng mga beauty tips! Hmmm... Pero ililihim ko sa kanya na balak kong akitin si Kyle.

Kasi naman... hindi niya pwedeng malaman na nakipag-kontsaba ako kay Darren.  Dahil kapag nalaman niya ay siguradong isusumpa niya ako bilang isang kaibigan.

Friendly CompetitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon