BROWN-OUT

104 12 6
                                    

~3rd Person's POV~

Paglabas nina Janamie at Patrick mula sa lamesa ay biglang nagdilim ang lahat.

Nagsimula na ang mga sigawan. Siguro, dahil sa takot.

Ang ingay nga eh.

Tapos, nagpundi-sindi bigla ang mga ilaw.

At kada buhay ng ilaw ay iba-iba ang kulay.

Una, green.

Sunod, yellow.

Sunod, violet.

Sunod, orange.

Sunod, brown.

Sunod, pink.

(Pagpasensyahan na po ung mga colors ng light...)

Tapos, bigla nanamang namatay ang ilaw.

Para na silang pinaglalaruan ng ilaw.

Anyway,

Matapos ang ilang minuto ay nabuhay na ito at pulang ilaw naman ang mayroon.

Kung titingnan mo ang mga tao doon, ay parang duguan sila dahil sa kulay pula na nirereflect nung ilaw.

Tsaka pa lang naisip ng mga tao na umalis doon, kaya tumungo na sila sa pintuan.

Pero, lock na ito.

Di naman sila makakadaan sa bintana since may grills dito.

So,

No way out na sila.

Kaya lalo silang natakot.

Si Janamie ay nagtungo kina Sayuki at Reren.

Si Patrick naman ay pumunta kay Ace na boyfriend niya. Ay, este, bestfriend pala.

Sina Cross naman at Charan ay magkasama..

Sina Kyle, Nico at si JP naman ay nakikisigaw at takbo rin.

Sigawan dito, sigawan doon.

Tamaan dito, tamaan doon.

Matapos ang ilang minuto ay namatay nanaman ang ilaw.

~REREN'S POV~

Magkasama na kaming tatlo,

Si Janamie,

Ako,

At Sayuki.

Nang mabuhay ang pulang ilaw ay pumunta kami sa isang corner.

Tahimik lang kaming nakatayo doon.

Nang biglang nagsalita si Sayuki.

"Patrick...Patrick..."nagaalalang sinasabi ni Sayuki ung pangalan ni Patrick.

NAKO. Mukhang may gusto tong babaeng ito kay Patrick ah.. Bagong tsismis toh!

"Anong sabi mo?"tanong ni Janamie kay Sayuki.

(Nako, pinairal mo nanaman Janamie ang kabingihan mo)

"Huh? Ah... Eh... Wala..."sabi ni Sayuki

Di na lang ito pinansin ni Janamie.

Ano kaya un? Ano relasyon nila ni Patrick?

Nako, baka magkaroon ng away ah.

Hmmm...

"AH!"

Grabe! Nakakagulat! Da lights went off nanaman. Nagiisip pa ako e.

"Guys, wag niyo bitawan hands ko. Dito lang tayo. Baka may kung ano pang mangyari."sigaw sa amin ni Janamie.

Di na kami umangal. Sinunod na lang namin siya

Sana okay lang sina Ace, Cross, Patrick, Charan, Kyle, JP at Nico.

Pati na rin pala sina Andrea at Marina.

~CHARAN'S POV~

Nang magdilim muli ay magkasama na kami ni Cross. Buti na lang talaga.

Matatakutin ako eh. Eto nga, naka-akbay ako sa kanya.

Kung pede lang hold hands e. Pero, indi, di kami talo!

I'm a boy.A BOY.

Hinahanap namin ngayon sina Reren gamit ang ilaw sa mga cellphones namin.

Baka isipin niyo ang engot namin kasi bakit di namin ginagamit ung cellphones for contact. Walang signal eh.

Anyway, matapos ang ilang minuto ay nakita na ni Cross sina Sayuki kaya't nilapitan na namin sila.

"Yuki Panget! Sina Ace, nasaan?"tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam eh. Di kasi kami umaalis dito. Tsaka, wala pa kaming natatanaw na Ace."sagot niya sa akin

Oh, buti di niya napansin. Hihi

"Nako, okay lang un. Kasama naman na nun ung syota niya. Pustahan?!"sabi naman ni Janamie sa amin

HAHA. Eto talagang si Janamie.

Ang adik lang.

(ung magsyota po na sinasabi ni Janamie ay sina Patrick at Ace. Magsyota ang tawag niya sa kanila dahil simula bata pa ung dalawa ay magkasama na.)

Ang hirap mag-usap ng walang ilaw. Buti may cellphone.

Lord, sana magka-ilaw na. Please!

*TING*

Wow! Natupad ung prayer ko! Thank You Lord, may ilaw na.

Pero, bat red light?!

Hmph! Okay na nga un.

And then I saw something.

"WHATDA!?"biglang kong sigaw. Napataas pa nga ang kamay ko sa gulat at napaturo doon.

Nakakatakot...

I AM YOUR KILLER FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon