AkinSiya

85 8 11
                                    

~ACE'S POV~

Lalala~

Hmph.

Grabe naman mga nangyayari...

Teka, kanina pa ako dito sa loob ng cubicle!

Bat kasi ayaw mo pang lumabas?!

Hay.

Kanina pa siguro nila ako hinahanap...

Sana...

Oh?

Bakit may nagiiyakan?

Kahit nasa CR ako rinig na rinig ko pa rin ang mga tunog sa labas.

Ano kaya meron?

Siguro, tears of joy?

Anyway,

"Please! Lumabas ka na!" sigaw ko

sabay biglang,

*PLOP*

Hihihihi.

"YAHOOOOOOOOO!!!!!" sigaw ko

Nakakatuwa!

At last...

Makakalabas na ako sa cubicle na ito, I just need some tissue...

And then...

FINISH!

Matapos ang ilang minuto,

Hmmm....

-amoy amoy ng kamay-

Mabango na!

Ready na ko lumabas.

Paglabas ko sa CR ay nagulat ako sa mga nakita ko.

May mga nagiiyakan, may sumisigaw naman ng tulong, ung iba naman ay lakad ng lakad tapos ung iba nakain na lang ng pagkain.

Tumingin ako sa itaas at nakita ung mga katawan...

Pagkakita ko ay nagdasal na lang ako.

Sana okay lang si Sayuki...

Teka,

Si Sayuki!

Hinanap ko bigla si Sayuki at nang makita ko siya ay yakap-yakap siya ni Cross.

OUCH.

Why? Bakit?

"Cross!"tawag ko kay Cross at sa paglingon niya ay kinuha ko na sa kanya si Sayuki.

Umiiyak si Sayuki....

Ang sakit lalo.

Hindi na nakapengol si Cross sa ginawa ko.

Sorry CROSS!

Pero, I Don't Care eh eh eh eh eh Moment ko na toh. Hihihi.

"Sayuki... Tigil ka na sa pagiyak mo.... Birthday mo pa naman. Smile lang or kung di mo kaya, magpahinga ka na lang kaya muna?"sabi ko kay Sayuki

Tumango na lang siya at niyakap ako ng mahigpit.

Ahhh...

Si Sayuki, yakap ako...

Ang sarap sa pakiramdam!

sana ganto na lang kami forever.

~3RD PERSON'S POV~

Nagsisimula nang kumalma ang mga tao.

Habang ang lahat ay natatakot parin ay may dalawang babae ang nakatingin sa mga katawan sa itaas....

Nakangiti silang nakatingin.

~REREN'S POV~

Huhuhu...

Bakit ganito ang mga nangyayari?

Lord, bakit po kailangan mamatay ng mga kaibigan namin lalo na ang ex ko?

Si Kyle...

Wala na...

Huhu..

Iyak ako ng iyak sa sahig. Di ko na ininda ang suot kong dress dahil sa emotions ko.

"ARAY!"sigaw ko

May nakadanggi sa akin. Kainis..

Ang masaklap pa ay wala man lang nagcocomfort sa akin ngayon.

Iniwan na kasi ako ni Charan dahil hahanapin daw niya sina Andrea.

Buti pa si Janamie may kasama. Ang bait naman ni Patrick. Kainggit naman...

Si Sayuki naman, may Ace na.

Grabe, pinagpasapasahan si Sayuki. Una kay Janamie sunud kay Cross at ngayon si Ace naman ang yakap. KAINGGIT LALO.

Eh ako? Paano na ako?

Bakit magisa ako?

Huhuhu... Tumutulo nanaman ang luha sa mga mata ko...

"Reren..."biglang tawag sa akin mula sa likod ko so lumingon ako dahil baka eto na ung para sa akin.

Di pa ako nakakaimik ay bigla siyang lumapit at pinunasan ang mga luha sa mata ko.

na-speechless ako..

"Wag ka na umiyak insan."sabi sa akin ng pinsan kong si Mark.

"Insan naman kasi eh. Bakit ba ito nangyayari?!" tanong ko sa kanya at biglang umusok ang paligid...

At unti-unti akong nakatulog.

~3RD PERSON'S POV~

Habang ang lahat ay busy sa kanilang emosyon...

Bigla na lang umusok ang paligid...

At tila pinatulog nito ang mga tao.

Sleeping gas yata ito

I AM YOUR KILLER FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon