WhileYouAreAllAsleep

82 8 19
                                    

~3RD PERSON'S POV~

Nang makatulog na ang lahat ng tao...

Ang killer o ang nagpasimuno ng lahat ay binuksan na ang mga pintuan.

Nakasuot siya ng face mask kaya di siya naapektuhan nung sleeping gas at gumamit siya ng gloves sa pagbukas ng mga pintuan para walang maiwang evidence at tsaka itinapon ito sa labas.

Pagkatapon niya ay inilabas niya ang cellphone at tumawag sa pulis.

(nasa labas po siya ng bahay kaya po nagkaroon ng signal)

"HELLO? Eto po ba ung pulis? Tulong! Tulong! Nasa ##### kami! May mga namatay na po! Tulong!"sigaw nung killer at pagkatapos niyang sabihin ang nais niyang sabihin ay ibinababa na niya ang cellphone,tinanggal ang battery at sim card tsaka itinapon.

Pagkatapos nun ay pumasok na siya muli at nagkunwariang tulog din.

Matapos ang ilang minuto ay dumating na ang mga pulis na may kasamang mga ambulansya.

sa pagdating nila ay may mga tao na ang gising at tila nahihilo pa.

10 sa kanila ang dinala.

Isa na doon sina Sayuki, Cross, Charan at Janamie.

Kinuha ng mga pulis ang mga katawan sa itaas at napagtanto nilang ito ay mga artificial na katawan lamang. Ibig sabihin, hindi tunay ung mga katawan.

Para silang mannequin pero mas mukhang totoo silang tingnan kaysa sa mannequin kaya di nakakapagtaka kung bakit naniwala ang lahat na un nga ang mga katawan ng kapal muks.

Ano kaya iyon? Mannequin lang pala?!

I AM YOUR KILLER FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon