Sarah pov
"Bakit nandito nanaman yang batang yan" pinapasok ko na muna si davi sa loob ng opisina ko.
"Ayaw ng bata na lumayo sakin, pero wag kayong mag alala may pahintulot yan ng nanay niya" paliwanag ko sa kanila.
"Diba yun yung ex girlfriend mo" tanong ni benje.
"Wife" pag correct ko sa kanya.
"Kasal kayo" gulat na tanong ni benje.
Parati na lang siyang nagugulat sa mga nalalaman niya. Oo nga pala hindi niya pa alam ang buong kwento.
"Bat nga kayo nag hiwalay" tanong pa ni jun pero may biglang dumating.
"Xandra" lumapit ako sa kanya sabay kuha ng tupperware na dala niya.
"Dinalhan kita ng ulam, naparami kasi yung luto ko kaya naisip kita" sabi niya sabay pacute.
"Paano kami" angal naman ni jun at benje.
"Syempre meron din kayo" inabot ni xandra ang isang supot sa kanilang dalawa.
"Hatdog" wika nila ng makita nila kong ano ang laman ng supot.
"Mag pasalamat kayo dahil binigyan kayo ni xandra" nag pasalamat sila pero mukhang napilitan lang ata sila. Nako tong dalawa talaga na to buti nga binigyan pa sila e.
"Punta nga pala kayo mamaya sa bahay ha may kaunting salo salo mamaya kaya hihintayin ko kayo dun" sabi niya sabay alis.
"Tawagin mo na silang lahat tanghalian na" utos ko kay jun.
Kapag tanghalian kasi dapat sabay sabay silang kumain minsan nakikisabay din ako sa kanila pag hindi ako busy.
"Davi are you hungry?" Tanong ko sa bata ng makapasok ako sa loob ng office.
"Yes" maikling sagot niya kaya binuhat ko na siya palabas.
"Nandiyan na ba lahat" pinaupo ko na si davi sa upuan. Meron kaming mahabang mesa rito kong saan kami kumakain.
"Boss may bakante na po pwede na po naming ayusin yung kotse ni ms. Beautiful"
"Wag na kayong mag alala ako na ang bahalang mag ayos non" kinunan ko naman pagkain ang bata para makapag umpisa na ito.
"Sarah"
"Lomi"
agad akong lumapit sa kanya sabay kuha ng dala niya. Pananghalian ata to kaya nilapag ko na rin sa mesa para mapag saluhan nila.
"Totoo ba na anak ito ni tanch"
"Opo"
"Bakit hindi mo sinabi sakin na bumalik na pala siya edi sana dumalaw ako kanina sa bahay nila. Bilhan mo ng juice tong apo ko baka nauuhaw na to" tudo alaga naman si lomi sa bata.
"May tubig naman dyan kaya wag na"
"Boss kami po gusto namin ng juice" singit naman nila.
Lumabas na lang ako para bumili ng juice may tindahan naman kasi rito sa tapat ng talyer.
"Buti naman at nakalabas kana" rinig kong sabi ng isang lalaki pero binaliwala ko lang ito.
"Balita ko bumabalik nanaman sa dating gawain yang mga trabahador mo" sa punto na to ay hinarap ko na siya dahil sa sinabi niya.
"Talaga ba, kasi sa pag kakaalam ko puno na yung slots namin para gawin pa yan, pero sa inyo mukhang wala atang laman. Kaya hindi na namin kailangan pang gawin yun, baka kayo yung gumawa non kasi isang buwan na kayong naka tingga." Tumawa lang ako ng mahina sabay talikod sa kanya. Narinig ko pang sumang-ayon ang tindira sa sinabi ko.
"Bakit ang tapang tapang mo" bigla niya akong hinawakan sa braso pero nginitian ko lang siya.
"Mike baka nakakalimutan mo kong sino yang hinahawakan mo" nakatingin silang lahat ngayon kay mike kaya bigla niya akong binitawan.
"Boss oky ka lang" tanong nila sakin
"Wag kayong mag alala alam ni mike kong saan siya dadamputin pag sinaktan niya ko" sabi ko at tuluyan ng bumalik sa loob ng talyer kaya sumunod naman sila sakin.
Tanch pov
Pumayag ako na dalhin ni sarah si davi sa bahay nila para mas mapadali yung plano ko sa kanya, pero anong oras na hindi parin niya binabalik ang anak ko rito sa mansion.
"Maam ready na po ang lahat"
"Mabuti" sumakay na ako sa kotse para sunduin si davi kina sarah.
Ff
"All set"
Kumatok ako sa pintuan ng bahay ni sarah pero walang sumasagot. Saan niya nanaman kaya dinala si davi.
"Nako iha walang tao dyan nandun sila sa bday ni xandra"
"Saan po yun"
"Halika sasamahan kita" sumunod naman kami sa babae. Hanggang makarating kami sa isang malaking bahay.
"Sarah may nag hahanap sayo" lumapit naman siya kaagad sakin pero napansin ko na wala rito si davi.
"Sorry kong hindi ko nahatid si davi nag lalaro pa kasi sila ni lomi" ngumiti lang ako sa kanya. Naparami na ata yung inom ng babae na to halata kasi sa mukha niya.
"Sarah may kasama ka pala papasukin mo muna" bigla namang napataas ang kilay dahil sa babaeng yumakap kay sarah.
"Wag na nandito lang naman ako para sunduin ang anak ko" aalis na sana ako pero biglang sumuka si Sarah.
"Lasing kana ata dito ka na lang sa bahay matulog ngayong gabi" rinig kong sabi ng babae kaya agad akong lumapit kay sarah at inalalayan siya.
"Hahatid ko na lang siya pauwi sa kanila"
"Sa tingin ko mas makakabuti kong dito na lang siya mag pahinga" ang tigas naman ata nitong babae na to.
"Ako na" binitawan naman na niya si sarah Kaya inalalayan ko na ito pauwi sa kanila.
Buti na lang kabisado ko pa ang mga bahay dito kaunti lang naman kasi ang nag bago sa lugar na to. Nang makarating kami sa tapat ng bahay niya ay hinanap ko ang susi sa bulsa niya.
"Hoy, anong ginagawa mo sa kaibigan ko"
"Wala akong balak sa kaibigan mo. Alam mo ba kong saan yung susi nito" may kinuha naman siya sa damuhan. Ang galing naman ng taguan niya hirap hanapin.
Nang makapasok na kami sa loob ay pinaupo ko si sarah sa sofa para kumuha ng panglinis sa kanya.
"Bakla ikaw na bahala rito kay sarah titignan ko lang si jun baka lasing na rin yung lalaki na yun" tumango lang ako sa kanya at pinagpatuloy ang pag hahanap.
"Love" pagkalipas ng ilang taon ngayon ko na lang ulit narinig ang cs na yan.
Nang makita ko na ang hinahanap ko ay bumalik ako kay sarah para alalayan siyang makaakyat sa kwarto niya.
"Sarah wag kang malikot" muntik na kasi kaming mahulog. Binuksan ko na ang pinto ng kwarto niya at pinahiga siya sa kama.
Bumalik naman ako sa baba para kunin yung tubig at bimpo na gagamitin kong panlinis sa kanya. Pag balik ko sa kwarto niya nakahubad na siya buti naman hindi na ko mahihirapan sa kanya.
"Let me explain" nanaginip ata siya. May mga butil ng luha na kumakawala sa mga mata niya kaya pinunasan ko ito.
"Love dont leave me" huling sabi niya. Kaya pinagpatuloy ko na ang pag lilinis sa katawan niya.
Im sorry kong iniwan kita noon gusto ko mang bumawi sayo pero hindi ko alam kong papaano.
BINABASA MO ANG
CUSTODY
FanfictionPaano kong isang araw bumalik yung taong pinakamamahal mo, pero siya rin ang dahil kong bakit nawasak ang puso mo. Tatanggapin mo pa ba siya o lalayo na lang para hindi kana ulit ma saktan.