Sarah pov
*Tok....tok...tok...*
"Sarah" hingal na hingal na tawag sakin ni jun
"Oh, anong ngyari sayo" tanong ko naman sabay abot ng tubig sa kanya
"Sinusundo lang kita ang daming magaganda dun sa plaza tara na" hinawakan niya ang kamay ko sabay hila palabas
Fiesta kasi ngayon samin dito ewan ko kong ano ang mga pakulo ni mayor ngayon pero sabi nila marami daw palaro ngayong araw
"Sandali isasara ko lang yung pinto baka pag uwi ko wala na lahat ng gamit ko dito" binitawan niya naman ako
Siya si jun kababata ko isang dakilang babaero lahat ng lakad niya parati niya akong kasama pero hindi ako katulad niya
"Sarah baka gusto mong pumusta sa manok ni berto" napatingin naman ako kay mang Aljur
"Mananalo ba yan"
"Abay oo naman"
"Oh sige ito 2 libo tudo na" dumukot ako ng pera sa bulsa ko at binigay sa kanya
"mananalo to akong bahala"
"Sarah ano ba tara na" atat na atat naman tong isa
"Oo na ito na"
--------------------------
Ang daming tao dito sa plaza may pakain ata si mayor para sa kanila
"Sis!! mabuti naman at nandito ka"
"Jusko benje ang ingay mong bakla ka daig mo pa yung sound system ni mayor"
"Nagulat kasi ako tuwing fiesta kasi hindi ka lumalabas sa lungga mo pero ngayon himala at lumabas ka"
Ang dami ng nakatingi samin paano kasi tong suot hindi ko alam kong damit pa ba to o dahon yung suso niya lang kasi ang may takip tapos naka short pa siya na ma ikli
"Balita ko ngayon daw uuwi yung unica hija ni mayor"
"Uuwi"
Mahigit 3 taon din siyang nawala dito sa sityo ang sabi ng mga magulang niya umalis daw siya para mag trabaho pero hindi ako naniniwala sa kanila
"Maganda araw sa inyo lahat" napatingin kami kay mayor na ngayon ay nag sasalita sa ibabaw ng stage
"Alam mo balita ko kaya raw uuwi ang anak ni mayor dito dahil siya raw ang tatakbong bagong mayor dito sa sityo natin"
Huling termino na nga pala ni mayor ngayon at usap usapan din na wala siyang kalaban sa eleksyon lahat ng tao takot sa kanya rito
"Pinapakilala ko nga pala ang anak ko tanchielle lobete wag niyo po siyang kakalimutang iboto sa susunod na eleksyon simulan na natin ang kasiyahan"
Napatulala ako sa babae nasa taas ng stage ngayon ay kinakamayan siya nga mga taong kapareho nila ng estado sa buhay. Wala paring pinag kaiba siya parin yung babaeng minahal ko noon pati yung pintig ng puso ko kapag nakikita ko siya hindi parin na wawala.
"Sis what if tumakbo ka bilang mayor sa susunod na eleksyon" nagulat naman ako sa sinabi i benje
"Oo nga sarah panigurado matatalo mo tong anak ni mayor lahat ng tao dito kilala ka kaya siguradong marami ang boboto sayo" dagdag naman ni jun
Pero kasi baka matalo lang ako kong pera ang pag uusapan mas lamang sila pero wala namang atang mawawala kong susubukan ko
"Subukan natin"
BINABASA MO ANG
CUSTODY
FanfictionPaano kong isang araw bumalik yung taong pinakamamahal mo, pero siya rin ang dahil kong bakit nawasak ang puso mo. Tatanggapin mo pa ba siya o lalayo na lang para hindi kana ulit ma saktan.