Chapter 6

739 45 16
                                    

Sarah pov

Sobrang busy naming ngayon dito sa talyer ilang araw na lang kasi kukunin na ng mga customer tong mga sasakyan nila kaya kailangan ng tapusin.

"Boss" napatigil naman ako sa ginagawa ko dahil sa may tumawag sakin. binaba ko ang hawak hawak kong tools at lumapit kay Dan.

"Kaninong anak yan" lahat sila ay napatigil sa kanilang ginagawa at nakiusisa sa amin.

Sino kaya ang nag iwan ng isang bagong panganak na sanggol dito sa kotse niya. Buti na lang hindi napaano ang bata.

"Bert pakitignan nga sa log book kong kanino tong kotse" kinuha ko na muna ang bata baka kasi ano pang mangyaring masama sa kanya pag iniwan siya namin dito sa loob.

"Rafael Mendoza" tinignan ko naman ang log book kong may iniwan ba itong address pero wala buti na lang may contact number.

"Tawagan mo yang number na yan at kayong lahat balik na ulit kayo sa trabaho" utos ko sa kanila habang hawak hawak ko ang bata.

"Jusko sarah kaninong anak nanaman yan. Bakit ba ang hilig mong kumopkop ng bata mag patayo ka na lang kaya ng bahay ampunan" pagbubunganga ni benje ng makapasok siya sa office

"Sige mag papatayo ako basta siguraduhin mo ikaw ang mag aalaga sa kanilang lahat"

"Jusko bakla hindi ko keri" may pa hawi pa siya ng buhok niya kuno.

Hindi ko alam kong bat naging bakla tong lalaki na to sobrang  gwapo niya, matangkad, maputi, mabait, medyo singkit, matalino pero wala naman na kaming magagawa yan ang gusto niya kaya susuportahan na lang namin siya.

"Boss nakapatay po ata yung phone niya"

"Tawagan mo ulit" tinawagan niya naman ulit pero wala talaga. Ano ngayon ang gagawin ko sa batang ito.

"Benj pakitignan nga yung kotse kong may iniwan ba silang gamit para sa bata" agad niya naman itong sinunod.

Kawawa naman tong bata kong tuluyan siyang aabandonahin ng magulang niya. Pag hindi nila binalikan tong bata sa loob ng isa Linggo hahatid ko sa bahay ampunan to.

"Bakla ito lang yung nakita ko" nilapag naman niya sa mesa ang isang hindi gaano kalakihang bag.

"Benje naligo kana ba" tanong ko sa kanya may naamoy kasi akong kakaiba.

"Baka ikaw yung hindi pa naligo" bigla namang umiyak ang bata kaya maman napatingin kami sa kanya.

"Sarah/benj"

pinabantayan muna namin kay lomi ang bata dahil kailangan naming bilhan siya ng gamit wala na kasi itong gatas at diaper pati na rin wipes.

"anong plano mo dun sa bata?" tanong ni benje habang nakapila kami ngayon dito.

"nareport naman na natin sa pulis ang ngyari kaya hihintayin ko na lang na kunin siya ng mga gulang niya at kong walang kukuha --" bigla naman akong napatingin sa batang lalaki na tumatakbo.

"ikaw na muna ang bahala rito may titignan lang ako" kumuha ako ng pera sa pitaka ko at binigay ito sa kanya para pambayad.

hinanap ko ang batang lalaki na nakakuha ng attention ko kanina. kong hindi ako nag kakamali si davi yun, kong nandito siya edi ibig sabihin nandito rin ang ina niya.

"bata asan ang mga magulang mo? gusto mo sama ka na lang samin maraming kaming chocolate dun sa bahay?" nakita ko na may kausap itong mag asawa.

"davi" pag tawag ko sa kanya. Bigla namang lumingon ito kaya tama ang hinala ko.

"ikaw po ba ang ina ng batang ito" napansin ko naman ang mahigpit na pag kakahawak ng lalaki sa kamay ni davi.

"yes, bakit may problema po ba?" binitawan niya kaagad ang kamay ni davi kaya tumakbo ito papunta sakin.

'wala naman po" tumango lang ako sa kanila at inakay si davi palayo.

tanch pov

hindi po tapos ang meeting ko ng biglang tumawag si dad sakin umuwi na raw ako dahil may problemang ngyari kaya agad naman akong umuwi.

"buti naman at nandito kana" pag pasok ko sa loob hindi lang si dad ang bumungad sakin kundi pati si sarah.

napansin ko naman ang mga bagahe na nasa tabi ng upuan ni sarah.

"dad anong ibig sabihin nito?" takang tanong ko sa kanya.

"tanch sobrang busy mo na nitong mga nakaraan at dahil dun hindi mo na nababantayan ang anak mo ng mabuti kaya nag pasya akong kay sarah na muna titira si davi"

"kaya nga kumuha ako ng yaya para may mag babantay sa kanya" tinignan ko sa bagong yaya ni davi. Ano nanaman kaya ang ngyari.

"ito na ang pangalawang beses na muntik mawala ang anak mo kaya nakapag desisyon na ako na dun muna titira si davi kina sarah. sige na sarah iuwi mo na siya" gusto ko man silang pigilan pero hindi ko man lang ma hakbang ang mga paa ko.

"wag kang mag alala hindi kita pinangunahang mag sabi ng totoo sa kanya" bulong naman ni daddy sakin kaya gumaan ng kaunti ang ang loob ko.

"Margaret pwede bang ikwento mo sakin kong anong ngyari"

"maam sorry po talaga"

"ano ba kasing ngyari?"

"sinama po kasi kami ng daddy niyo sa mall at habang nasa grocery store po kami ni davi tinawag po ako ni sir.liam kaya nawala po sa paningin ko si davi tapos hindi ko na po siya mahanap" anong ginagawa ni liam sa grocery store akala ko ba  may meeting siya.

Flash back

kakatapos lang namin mag report sa police at ngayon nandito na kami sa bahay. hindi ko na alam ang gagawin ko sana ligtas si davi kong nasaan man siya ngayon.

"tanch pwede bang kumalma ka muna makikita rin natin si davi" napatingin ako ng masama kay liam.

"liam paano ako kakalma e nawawala ang anak ko. palibhasa kasi nakakakalma ka ng ganyan dahil hindi mo anak yun" nagulat naman ako sa sinabi ko sa kanya.

"oo tama ka hindi ko tunay na naka yun, pero sa loob ng ilang taon tinuring ko na rin na parang tunay na anak si davi" bigla naman nag ring ang cellphone niya kaya lumabas muna siya para sagutin ito.

"pam diba ikaw ang huling kasama ni davi kanina sa plaza?" tanong ko sa yaya ni davi.

"opo, pero bigla po kasing hiniram ni sir.liam si davi sabi niya bibili lang daw po sila ng popcorn" bakit hindi niya sinabi na siya pala ang huling kasama ni davi kanina.

END OF FLASHBACK








Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CUSTODYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon