Ang Katotohanan

24 0 0
                                    

Donray's POV

"I cannot let anyone see that I'm falling for him. For God's sake Christian, HE'S GAY!" Ang sabi ko sa kanya.

"Pero wala namang masama diba?" Tanong ni Christian na parang naguguluhan kung anong gusto kong iparating sa kanya.

"Walang masama? Ano nalang ang sasabihin sakin ni Daddy and Mommy? Do you think they will be jumping with joy if they knew that their only son is Gay?"

"Have you tried telling them?" Tanong sakin ni Christian.

"Christian naiintindihan mo ba? Ngayon ko lang naramdaman lahat ito. Yes, I know and I'm sure of it. Mahal ko na nga si Patrick! Pero first time kasi lahat. Hindi ko naman pwedeng sabihin na aksidente ang nangyari. Sa tingin mo maniniwala sila?" Sabi ko sa kanya na parang iritable na.

"Alam mo Doe (Nickname ko yun). Pinahihirapan mo lang yung sarili mo e. Hindi mo naman sila dapat isipin e. Ang mahalaga is yung nararamdaman mo ngayon." Sabi ni Chian (Nickname ni Christian).

"Chian sa tingin mo ba dapat malaman ni Patrick ito?" Tanong ko kay Chian. Nakita ko yung mukha niya na parang nagulat sa sinabi ko.

"Bakit hindi? Para san pang naguusap tayo. Kumbaga worst comes to worst na ang labanan. Besides gwapo ka naman and mabait ka din naman, sa tingin ko magugustuhan ka din naman niya. " napadalawang isip na ako sa nasabing iyon ni Chian, pero buo na ang aking desisyon.

"Hindi. Susubukan ko munang huwag sabihin sa kanya. Susubukan ko munang ilihis lahat. Susubukan ko munang kalimutan kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya." Mas mabuti yun. Mas ok yun.

"Alam mo Doe ikaw parin naman ang masusunod dyan. Ikaw parin ang magaadjust. Pero nandito lang ako para sa inyong dalawa." Sabi niya

"Salamat Chian, oh pano? Aalis muna" naputol ako ng may nag salita sa likod namin.

"Para namang siryosong siryoso kayo sa pinaguusapan niyo." Yung boses na nagpapahinto palagi sakin. Boses na hinahanap hanap ko araw araw.

"Uy Pat! Kanina ka pa dyan?" Tanong ni Chian sa kanya dahil nga di na ako makapagsalita.

"Kararating ko lang nga. Anu ba yung pinaguusapan niyo?" Tanong niya na para bang curious na curious.

"Ahh wala ito kasing si Doe may maliit na problema." Sabi ni Chian kay Pat.

"Sira ulo ka talaga Chian! Wala yun Pat. Wag mo nang isipin." Singit ko nalang.

"Tara shot tayo. Wala naman din kasing magawa ee." Sabi ni Patrick.

"Sige ba. Anong gusto mong inumin?" Di na ako nakatangi kahit alam kong may exams pa ako bukas.

"Kahit ano nalang." Akmang kukuha ng wallet na nasa bulsa niya.

"Hindi na Pat! Ako na to." Sabi ko sa kanya.

"Sigurado ka? Pangdagdag lang naman e." Pinipilit niyang iabot pero di ko tinatangap.

"Wag na nga sabi. Nung isang araw diba ikaw ang nagpainom?" Pinangharang ko nalang para wala na siyang masabi.

"Sige na nga. Bilisan niyo huh?" Sabi niya.

"Chian tara samahan mo ako." At bumili na nga kami.

Mag-aalas tres palang ng madaling araw ng mapansin ko na wala na si Chian sa paligid namin. Kinuha ko ang Cellphone ko at may nakita akong isang text message. Si Chian nagtext.

"Bro Sorry lasing na ako e. Pati si Pat lasing na e. So umalis na ako. Next time nalang. Pakisabi nalang kay Pat." Text ni Chian sa akin.

"Umuwi na si Chian." Sabi ko kay Pat.

"Hindi yon. Okay lang yon onti nalang naman yan e." Hindi na ko nagsalita.

"Napansin ko lang Doe, bakit ang tahimik mo nitong mga nakaraang araw?" Ayun na. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin.

"Huh? Wala naman may iniisip lang siguro ako." Sabi ko nalang. Para wala nang tanong na iba.

"Ahh. Sa tingin mo Doe? May sisiryoso ba sa akin?"

"Ako" Nagulat? Nabigla? Siguro.

"Hindi naman kasi ako nagbibiro?" Nasaktan ko ba siya sa sagot ko?

"Hindi rin naman ako nagbibiro."

"Ano yan Doe? You know what if you're just trying to make me feel okay. Well hindi okay. Siryoso ako ee"

"Siryoso din naman ako sayo ahh." Heto na yun! wala nang atrasan."

"Mahal kita Patrick."

"Haha. Hayaan mo na nga. Matulog na nga tayo!" Yun lang ang reaksyon niya? I deserve better.

"Huy, ano ayun lang isasagot mo?" Pangungulit ko sa kanya.

"Para kang sira! Matulog na tayo, tara na." Pag aya niyang muli sa akin.

Siguro nga dapat ko munang palagpasin.

"So dito ka nanaman matutulog?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, parang di ka naman sanay? Kung okay lang naman."

"Ofcourse it's okay." Gustong gusto ko.

"Tara! Inaantok na ako e." Hinawakan niya ang kamay ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa akin. Di ko na napigilan. Hinatak ko siya at sabay niyakap. For now, yun lang ang kaya kong gawin.

"Ahh Doe? Para saan toh?" Tanong niya.

"Wala I just need a hug. I just want to hug you." Pero alam kong higit pa dun ang gusto ko.

"Ahh okay." Niyakap niya din ako, mahigpit.

"Doe? Bakit mo sinabing mahal mo ako?" Biglaang tanong niya.

"Kasi yun ang nararamdaman ko." Wala nang atrasan. Sasabihin ko na sa kanya.

"Thanks Doe!" Sabi niya sa akin.

"Thanks for?"

"Thanks for loving me as a friend." Hindi parin ba niya naiintindihan?

"Siryoso ako. Mahal kita ng higit pa sa pagiging magkaibigan."

Kumalas siya sa pagkakayakap, tumingin sa aking mga mata, halata ko ang gulat sa kanyang mukha. Pero iba ang gustong gawin ng isip ko. Unti unti kong pinunan ang distansyang namamagitan saming dalawa. Hinawakan ko ang mukha niya. Tinitigan sa mata. At lumapit. Papalapit ng papalapit. Hanggang sa maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Napakasaya ng pakiramdam. Para kong umangat sa lupa. Kung maaari lang na hindi na matapos yun.

"Doe. Anong ginagawa mo?" Sabi niya pagkatapos makawala sa halik ko.

"Patrick, di mo ba ko kayang mahalin?" Wag naman sana.

"Doe masyadong mabilis ang lahat e. Ang arte ko kung sasabihin kong hindi. Pero di ba magkaibigan tayo? Ano nalang ang sasabihin ng tao sa paligid natin? Ng pamilya mo?"

"Wala naman na akong pakialam Patrick. Ang mahalaga malaman kong mahal mo din ako."

"Sorry hindi ngayon. Siguro mas maganda kung aalis na ako." Sabi niya na parang nasaktan ako ng bahagya.

"Pat wala ka nang matutulugan. Sarado na sa bahay niyo diba?"

"Kakatok nalang ako." Sabay lakad.

"Patrick saglit lang. Wag mapapagalitan ka ee. Sige, di nalang ako tatabi sayo. Hindi na natin pag uusapan ito." Pagpigil ko sa kanya.

"Ito naman! Parang bata. Ang kulit e. Tara na pumasok na tayo, Pat." 

Author:
Hi guys! I know this is kulang kulang pa. But I hope that you liked this part. Obviously it is a love story. But this is way different from the others. Well I think so. Just hang on for other parts. Thanks and God Bless you all!!!

Easily fell for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon