Paano bukas?

24 0 0
                                    

Patrick's POV
"Kahit sa pagtulog ko, hindi ko magawang isipin na totoo ang lahat ng ito. Hindi ako dapat magtiwala sa kanya dahil minsan niya nang sinabi na imposibleng mahulog at magkagusto siya sa isang tulad ko."
Pagkagising ko ng umaga. Nakita ko ang liwanag sa bintana. Hindi iyon ang bintanang lagi ko nasisilayan sa pagmulat ng aking mata. Wala ako sa aking kwarto. Pero kilala ko ang bintanang iyon. Tila nga lang nagbago ang ayos ng mga gamit sa loob nito. Walang duda. Nasa kwarto ako ni Donray. Pero bakit?

Akmang tatayo na ako ng biglang bumukas ang pintuan. Pumasok ang nakangiti at naguumapaw sa tuwa na si Donray. May dalang isang tray na may baso ng gatas at bulaklak.

"Sorry, gatas lang ang naihanda ko and bread at butter. Hindi naman kasi ako masyadong marunong magluto." Sabi nito habang papalapit sa akin.

"Donray? Anong meron?" Tanong ko sa kanya.

"Nakalimutan mo na ba?" Kita ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha matapos niyang ilapag ang tray sa lamesa.

Mas mabuti siguro kung sasabihin ko sa kanya na hindi ko maalala.

"Huh? Eh ang naaalala ko nalang is yung nag text sayo si Chian?" Palusot ko.

"Oo nga tapos umuwi na si Chian kaya inubos nalang natin yung isang bote." Kwento niya.

"Ahh natatandaan ko pa yun. Ang alam ko lang inaantok na ako kagabi ee. Nagyaya na akong matulog then yun na. Tapos wala na." Sabi ko sa kanya habang tinitignan kung anong magiging reaksyon niya.

"Ano pa?" Sabi ni Donray.

"Wala. Promise. Nakalimutan ko na nga." Sabi ko.

"Okay. Kumain ka muna baka nagugutom ka na." Para lang matapos ang usapan.

Nakatingin lang siya sa mukha ko habang nakain ako. Akala ko tapos na ang lahat.

"Anong magiging sagot mo kapag sinabi ko sayong mahal kita?" Sabi ni Donray. Dahilan para huminto ako sa pagkain.

"Doe, okay ka lang?" Hindi ko pwedeng sagutin ang tanong niya.

"Sagutin mo lang please!" Napalakas ng bahagya ang boses niya. At hindi ko yun inasahan.

"Hindi ko alam. Ayaw kong isipin na totoo lahat yun. All this time Doe alam mo sa sarili mo na gusto rin kita. Pero wala ka namang ginawa. Oo alam ko ang buong pangyayari the other night. But I'm so afraid for myself. I don't want to believe it just yet, because I don't wanna see myself begging for your love. I'm afraid that if the time comes, you will just let me hanging just like the other guys that I've met and dated before. Doe I really like you, and I know you feel that, pero dahil sa kagustuhan ko na mapasakin ka hindi ko na alam kung ano pang magagawa ko. Hindi ko rin kaya na mawala ka sa akin incase na maramdaman mong nilalaro ka lang ng damdamin mo. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag iniwan mo ako after kong ipagkatiwala ang puso ko sayo. Ngayon mo sabihin sa akin walang magiging problema. Ngayon mo ipaalam sa akin kung ano ang kaya mong gawin para sa ating dalawa." Hindi ko napigil ang aking sarili. I burst out so easily.

"Hindi ko maipapangako ang lahat. Ayaw ko rin namang madama mo na kaya ko lang ginagawa ito ay dahil sa anumang bagay. Ginagawa ko ito dahil ito ang nararamdaman ko." Sabi niya.

Mangilid gilid na ang aking mga luha.

"Kaya mo ba akong tangapin sa buhay mo?" Sabi niya.

"Hindi ko alam ang sasabihin ko Doe. I'm sorry. I think I have to go." Sabi ko sakanya.

"Patrick please stay, please." Pagpigil niya.

"Doe please let me think."

Easily fell for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon