Friendship Over?

7 0 0
                                    

Patrick's Pov
Hindi ko naman pwedeng itanggi na gusto ko siya. Alam niya, alam ng mga kaibigan namin at ng ibang pinsan ko kung anong totoo. Wala akong makitang ibang dahilan para tanggihan pa siya. Pero paano kung masaktan lang ako? Paano kung lokohin niya ako? Dapat bang isipin ko pa yun samantalang maraming beses naman nang nangyari sa akin lahat yon? Ano ba naman na subukan mong umibig uli Patrick? Wala namang masama diba?

Ilang linggo na ang lumipas simula ng mapagusapan namin yun ni Donray.

Riiing!!

"Hello?" Sagot ko sa tumawag sa Cellphone.

"Hello Pat." Sabi ng nasa kabilang linya.

"Yes po? Sino po ito?" Tanong ko sa aking kausap.

"Hi. Mama ito ni Donray. May dinner kami mamaya together with his friends. Eh pinapainvite ka kasi ni Donray. Hindi ko nga rin alam kung bakit ako pa ang dapat na mag invite sayo, eh magkaibigan naman kayo. Madami yatang ginagawa at kinukulang sa oras para mag invite sa inyong mga kaibigan niya." Sabi ng Mama ni Donray.

"Ahh nakalimutan ko na birthday niya po pala ngayon. Sige po. Pakisabi po na susubukan ko pong makapunta." Ang sagot ko.

"Ayy ang sabi niya kasi sakin dapat mapilit kitang mapapunta. Hehe. Kaya please naman pumunta ka na oh." Sabi ni Tita.

"Ahehe ganun po ba? Sige po pupunta po ako. Pakisabi narin po sa kanya na Happy Birthday po. Salamat po Tita." Wala akong nagawa, hindi ako nakatangi.

"Ay salamat naman. Oh paano? Magkita nalang tayo mamaya ano?" Sabi niya na may kasamang galak.

"Okay po. Salamat din po Tita. Bye po." Sabi ko.

"Okay bye!"

Paano ako mamaya? Haaay nako Patrick bakit hindi ka nalang tumanggi? Pwede mo namang sabihin na may lakad ka. Haayyy.

Riiing!!!

"Hello Bobbit?" Sabi ko kay Bobbit isa din sa malapit kong kaibigan.

"Hoy siguraduhin mong pupunta ka sa Birthday ni Doe huh?" Sabi nito.

"Oh bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Ahh basta kailangan nandun ka. Kasi nandun din ako. Hahahaha minsan nalang kasi tayo magkita ee. Kaya naman sana magpunta ka." Sabi nito sa akin.

"Ahh oo umoo na ako kay Tita. Anong oras ka pupunta? Si Jay-R daw ba pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Ayy oo. Alam mo naman yun die hard fan ng Lolo Donray mo. Hahaha." Sabi nito sa akin.

"Ahh o sige. Kita kits nalang huh." Sabi ko sa kanya.

"Oh sige magbihis ka ng maganda huh. Ge bye!" Sabi nito sa akin.

"Oh sige salamat."

Pupunta si Jay-R? Hala. Eh paano kung may gawin toh si Donray? Paano kung malaman niya lahat? Hindi dapat. Sasabihan ko na si Donray.

Riiinng!

"Hello?" Pagsagot ni Donray.

"Hello Doe? Happy Birthday nga pala." Sabi ko sa kanya.

"Yeah thanks. Oh pano umoo ka na kay Mama huh. Dapat andito ka." Sabi niya sa akin na akala mo nanalo sa lotto sa sobrang saya.

"Oo naman hehe. Pero may isa lang akong problema Doe." Sabi ko sa kanya.

"Anu naman yun Pat? Don't tell me ako ang problema?" Sabi niya sa akin.

"Ahhm parang ganun na nga. Ahhm. Pupunta kasi si Jay-R later. Hindi ko kasi alam kung pano sasabihin sayo ee. Pero baka kasi mamaya may gawin ka na hindi niya magustuhan. Alam mo yun tungkol sa napagusapan natin last time?"

Easily fell for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon