Chapter 2: First day of school

6.1K 157 9
                                    

Stephanie's Pov

Maaga akong nagising dahil sa first day of class ngayon. Grabe excited na ako.
Sana marami akong makilalang mga bagong classmates at maging kaibigan ko sila.
Tumayo na ako at pumunta sa cr para maligo. After 15 minutes natapos na din akong maligo. Hehehehe ang tagal ko ba? Sorry na.

Sinuot ko na ang uniform ko. Long sleeves na polo na may necktie tapos may coat din na color black tapos skirt na kulay black din. Ang astig talaga ng uniform namin.
Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako para mag breakfast. Sigurado masarap na naman ang luto ni yaya . Mabubusog na naman ako neto.

"Morning,yaya" bati ko ng makarating ako sa dining area. Naupo na ako at naghintay ng foods.

"Morning din,baby girl" bati naman ni yaya paglapit sakin. Naglagay siya ng plate,spoon and fork at saka ng baso . Wooo!!! Excited na ako.

St jude academy...

Pagbaba ko sa kotse ay dumiretso ako sa bulletin board para tingnan kung saang section ako pagkatapos ko makita ay pumunta na kaagad ako sa room

"Wala pa namang teacher eh" pumunta na ako sa isang bakanteng upuan katabi ang isang lalaking naka headphone at nakayuko

Nang lumipas ang ilang minuto ay dumating na ang teacher namin sabay sabay kaming tumayo at bumati sa teacher namin at pagkatapos ay umupo na kami

"Ok class before we start our lesson for today gusto ko muna na magpakilala kayo sa inyong mga katabi ok ba yun?"

"Yes ma'am"

At dahil dun nagpakilala na kami sa mga katabi namin pagkatapos ay kinalabit ko naman ang katabi ko na nakatalokod sa akin

Kinalabit ko siya "Hi..I'm stephanie santos ! Nice to meet you" pero ng humarap na siya omo si .....ivan

"Hi ivan"
ako (^_^)

siya( -_-)

"Hi " maikli niyang sabi at tumingi na sa harap gosh!

Spell kinikilig a-k-o yun.

Pagkatapos ay naglesson na ang teacher namin habang inaantok na ang mga kaklase ko ako masaya kasi duh nerd ngs diba what do you expect?

Nang matapos na ang teacher namin ay nagpaalam na siya sa amin
Pagkaalis niya yung iba kong mga kaklase ay nagbabatuhan ng papel ,tung iba naman nagdadaldalan ,

At ako?

Eto nagbabasa ng libro habang yung katabi ko naman naka headphone at nakayuko parang hobby nita ata yan eh kaya yaan na natin

Makalipas ang ilang oras........

Dumating na ang teacher namin sa sunod na subject. Yung mga kaklase ko hindi naman halos lahat nakikinig eh, hay. Kaya yung iba walang masagot kapag quiz o kahit anong written works. Buti pa ako, nandyan kasi sa tabi ko yung inspiration ko (

Ring!

Yes!!!! Recess na(^__^)
Pasensya na kayo. Medyo gutom na kasi ako guys. Pasensya na hehehe (^__^)V

Pagdating sa canteen ay mabilis akong pumila. Syempre naman guys sa oras ng pagkagutom wala ng mahinhin. Todo na ito!! (^__^)

"Uhm ate, isang order po ng pasta tapos pineapple juice samahan niyo na rin po ng fries tsaka po cupcake hehehe" sabi ko kay ateng nagtitinda. Kumuha siya ng tray at doon na inilagay ang mga orders ko. Binuksan ko ang bag ko at kumuha ng pambayad tsaka inabot kay ateng nagtitinda.
Inabot niya na sakin yung tray at kinuha ko nanan ito. Naghanap na ako ng pwesto sa canteen

Ivan's pov

As usual nagising ako sa ingay ng pamilya ko tss lagi naman eh
Tumayo na ako at dumiretso sa banyo para maligo. Ilang minuto lang ang tinagal ng pagligo ko at saka na ako lumabas. Napabuntong hininga na lang ako. Kailangan kong pumasok
Kaya ano pa bang magagawa ko nagbihis na ako?
Nagbihis na ako at pagkatapos ay dumiretso sa dining room para magbreak fast

" goodmorning anak " sabi ni mommy at daddy

" morning kuya " sabi naman ni liam

" goodmorning" sabi ko sa kanila at umupo na ako tss what's so good about today

Pagkatapos ko kumain ay pumunta na ako sa kotse ko para pumasok di naman masyadong matagal ang biyahe ko kasi di naman kalayuan ang school na papasukan ko

Pagkapark ko ng kotse ko at pumunta na ako sa bulletin board para alamin kung saan section ba ako pero tulad nga ng sinabi ko sa chapter1 may mga babae na naman na nakatingin sa akin
I hate this handsome face...

Kaya para di na umabot sa point na magkagulo pa sila dahil sa gwapo kong mukha ay umalis na ako pag kapasok ko sa room ay nag headphone ako at natulog ang bait kasi ng pamilya ko eh magingay ba naman eh may natutulog kaya ayon natulog ako

Naramdaman ko na lang na nagtayuan ang mga kaklase ko kaya tinanggal ko ang headphone ko at tumayo

Pagkatapos ay sinabi ng teacher namin na makipagkilala sa katabi kaya inuna ko munang makipagkilala sa babaw sa kaliwa ko

"Hi I'm ivan" sabi ko sa babae at halata naman na kinilig siya pero hindi ko na nahintay ang pangalan sa kadahilanang may kumalabit sa akin nagpakilala siya sa akin at pagkatapos nun ay tsaka ako humarap sa kanya at guess what? Si nerd nanaman tss

"Hi ivan" sabi niya

"Hi " maikli kong sabi at humarap na pagkalabas ng teacher ay nagheadphone na ulit ako ng makalipas ang ilang oras

Ringggggg

Sa wakas. Nag ring na rin ang bell. Naglabasan na yung mga kaklase ko at ako naman ay sumunod na rin . Sinuot ko ulit ang headphone ko para mapayapa naman ako kahit papaano. Naka maximum volume ang tugtog kaya naman wala akong maririnig na kahit ano.

Pagpasok ko sa canteen. Ang daming nakapila (=_=) . Tss. Paano na yan? Tss. Iritado akong pumila. Napakabagal naman umusad nito. Ang dami pa kasing arte nung iba.

Lalo na itong babaeng nasa harapan ko. Parang wala ng bukas kung umorder ng pagkain.

"Uhm ate isa pong order ng pasta tapos pineapple juice samahan niyo na rin po ng fries saka po cupcake hehehe" sabi nung babae na nasa harapan ko. Tss. Habang naglalagay ng order sa tray yung tindera ay kumuha siya ng pambayad sa bag niya.

Inabot niya na ang bayad at saka kinuha yung tray . Sa wakas, natapos na rin (=_=)
Umalis na siya sa pila . Nung ako na ang mag oorder ay nakatitig sakin yung nagtitinda. Problema nito?!

"Hoy miss, problema mo?" Asar na tanong ko.

"Ah eh wala naman . Anong order mo?" Nahihiyang sabi niya


"Pasta tapos isang coke. Pakibilisan" sabi ko . Nataranta naman yung tindera nagkatapon tapon pa yung mga dala niya . Tss. Clumsy naman nito. (-____-)

"Heto na ang order mo" sabi nung tindera. Kumuha ako ng pambayad sa wallet ko at inabot ito sa tindera saka ko kinuha yung tray ng order ko.

Nag umpisa na akong mag ikot ikot sa canteen pero wala akong makitang bakanteng upuan. Aish!! Bakit ngayon pa?!? Kaasar naman eh.

Naglakad lakad pa rin ako. Tingin tingin doon. Nang lumingon ulit ako ay sa wakas may nakita na ako. Yun nga lang may naka upo na babae. Teka nga! Siya yung babaeng.? Tss yung nerd na naman. (-_-)

Napabuntong hininga na lang ako. Hay. Wala naman akong choice. Bahala na nga.














A/n

Annyeong!!~~ na revised na ito guys kaya medyo mahaba na siya. Sana magustuhan niyo( ^^,)



★kaisoohyun

The Nerd meets Mr Suplado Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon