Ivan's POV
Hay nakakainis talaga yang vanessa na yan dahil sa kanya kaya tatlong araw ko ng di pinapansin si steph aish ! Di pwede ito
Kaya nagbihis ako at sumakay sa kotse ko at nagdrive papuntang bahay nila steph kailangang makabawi ako sa kanya
Pagdating ko sa bahay nila ay nagdoor bell na ako at tumambad sa akin ang yaya ni steph
" hello po nandito po ba si steph?"
" ah oo nandito siya kaso nasa kwarto siya may sakit siya eh"
" ganon po ba? "
" sige tuloy ka "
Pinapasok ako ng yaya ni steph sa bahay nila
" ah ivan kailangan ko kasing umalis may bibilin lang ako sa grocery pwede bantayan mo muna siya?"
" ok po ako na po bahala "
" salamat ha sige aalis na ako "
At umalis na ang yaya ni steph may narinig naman akong umuubo sa taas kaya pinuntahan ko iyon at pagbukas ko ay nakita ko si steph na nakahiga sa kama niya habang nakatakip siya ng kumot
" ivan? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong niya
" ah pinabantayan ka sa akin ng yaya mo umalis kasi siya"
" ah ganun ba"
Lumapit ako sa kanya para tingnan kung kamusta na siya
" steph ano ba nangyari sa iyo ? Bakit ka ba nagkasakit ka?"
" ah kasi naulanan ako nung isang araw"
" sige na magpahinga ka na .may gusto ka ba? Kahit ano?"
" ah gusto ko kumain ng soup"
" sige ako na bahala "
Pinahiga ko ulit siya sa kama niya at pumunta na ako ng kusina at kumuha ako ng ingredients para sa soup na gagawin ko sigurado ako na masarap ito kasi kahit papaano naman ay marunong ako magluto noh!!!
Pagtapos ng kalahating oras ay natapos din ang soup at inayos ko na yun sa tray para dalhin kay steph umakyat na ako sa kwarto niya at nakita ko naman siyang nakahiga parin
" steph kain ka na"
" thank you ivan" sabi niya habang nakangiti ang cute niya pag nakangiti
" ok lang subuan na kita "
Tumango lang siya at nagumpisa na ako na pakainin siya ng soup at pagkatapos ay pinainom ko siya ng gamot pero kasi eh basang basa na yung damit niya baka magkasakit siya eh pano ba ito? Ah alam ko na kinuha ko yung phone ko at dinial ang number ni mommy
[ hello ivan ? Bakit?]
" ah mom punta po kayo sa address na itetext ko sayo ha ?"
[ ah o sige pupunta ako ]
" thanks mom"
At inend ko na yung call sabay text ko ng address nila steph paglipas ng ilang minuto ay may nag doorbell na baka si mommy na iyon dali dali akong bumaba at binuksan ko ang pinto
" ivan anong problema anak?"
" ah mom tara po sa taas ?"
Tumango lang si mom at dinala ko siya sa kwarto ni steph
" o bakit may babae ? Sino siya?"
" mom siya po si steph kailangan po kasi siyang bihisan kaya tinawag ko kayo kasi nasa work ang parents niya at yung yaya niya may binili kaya ako muna magaalaga sa kanya"
" ganon ba ? Sige ako na bahala"
Bigla naman nagising si steph at nagulat siya ng makita si mom
" ah sino po kayo?"
" ah ija ako ang mommy ni ivan "
" ah steph pinatawag ko siya para bihisan ka basa kana kasi ng pawis eh"
" sige na anak labas ka na "
Lumabas naman ako at pagkalipas ng ilang minuto lumabad narin si mom at nakangiti na nakakaloko
" ikaw anak ha may girlfriend ka na pala ha" sabi ni mom habang taas baba ang kilay niya tss unahin pa ba yan mom_?
" mom she's not my girlfriend ...I mean she's not yet my girlfriend"
" alam mo anak gusto ko siya para sa iyo "
" i know mom she's the best"
" ehhh anak ko talaga sige na alis na ako ha wag mong iiwanan magisa ang aking future daughter- in law ha?"
" yes mom"
At yun nga hinatid ko na palabas si mom pagkatapod naman ng isang oras dumating na ang yaya ni steph kaya umalis na rin ako baka kasi abutan pa ako ng gabi eh kung ano pa isipin ni mom at dad -_-
BINABASA MO ANG
The Nerd meets Mr Suplado
Ficção AdolescenteStephanie Santos,isang nerd na may gusto naman kay Ivan Rodriguez. Si Ivan Rodriguez , isang lalaking may kasungitang taglay. Maaari kayang magkaroon ng something? Magbabago kaya si ivan? Mababago kaya niya si Stephanie? A story based on my imaginat...