Chapter 4: Jealous?

4.4K 154 1
                                    

Ivan's pov

Nagising ako at hulaan niyo kung bakit ? Tama kayo dahil ang ingay talaga ng pamilya ko ewan ko ba kung kanino ako nag mana baka ampon lang ako naku wag naman sana

Kaya nagayos na ako at bumaba na at pagkatapos kumain nagpasya na ako na pumasok kaagad para makaiwas sa ingay sa bahay namin

Nagdadrive ako papunta da school at pagdating ko sa parking nakita ko si stephanie kausap niya yung lalaki kahapon tss

Ang aga agang ligawan naman nito pero habang tumatagal naiyak na si nerd kaya siya niyakap ng lalaki at pinapatahan siya pero parang nakakaramdam ako ng.......selos

Imposible pagkatapos ng ilang minuto ay umalis na sila tss kanina pa pala ako dito

Paglabas ko ng kotse ko dumiretso kaagad ako sa classroom para sana matulog pagdating ko dun nakita ko si stephanie na nagpupunas ng luha at pumasok na siya sa room

Ano ba tong nararamdaman ko parang gusto ko siyang damayan ? Nagaalala ba ako?

Tss mas nag aalala ako sa nang yayari sa akin tinawag ko na si nerd sa pangalan niya

Pumasok na ako sa room at nakita ko si nerd na nakayuko umupo na lang ako sa tabi niya gusto ko sanang natulog pero may parte ng isip ko na nagsasabi na damayan mo siya tss stupid conscience of mine

Kaya ayun kinalabit ko siya at pagtingin niya sa akin di ako nagkamali umiiyak nga siya

Ako naman dahil mabait ako inabot ko sa kanya ang panyo ko at kinuha naman niya iyon tss aarte pa ba siya ? Joke lang !

" thank you ,ivan " at tumango lang ako ayokong mangulit na taong umiiyak baka sabihin ako may kasalanan niyan

Pagkatapos ng isang boring na araw ay sa wakas uwian na uuwi na sana ako pero naalala ko si nerd

Sinundan ko lang siya hanggang sa umupo siya sa may bench malapit sa parking

Tumabi ako sa kanya

" hey...are you okay?"

Tumingin siya sa akin na parang paluha na naman siya

" yes ....actually .....no "

At umiyak na naman siya kaya ako hinimas ko ang likod niya at lumapit siya sa akin at sumandal sa akin hinayaan ko na lang siya kawawa naman siya

Tahimik lang kami ng nagsalita ulit ako

" what's wrong?"

" yung parents ko kasi gusto ba naman ako ipakasal sa bestfriend ko" sabi niya habang umiiyak parin

" why?"

" para daw sa business "

Tss ano ba namang klaseng magulang yun kung sakin mangyari yun magwawala ako pero alam kong love ako ng parents ko kaya do nola gagawin yun

" hey... stop crying everything will be okay trust me " tumingin siya sa akin at ngumiti at yung ngiti na yun ang nagpabilis ng tibok ng puso ko

Pagkatapos nun ay sumandal ulit siya sa akin habang hinihimas ko ang likod niya ng biglang sumingit ang isang nilalang sa harapan namin tss

" steph nandito ka lang pala "

" sorry "

" it's okay tara na iuuwi na kita baka hinahanap ka ni tita at tito"

Tumango lang si stephanie at tumayo na siya

" thank you ,ivan " sabi niya habang halatang pilit ang ngiti niya

" you're welcome uhmm I'll go ahead "

" sige ingat ka "

" sige pahinga ka ha "

Tumango lang siya at umalis na kasama yung lalaki tss

The Nerd meets Mr Suplado Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon