My Little Princess

27 3 1
                                    

               Author's note

This is the first time na magsusulat po ako ng story sa  wattpad at sana po magustuhan niyo. Comment na lang po kayo kung may mali sa mga grammar then ieedit ko nalang po. Anyways kaya po ako nagsusulat ngayon ay dahil sa udyok ng barkada. Haha.

Hope you'll like my story.

Enjoy reading. :)

                     Chapter 1

CJ's POV

  Hi guys. My name's Christian John Franco, but you can call me CJ Pogi for short, haha. Joke lang, pero kung gusto niyo, oh edi wow. XD

"Hoy! Nananaginip kana naman! Haha. Tawag ka ni Sir." Sabi sakin ng babae sa likuran ko na walang iba kundi ang bestfriend kong brutal na walang iba kundi si Mary Jane Santos. Bakit ko nasabing brutal? Simple lang, batukan ba naman ako sa harapan ng mga kaklase namin. Tss. Nakakabawas sa kagwapuhan ko.

"Mr. Franco!!!" sigaw ng teacher namin.

"P-po?" shit! Nakakagulat naman tong teacher nato. Sapakin koto, eh. Syempre joke lang.

"I'll repeat my question. What is statistics?" Patay. Ano nga ba ang statistics? Tumingin ako sa  likuran ko upang sumaklolo sa babaeng brutal pero binelatan lang niya ko kaya tumingin na lang ulit ako sa harapan.

"Ahm, Sir..."

Napansin yata niyang wala naman talaga akong maisagot kaya ayan sermon ang inabot ko.

"Next time, you better listen. Hindi  yung nakatulala ka lang dyan at hindi nakikinig." at blah blah blah. Andaming satsat.

"Ok, Sir. Noted. And i'm sorry again". sabi ko nalang.

 

  After 2 hours. At the cafeteria.

Nakapila ako sa counter ng cafeteria ng campus namin nang biglang may sumundot sa tagiliran ko, hindi ko na sya lilingunin dahil alam na alam ko naman kung sino ang may gawa non.

"Cj!!" sigaw ulit nya.

"Bakit MJ?" lingon kona sa kanya dahil baka kung ano pa ang gawin ng babaeng to saken.

"Bili moko." nakangising sabi nya.

     Aba't kita mo tong babaeng to.

"Talagang kilala mo lang ako pag may kailangan ka?" nagtatampong sabi ko sakanya.

BOOGSH!!

"Awwww!! Langya Mj nakakailan kana sakin,ah." Mambatok ba naman.

"Andrama mo kasi. Kalalake mong tao ganyan mga pinagsasasabi mo."

"Gwapo naman"

Tinignan niya ko na parang hinahanap kung san banda ng katawan ko nilagay yung electric fan.

"Yung totoo? Marunong ka bang tumingin sa salamin?" tanong niya.

"Oo naman. Maari ba namang hindi, edi diko nasilayan ang kagwapuhan ko." mayabang kong sabi sa kanya.

  Akmang babatukan nya ko kaya umilag ako at dinilaan ko na lang sya. Napasimangot na lang sya sakin. Ang cute talaga. :)

"Bili mo na nga ako" utos nya.

"Bakit sino bang kakain?"

"Malamang ako. Tss."

"Oh. Edi bumili ka" biro ko sa kanya. Napa-pout na lang sya at iniwan akong tumatawa . Sinundan ko sya ng tingin at nakita kong umupo sya sa isang bakanteng mesa.

  "What's your order Sir?" nasa counter na pala ako.

Umorder nako at syempre pa di ko kinalimutan ang favorite ni Mj.

            

My Little PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon