Chapter 6

3 0 0
                                    

  Cj's PoV

Paano ko kaya maipapakita na mahal ko siya? What if di naman pareho ng nararamdaman ko ang nararamdaman niya para sakin?

What if may mahal na pala siya na hindi ko alam? Andaming gumugulo sa utak ko. Andaming what if's. Bakit pa kasi sa bestfriend kopa? Paano ako magtatapat sa kanya kung alam kong masisira naman yung pagkakaibigan namin nang dahil sa pagmamahal nato??

"Hayy" napabuntong hininga na lang ako sa mga pumapasok sa bibig ko.

"Lalim non,ah" napalingon ako sa nagsalita. Si mommy pala.

"Mom..." tumayo ako at humalik sa pisngi niya. Sa sobrang pag-iisip di ko na naramdamang dumating na pala galing sa work si Mommy. Hindi ko na namalayang may tao na palang nagmamasid sakin. Tss.

Beverlyn Franco. She's my mother. She is already in her 40's pero parang nasa 30's palang siya because of her dignity and sophistication. At sa edad na 43 ay hindi pa rin nagfade ang kanyang kagandahan. Alam na alam na sa kanya nagmana ng kagandahan ang kapatid kong si Crystal Jade Franco na nasa huling taon na ng elementarya. While ako naman ay nagmana ng kagwapuhan— ehem — sa aking ama na si John Franco na hindi pa rin kumukupas ang kakisigan at kagwapuhan sa edad na 46.

"Any problem, son?" tanong ni Mommy.

"Ahm, nothing that I can handle, mom"

Tumitig sa akin si Mommy na parang isa akong specimen na sinisiyasat sa isang microscope.

"You're my child, Christian. Galing ka sa sinapupunan ko at alam kung kailan ka masaya at kung kailan merong gumugulo sa isip mo." sabi ko nga, wala akong lusot. Umupo na siya sa tabi ko sa sofa namin dahil nasa sofa ako nang maabutan niyang nagmumuni-muni.


"So tell me, what is it?"

Hay, paano ba to?? Okay, I'll do it. Hingang malalim.

"There's this one girl, mom. And I—"

hindi na niya ko pinatapos dahil nga sumingit na siya sa pagsasalita ko.

"Oh, your inlove!!! Sabi ko na nga ba, eh."

"How did you know?"

"I just knew it. Iba kasi ang aura mo this past few days, eh. Alam kong may iba. Kaya pala iba siyang makatingin sakin tuwing makikita niya ko or nakakasalo sa pagkain. Pansin na pala niya.

"Aura?!?" tanong ko na parang hindi makapaniwala sa kanya pero di niya ko pinansin.

"So who's the lucky girl?" amaze pa rin niyang tanong.

"You really think she's that lucky, huh?" nakangiti kong sabi kay mommy.

"Why not? You're so handsome"

"Handsome lang? Walang mabait, matalino, o kahit man lang masipag?" kunwa'y nagtatampong tanong ko.Si mommy talaga. Nambola na lang hindi pa nilubos.  —.—

"Siya nga? Mabait ka nga ba, matalino o di kaya'y masipag?" natatawang biro pa niya.

"Mom...." nakasimangot ko ng sabi.

"Haha. You're so cute, Christian. Of course baby. Kasama na yun sa kagwapuhan mo." natatawang sabi na niya. Nagliwanag naman agad ang mukha ko.

"Really?? I love you, Mom." sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Yup. And I love you too."

"Hey, ikaw ha? Sweet-sweet kapa dyan. Kala mo nakalimutan ko ng pinag-uusapan natin? Who's the girl?" Ngek!! Sinong may sabing lahat ng anak nakakalusot sa magulang kapag dinaan sa sweetness? Sisipain ko talaga.XD Akala ko pa naman nakalusot na.

"Si Mj, mommy." diretso ko ng sabi sa kanya. Nagtaka pako ng hindi man lang siya nagulat.

"Oh, I knew it. Then what's the problem, son?"

"How did you know it's her?" manghang tanong ko sa kanya.

"It's in the way you look at her." Wow, just wow. Si monmy na ang observant. ^^

"So, ano na ngang problema?"

"Hindi ko po kayang magtapat sa kanya."

"But why?"

"I'm afraid to lose our friendship. Baka hindi niya ko mahal gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Isn't it akward kapag nangyari nga iyon?"

"And what if, gusto ka din niya?"

"Paano nga po kung hindi?"

"You wouldn't know unless you've tried, son. Why dont you court her?"

"Paano kung wala pala akong pag-asa?" ako ng madaming tanong. Kasi naman, eh.

"Christian, sa panliligaw hindi tinatanong kung may pag-asa ba o wala. Dahil kapag mahal mo ang isang tao, liligawan mo parin siya may pag-asa man o wala, mapatunayan mo lang na mahal mo siya."

"Wow!! Hugot!!" malakas kong sabi. Pero sa totoo lang tinamaan talaga ko sa sinabi ni mommy. Bakit nga ba ko natatakot kung wala pa naman akong ginagawa? Yung iba nga halos ipagtabuyan na ng taong mahal niya pero hindi pa rin sila lumalayo dahil nga gusto niyang mapatunayan na mahal niya talaga ang taong iyon. Ako pa kaya na bestfriend ko pa ang liligawan ko? Advantage din yon, ah. Haha.

"Tama ka, mom. Dapat ko munang subukan para sa happiness ko."

"Right. Para sa happiness mo."

————

A/N: Sorry for late updates. Bumawi naman sa mga hugot lines, haha. Sorry talaga. Super busy lang. Lam niyo na. Graduating na, haha. Ine-enjoy na ang last week of being a highschool student. ^_^

Gift niyo na lang po sakin ang support niyo sa story ko. Read, votes, and comments. Thank yah.

My Little PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon