Chapter 2

9 1 1
                                    

  MJ's POV

Nagkakanta ako dito sa kwarto ko. Wala lang trip ko lang, bakit ba?

I wanna make you smile

Whenever your sad

And carry you around when your arthritis is bad

All I wanna do
Is Grow old with You

I wanna grow old with you....

Tok! Tok! Tok!

"Andyan na!" Bwiset. Kung makakatok parang wala ng bukas.

Pagbukas ko ng pinto ay  nakita ko na naman ang hambog kong bestfriend. Humihingal itong pumasok sa kwarto ko at humiga sa kama.

"Yuck, Cj. Umalis ka nga dyan. Ambaho mo." Pero syempre joke lang yon. ;)

"Anong ginagawa mo dito?"

"Akala ko kasi may sunog kaya tumakbo agad ako dito. Yun pala nagkakanta ka lang." nakangising sabi nito.

Bwiset talaga to. Bakit ba kasi naging kapitbahay ko pa tong tukmol nato? Yes, guys. You heard este you read it  right, kapitbahay lang namin ang siraulo kong bestfriend. Kaya malakas ang loob maglabas masok samin. Anyway, ganon din naman ako sa kanila. Haha.

   Tinignan ko sya ng masama. Makapagsalita parang ang ganda ng boses.

"Ganda ng boses mo, ah."

"Naman!! Magiging gwapong vocalist ba ko kung hindi?" taas baba pa ang kilay na sabi nito.

Right. Nakalimutan kong vocalist nga pala ito ng bandang Time Machine ng campus namin.

"Tss." sabi ko na lang.

"Ano ba kasing ipinunta mo dito?"

"Wala lang. Makikikain. Bawal ba?" nagpapaawang tanong nito.

"Andami-daming pagkain sa inyo dito kapa makikikain."

"Ayaw mo talaga?" paawa effect pa ang shunga. Tss.

"Syempre gusto. Ikaw pa." sabi ko na sa kanya. Matitiis ko ba tong pangit nato? Haha.

At doon na nga kami nag-asaran hanggang pareho kaming nakatulog sa kama ko with a smile on our face.…

My Little PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon