Chapter X - Confrontations

10.2K 110 16
                                    

Happy birthday sa baby ni Mama Kim… BABY RAINE! <3 More years to come baby. We love you!

 

Viva Pit Senyor. Happy Sinulog everyone. Shagit ug kusog, SINULOG! #KIMXISASINULOG2013

 

Thank you po sa good feedbacks nu’ng nakaraang chapter. God bless us all.

 

 

-Mia

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

KIM’S POV

 

Hatid-sundo ako ni Zeke after ng gabing nagkita kami ni Xian. Sa totoo lang, nagtaka ako sa mga ikinikilos ni Xian. Hindi ba’t mas advantage para sa kanya ang paglayo ko? After that night, hindi na kami muling nagkita. Mabuti na lang at laging nakaalalay sa akin si Zeke. He’s a very thoughtful one. Minsan, magugulat na lang ako na magpapadala siya ng mga kung anu-ano sa bahay or maging sa school. Mas naging close kami dahil na rin sa araw-araw naming pagkikita. Naging successful ang fashion event ng Dior na siya namang pinagpapasalamat ko at ng buong staff.

Habang rumarampa ako sa entablado, I saw the smiling faces of the crowd. I felt that I gave justice to the couture that I was wearing. Present sa event ang parents ko, si Nanay Agnes at Tatay Bert. Siyempre, nandu’n din si Zeke at ang dad niya. His mom was also there. Present din si Steph at si Aaron na kung todo-support sa akin. Pero mas nakaagaw ng atensyon ko ang isang upuang hindi occupied. Oo, para kay Xian sana ‘yun. Umasa kasi ako na darating siya. Nalungkot ako dahil hindi siya nagpakita pero siyempre, dahil nakatutok sa akin ang mga camera, I needed to hide all the sadness within me. Magaling ako diyan. Dapat kasi, ang laging makita sa akin ng mga tao, ang bubbly and happy side ko. People like me have no right to show their true emotions.

After the event, naging laman kami ng pahayagan ni Zeke. I didn’t deny the fact that we’re hanging out. Naging malaking usap-usapan naman ang pagta-tie up ng kumpanya namin at ng kumpanya nina Zeke which I actually find great. Naging maingay din sa TV, web world at mga pahayagan ang pagkakapili sa akin ng Dior to be one of their top models internationally. It was actually a great move for my career. May mga balita rin na naglalabasan na the future CEO of Dior Philippines, Zeke is actually courting me. Naging mabuti ang feedbacks ng mga tao about it. Mabuti na rin ‘yun, at least mawawala na sa eksena si Xian. Makakalimutan na ng lahat na minsan akong na-link sa kanya.

Pumirma ako ng contract the other day for Dior and in 3 days time, I’ll be going to Milan for a fashion event. Overwhelming kasi sa dinami-rami ng mga models, ako ang napili nila. Since 3 days pa naman ang natitirang stay ko rito sa Pilipinas for my work, lulubus-lubosin ko na ang pag-aaral. Actually, alam kong affected ang grades ko. Mabuti na lang, nagsubmit na ang company na pinagtatrabahuan ko ng letter sa acting dean for a makeup class. Na-approve naman agad. Talk of the town na naman ako sa buong school.

The Meaning of Wife (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon