Zac's POV
From:0927*******
Good morning, Zac :)
Sino to? The number seems familiar.
I checked the number of my mystery caller last night. Kaya pala familiar. Ano to? Hobby niya ang pag-greet sa akin?
"ZAC ANO? WALA KA NANG BALAK BUMABA?!" Sigaw ni Charlie galing sa baba. Tinago ko na yung phone ko and went downstairs.
"Atat, Charlie, atat?" I said while rolling my eyes at her.
She ignored me and continued eating. Tignan mo to, bastos, kinakausap siya tapos di ka papansinin. Kaibigan ko ba talaga to?
Pagkatapos namin kumain aba ako ang pinaghugas nila, late daw kasi ako! Anong konek nun?!
Nasa kalagitnaan ako ng paghuhugas ng may tumawag sa phone ko.
Siya nanaman? Ano ba kailangan nito?
Sinagot ko ang tawag niya, "Hello?" Tsk. Ayan nanaman, ang bagal ulit sumagot peste.
("Good morning, Zac! /toot toot/") BINABAAN NIYA NANAMAN AKO!!! ABA ABA NAMUMURO NA SIYA AH!!!
Umakyat ako sa room nila Kris ng nakasimangot. Sino ba kasi yun?
"Oh? Ba't parang pasan mo na ang mundo sa mukha mo? Wag mong sabihing muntik nanamang malaglag ang phone mo?" Bungad ni Charlie sa akin.
Okay edi walang choice kundi sabihin.
"May tumatawag at nagtetext sa akin." Panimula ko
"Tinext at tinawagan ka lang naman pala, ano naman? OA neto." Pambabara ni Charlie. Isa pa, makakatikim na sa akin 'tong babaitang 'to
"PATAPUSIN MO NGA AKO, AMBER!!!" Natahimik si Charlie, di ata sanay nang tinatawag na Amber, kung di ako galit--i mean nag-gagalit-galitan malamang nabatukan na ako ni Charlie.
"Oo na pakyu. Magkwento ka na" inirapan ako ni Charlie pero di ko na lang pinansin
Kinwento ko sa kanila ang pagtawag sa akin ni mystery guy. Lalaki siya confirmed. Dahil nung tumawag siya sa akin nalaman ko kung anong gender niya. How? Simple. Di siya, forgive me for my term, boses p*k*
"Peram nga ng phone mo!!" Sabay hablot ni Kris sa phone ko at tinawagan si mystery guy.
"Ay si Zac poorita, walang load, anobayan." Di ko siya pinansin. Kasalanan ko bang tinatamad ako magpaload.
Kinuha ni Kris yung phone niya at dinial ang number ni mystery guy. "Buti pa ko may load."
I rolled my eyes at her. Nagiging hobby ko na ata ang pangiirap sa kambal na to.
"Hello?" Nawala ako sa pagde-daydream ko at biglang kinabahan.
"Hello? I'm Kris and you are?" Ni-loudspeaker ni Kris ang phone niya para rinig daw namin.
"Hi Kris, i'm S-/toot toot/" Punyeta! Binabaan ata kami nun!
"Ay ubos na pala load ko hehe. Di pala ako nakaunli"
"'Buti pa ko may load' my ass." I said copying her voice and rolling my eyes at her. See? Sabi sayo nagiging hobby ko na eh
"Malay ko bang wala na pala" she said while rolling her eyes.
Isa pa 'to, nagiging hobby niya na din ata ang pangiirap.
"Ang ingay niyo peste." Sabi ni Kert
"Ano ba gagawin natin? Mall nalang tayo? Or practice?" Suggestion ni Charlie.