11 am. Yan ang oras sa relo sa bed side table ko. Tanghali na.
Tumayo na ako sa kama at inayos ang sarili ko bago ako lumabas. "Hmmmm what's that smell?" I thought to myself. Dali dali akong pumunta sa kusina at nakita ko sya doong nag luluto. He cooks? Impressive. Tumayo ako sa may pintuan ng kusina at pinag masdan sya. I can smell garlic aroma and is that longganisa? Im not sure.
Pinag patuloy ko ang panunuod sa kanya habang nakatayo ako sa may pintuan. Ang bango talaga. Napapikit ang aking mga mata habang ninanamnam ang amoy ng ginisang bawang. Nakakagutom ang amoy nito, tila gusto ko ng sunggaban ang niluluto n'ya.
"Na-eenjoy mo ba ang naamoy mo?" Nabigla ako at napaatras ng marinig at maramdaman ko sya sa harapan ko. Sa sobrang gulat ko muntikan na akong tuluyang matumba dahil sa kawalan ng balanse. Bunti na lamang at nahawakan nya ako agad.
"Huwag mo nga akong gugulatin ng ganon." Sabi ko na may kaunting inis ang tinig.
"Grabe, ikaw na nga ang tinulungan ikaw pa ang galit? Di ka ba talaga marunong mag thank you?"
"Wow! Ha? Kung hindi mo ko ginulat hindi ako matutumba. Edi hindi mo sana ako need tulungan"
"Ah ganun ba? Ok" Walang ka expre-expression nyang sabi pag katapos ay tumalikod na sya sa'kin.
Bwisit! Bakit parang bigla akong na guilty sa hindi ko pag te-thank you sa kanya? Bakit parang pakiramdam ko tama sya at mali ako? Bakit?!
Nanatili akong nakatayo sa may pintuan ng kusina habang pinag mamasdan syang tahimik na nag hahain. This is weird. Bakit ang bigat sa pakiramdam na pinag mamasdan ko lang sya habang nag hahain ng walang imik? Punyeta!
"JARRED!" Sigaw ko. Hindi ko na talaga kaya ang nararamdaman ko. Punyeta talaga! Ang lakas nyang maka-guilt trip. His silence made me feel responsible of what happened. He made me feel that I should have atleast said thank you to him.
He looked at me with no expression on his face. "What?" He said emotionless.
"I'm sorry. I should have said thank you to you. Sorry" I said sincerly while trying to look straight to his eyes. His dark eyes signals danger. Pinaninindigan ako ng balahibo na tignan ang mga mata nya. Nakakatakot.
Inalis nya ang pag kakatingin sa'kin at pinag patuloy ang ginagawa nya. What?! He never even said a single word?
Ang kaninang takot na naramdaman ko dulot ng mga mata nya ay napalitan ng inis. Gago 'tong sira ulo na 'to ah!
"Ja?" Muli kong tawag.
Lumapit ako sa kanya ng hindi sya lumingon sa tawag ko.
"Ja!?"
"Anu? Na-miss mo ko?"
What? Pag tapos nya akong i-guilt trip 'to ang sasabihin nya? Haharap sya sakin at ngingitian ako pag tapos nyang sabihin ang mga salitang 'yan? I miss him? Baliw!
Isang malakas na hampas sa braso ang napakawalan ko dulot ng sobrang inis ko sa kanya.
"ARAY!" sigaw nya habang hinihimas ang
braso nyang namaga ata sa lakas ng hampas ko. "Para kang hindi babae kung maka palo. Wala ka man lang bang lambing sa katawan?"
"Lambing? Lambing your face! Andami mong sinasabi kumain na lang kaya tayo" muli ko sana syang hahampasin ngunit napigilan nya ang kanang kamay ko.
"Sai, isa pang hampas hahalikan kita" seryoso nyang sabi habang hawak ang aking kanang kamay.
BINABASA MO ANG
Forbidden Destiny
RandomInspired by Mr. JMDV =D Thanks for being there for me. =D As you wished, I'll be included in this story, huwag ka sanang magagalit sa character ko =D