Chapter 1

13 0 0
                                    

Imbes na pumunta sa table namin ay pumunta na lang ako sa room ng next subject namin. Di bale ng magutom kesa magmukhang basahan dun noh pero joke lang. Nagtext ako kay felise na magpapabili ako ng ensaymada at juice habang nalalakad papunta ng room. Nagpadala na lang ako tutal pare-pareho rin naman kami ng sched magkakaibigan.

"Bwesit! Tanga-tanga! Gwapo sana tanga lang! Jusko!" gigil kong bulong habang kumukuha ng bagong damit sa bag. Ma swerte ako ngayong araw dahil mukhang walang gumamit ng room nato.

"Oh bakit ang dugyot mo." Tanong ng kaklase kong si Eric sa subject na philo habang mag-isang kumakain ng prutas. Well hindi siya nag iisa palang kumakain dahil andon sa gilid si pabidang kim na kumakain, yes, unfortunately magkaklase nanaman kami this period.

"May bobong bumangga sakin. Penge nga ng strawberries!" Walang ganang ani ko.

"Sure." Inilapit niya sakin ang plastic bag na puno ng mga prutas. Syempre kumuha ako ng anim na strawberries kase buraot ako.

"Hehe tenkssss." pagpapasalamat ko sakanya at ngumiti ng napakalapad. "Sabay ka rin samin minsan pag kumakain, palagi kang mag-isa rito." suhestyon ko sa kanya.

"Kunin mo na lang yang mga strawberries . Tsaka pag sumama ako sa inyo edi sinuntok nako ni James." Aniya kaya naman kinuha ko lahat sino ba naman ako para tanggihan ang grasya. Crush niya si Felise kase tapos nalaman ni James, sinuntok niya si Eric nung sinubukan niya itong pormahan.

"Magbihis ka muna bago kainin yan." Dagdag niya.

"Sure master hehe." Inilapag ko muna ang mga strawberries sa lamesa ko at kinuha ko na ang damit ko at dali-daling pumunta ng cr para makapagbihis. Pagkalabas ko ng cr ay sinimulan ko ng kumain ng strawberries.

"Ano ba kasing nangyari sayo kanina." tanong bigla ni Eric habang tinatapon ang basura niya sa trash can.

"May bumangga nga kase sakin kanina, eto naman pa ulit-ulit." Inis kong ani sa kanya kaya naman tumawa siya. Kumukulo pa dugo ko sa nangyari kanina.

"Buti di mo sinuntok?" Tawang-tawa nyang sambit sabay ubo nya sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Baka kasi umiyak. Charot HAHAHAHAHAH." walang hiyang sagot ko.

"Gago HAHAHAHAH"

"Transferee siguro yun. Bagong mukha eh. Bakit parang andaming bagong studyante?" Tanong ko sa kanya.

"Ewan ko. Mas lalong dumadami chix dito eh." Sagot niya sabay tingin sa mga first year na dumadaan sa harap ng room namin.

"Tsk puro ka babae Eric. Kabisado mo ba ang lupang hinirang?!" Sarkastiko kong tanong sakanya.

" Ito naman di mabiro. Wag kana magselos behbeh!" Pabiro niyang ani sabay nguso.

"Putanginamo ka bayut!" Pikon kong sabi sabay tulak ng mukha niya kaya naman tumawa siya ng napakalakas.

"Puta ka rin Tomboy!" Ganti niya sakin at sabay kaming napatawa.

"Tumahimik nga kayo ang iingay nyo!" Reklamo ni kim na pabida.

"Tumahimik ka rin! Ampanget mo!" Sabay naming sigaw ni Eric at natawang muli.

Nasa ganon kaming sitwasyon ng dumating na ang mga buang kong friends. Nagbabangayan nanaman ang mga buang na si James at Clint kaya napairap ako sa kawalan.

"Bakit mo kasi ininom?!" Galit na sigaw ni Clint kay James.

"Binilhan na nga kita galit ka parin! Pre ang OA mo!" Galit ring sigaw ni James sa kanya.

DandelionsWhere stories live. Discover now