Wala akong naintindihan sa discussion ni Maam habang nagkaklase dahil napapalingon ako sa gawi ni betlog este Alster. Halatang di siya nakikinig kay Miss. Nagske-sketch lang siya ng kung ano-ano. May lalaking nakanganga habang natutulog, si james na nakatalikod, si Miss Bagayas na nagsusulat sa may whiteboard at panghuli ako.
Napatitig ako don, sobrang ganda ng pagkaka-sketch niya, detalyado. Nakatagilid ako don habang nagpapaikot ng ballpen sa mga daliri at naka busangot.
"Infairness maganda, may talent ka pala betlog." mahina kong bulong at tumingin muli ako sa harapan para makinig kay Miss.
"Betlog pala ah." Biglang bulong ng katabi kong betlog kaya napalingon akong muli sa banda niya.
My brows furrowed when he added horns at the top of my head and a weird smile. Nagmukha akong demonyo!
"Aba't gago ka ba?!" mahinang sigaw ko sa kanya sabay kurot sa tagiliran niya.
"Ouch!" malakas niyang sigaw kaya napatigil si Miss sa pag-eexplain at tumingin sa gawi namin.
"Is there a problem there Mr. Velasquez? Why are you shouting?" striktang tanong niya kay Alster habang nakapameywang.
"Kinagat lang po nga langgam." Sagot niya sabay lingon sa akin at masamang tumingin. Shet ang gwapo niya pag-nagagalit! Pero no! Magkaaway kami!
"But you don't need to shout that loud Mr. Velasquez." mahinahon niyang sabi pero halatang nagpipigil ng galit.
Parang may favoritism na na sme-smell ako. Kasi pag pinapagalitan kami ni Miss ay parang sasabog na yung mga ugat niya kakasigaw. Pero itong si Betlog sobrang calm siya. Nako talaga ang unfair ng mundo. Dahil siguro ayaw mapagalitan ng Principal, pero kahit na no dapat fair siya di naman gold itong katabi ko.
"Im really sorry Miss, malaki kasi po na langgam eh. Sarap po tirisin." pagso-sorry niya kay Miss at bahagyang yumuko.
"Ang brutal mo." bulong ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako ng masama.
"Kindly stand up and solve this Math problem." ma-awtoridad niyang utos kay Alster at nagsulat sa whiteboard.
"Yari ka ngayon." Pang-aasar ko sa kanya at bumelat. Umismid lang siya at tumayo na para isolve ang nasa harapan.
"Gagi ka Celestia nakita ko yung ginawa mo! Buti nga di ka sinumbong. Pano pag di yan nasolve edi 30 minutes syang tatayo!" mahinang bulong ni Bianca sa akin.
"Well, deserve." sagot ko sa kanya at mahinang natawa.
"Sira ka ba!" Mahinang sigaw niya sa akin.
"Bakit mo ko sinisigawan? Wag mo sabihing crush mo yan?" Natatawa kong tanong sa kanya.
She just mouthed "ewan ko sayo" at inirapan ako. Ang OA naman neto. Muli akong tumingin sa harapan at nanlaki ang mata ko sa nakita.
Patapos na si Betlog sa pagsosolve pagtingin ko. Manghang tiningnan siya ni Miss at ng mga kaklase ko. How the heck di he just do that. Mas mabilis pa siya sa fast mag solve eh di ko nga alam kung paano yun isolve ng ganon kabilis.
"Wow Im impressed. Well as expected from a Velasquez!" pumapalakpak na sambit ni Miss Bagayas. "Please give Mr. Velasquez a round of applause!" Dagdag niya. Mayabang na tumango lang ang isang Alster at binalik ang marker kay maam.
"Ang galing mo Alster!" Sigaw ni kim.
"Ang gwapo mo!" Si lia na malandi?
"Pa anak please! Kems!" Lokong sigaw ni James.