part 1

17 3 4
                                    

Liberty's POV

Faelyn: Hoy Mareng Kalayaan may nalaman ako tungkol kay Sylas.

Nakita ko na yung chat ni Fae pero sadyang tinatamad ako tignan yung message niya kasi busy pa ako kaka- stalk kay Sylas, bahala siya dyan. Ang pogi niya talaga, kaso ang sungit nito, hindi siguro mahal ng nanay kaya ganito.

Fae: Hoy babaita alam kong nakita mo na tong chat ko potacca akala mo naman sobrang busy.

Fae: Hoy seen mo ko

Fae: may crush si Sylas!

Dun ako natigilan. At inopen ko na yung chat head ni Fae, grabe 30 messages pero isang message niya lang yung napansin ko. Si Sylas may crush?

Me: Sino yung crush niya teh?

Hinihintay ko reply niya, pero ang gaga nilayasan ako potek, ganito talaga si Faelyn pag nireplayan mo, hindi ka na niya papansinin, mag rereply na siya after 3 hours.

Nainis ako kaya nilapag ko na lang phone ko sa table at bumaba para maghanap ng pagkain.

Pagkababa ko nakita ko na may kausap si mama sa Living Room, hindi ko sana papansinin kasi baka isa sa mga kachika ni mama kaso tinawag niya ako.

"Leigh." Tinawag niya ako sa nickname ko, masyado daw kasi mahaba pangalan ko. Baliw lang, siya nga nagpangalan saakin eh.

"Bakit Ma." Lumapit ako sakanila.

"Nandito si Fae, ikaw na bahala sakanya kasi may pasyente pa ako na maarte."

"Ma hindi ko yan kilala, palayasin mo yan." I said that with no expression, wala lang trip ko lang.

"Bobita nag japan ka lang kinalimutan mo na ako, may chika ako tawagin mo si Cali dali. Bye tita ako na bahala sa maganda mong anak!" sabay hila niya saakin paakyat sa kwarto.

"Sandali teh, nagugutom ako."

"Ay sorry" sabay bitaw niya saakin at nag peace sign pa. tumawa ako at tinarayan ko siya ng pabiro.

Habang papunta ako sa kusina kinuha ko yung telepono at binigay ko Kay Fae para siya na tumawag sa isa pa naming kaibigan , habang ako kukuha ng pagkain naming.

Kaya pala hindi nag reply saakin ang gaga kasi pumunta dito sa bahay.

College na kaming tatlo, graduating students, parehas din kaming course na pinili which is BS Nursing as our premed. Magdodoctor kasi kami. And since mommy ko may sariling hospital lahat kami dun mag aapply para auto hired.

"Tara na sa kwarto." Yaya ko kay Fae habang dala dala ko yung cake at juice para saamin.

"Hindi daw makakapunta si Cali, Bebe Time." Sabi ni Fae at inunahan na ako sa kwarto. Ang kapal talaga ng mukha, palibhasa eh magkaibigan na kami kahit nung bata pa, kaya hinayaan ko na lang.

pagkalapag ko ng pagkain agad naman kumuha ng pagkain sa Fae. Parang hindi pinapakain sa bahay, binatukan ko siya.

"Oh ano sinasabi mo na may crush si Sylas?"

"Pwede mo naman sabihin yan ng hindi ako binabatukan TT__TT." sabi niya, sabay himas sa ulo niya. Buti nga. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hmp oo na, ito kasi yun, diba hindi ka nakapasok ng isang linggo dahil nag extend kayo sa japan?" Tumango ako at sabay subo sa pagkain ko.

"tapos may bago tayong kaklase, transferee sila actually." Napakunot noo ako. Transferee? Kung kelan 2nd sem na. "

oh? Buti tumatanggap pa sila ng transferee sa kalagitnaan ng sem atsaka sila?" Tinarayan niya ako.

"Ay hindi isa lang, kasi sila" sabay taray.

"Oo gaga, dalawa sila, babae at lalake. Ang ganda nga at pogi eh, pero loyal ako Kay Jaxyn." Tumawa ako, akala mo naman may pag asa siya, magkaibigan crush naming, parehas masungit kaso si Jaxyn approachable naman siya kahit papaano unlike kay Sylas, akala mo salo niya lahat ng problema ng gobyerno.

"Anong connect sa crush ni sylas sa transferee?" nakataas kilay ko at hinihintay sagot niya, si gaga naka smirk, nang aasar pa.

"Crush ni Sylas yung babae, ang ganda nga rin ng pangalan niya, bagay sakanya, Skyla Adelaide Lim. Yung lalake naman, Hyde Naeco Lee, pangalan pa lang gwapo na noh HAHAHAHAHHA tamo ito facebook name nila." Sabay hinarap niya sakin yung phone para ipakita niya saakin acc nila. Una kong tinignan yung kay Skyla.

Ang ganda nga, pero mas maganda naman ako, maputi, pero mas maputi ako, pero kung titignan ko ung height feeling ko mas lamang siya saakin or baka sa angulo lang ng pagkapicture sakanya kaya nagmumukhang matangkad.

"Ang ganda diba, wala na teh talo ka na dun ka na lang kay Hyde." Sabi niya pa habang ngumunguya ng pagkain niya, kadiri talaga tong babaeng toh. Sunod ko naman tinignan is yung sa lalake naman.

Pogi, matangos ilong, maputi, pero parang ang sungit. Tsk mas lamang pa rin bebe Sylas ko, mas pogi, sakto lang ung ilong, ah basta mas pogi si Sylas Period atsaka kahit masungit si Sylas yung Features ng mukha niya eh mabait or di kaya soft boy.

"Mas Pogi si Sylas." Sabi ko tas sabay tingin kay Fae.

"Bulag" bulong niya.

Binato ko siya ng unan at binato niya rin ako at yun walang katapusan asaran hanggang gumabi na at umuwi na siya.

Papasok sana na ako sa bahay after ko ihatid sa labas si Fae ng maramdaman ko na nagvibrate phone ko.

UNKNOWN

:hey, san ka na?

Huh? In-off ko na lang ung notifications at hindi ko na lang pinansin kasi baka nagkamali lang ng sinendan. Habang nagliligpit ako ng kalat, bigla tumunog yung phone ko, tinignan ko at tumatawag si Unknown person. Sinagot ko na lang yung tawag niya

"Hel-"

"Hey, where are you? Kanina pa kami naghihintay sayo dito sa BGC." Pogi ng boses.

Ay enough loyal ako kay Sylas.

"Ah hello? Sino po sila?" sabi ko. Natahimik yung kabilang linya at sabay binaba. Aba bastos di man lang nag sorry.

Smile of DespairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon