Part 2

14 3 7
                                    

Nagising ako sa ingay, ano ba yun. Minulat ko yung mata ko at tinignan ko yung oras. Anak nampucha late na ako taena hindi na ako maliligo, naligo naman na ako kagabi, kaya okay na yun. Nagbihis na lang ako ng maayos at gumora na ako.

Taena papasok na pala ako, tinignan ko phone ko at nakita ko maraming missed calls galing kay Fae at Cali. Tsk hindi na lang ako nag chat sakanila at minamadali ko magdrive papuntang school. Kainis naman oh hindi ko nanaman makikita crush ko.

"Good Morning Miss!" Sigaw ko habang nakapikit mata ko, hingal na hingal din ako ang layo kasi ng gate sa building namin kaya tinakbo ko. Tas Narinig ko bigla tumawa yung dalawa kong baliw na kaibigan. Pagkadilat ko wala pa palang prof. Amp nakakahiya.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHA" Sila.

Mga baliw amp pumunta na lang ako sa upuan ko at umupo. At hinampas ko sila ng malakas.

"Tangina niyo." Tumatawa pa rin sila.

Hindi ko na lang sila pinansin at aayusin ko sana gamit ko ng napansin ko na may katabi na pala ako sa right side ko, tinignan ko at nagulat ako siya yung kinekwento saakin ni Fae, si Hyde. Di ko na lang siya pinansin at patuloy pa rin ako sa pag ayos.

"Guys wala raw morning class ngayon dahil may meeting lahat ng teachers." Sabi ng President naming.

Nagsigawan naman lahat ng kaklase ko. High school lang ampeg. Binalik ko na lang mga gamit ko sa bag, Napansin ko na nakatingin si Hyde saakin. Di ko na lang siya pinansin at patuloy pa rin ako sa ginagawa ko.

Susunod na sana ako sa mga kaibigan ko palabas ng may humawak sa kamay ko. Nagulat ako at the same time nainis. Tinignan ko kung kanino galing yung kamay. Kay hyde.

Tinignan ko siya ng masama. Narealize niya siguro na nakahawak siya sa kamay ko kaya binitawan niya na. tumikhim siya at inabot niya saakin kamay niya

"Hyde." Pakilala niya.

tinignan ko lang kamay niya at tinignan ko siya sa mata at tumango na lang ako at nagpakilala rin, di ko tinanggap kamay niya, ewan ko parang chinecheat ko kasi Sylas pag ginawa ko yun eh tas sabay alis.

Buang...

Pagkalabas ko nakita ko sila nakatingin saakin na nang aasar.

Tsk nakita pala nila yun. Nilagpasan ko na lang sila at pumunta na lang sa may tusok tusok, nacacrave ako sa street foods.

"HOY KALAYAAN HINTAYIN MO KAMI!"

"LIBERTY KAYLEIGH AKALA KO BA KAY SUNGIT LANG LALATEK ANO YUNG NAKITA NAMIN HOY BABAITA!"

Hindi ko sila kilala. Kaibigan ko ba talaga sila. Kailangan ko ng bagong kaibigan jusqo kulang na lang isigaw nila yung pangalan ng crush ko eh. Nagmadali na lang ako maglakad at nandito na ako sa tusok tusok.

"Porket nag Japan gaganituhin mo na kami ni Fae. Wala kang kwenta huhuhuhu" Cali. Nag fake iyak pa siya.

Nilibre ko na lang sila at nagkwentuhan na kami tungkol sa bakasyon ko sa japan. Pero bukambibig nila kung may pogi ba ako nakita sa japan, marami bang pogi doon, reto ko raw sila sa mga pinsan ko. Mga baliw lang.

Nagpaalam muna sila na may pupuntahan sila, kaya ako na lang ang naiwan dito, naisipan ko na lang din mag libot since masyado pa maaga para sa afternoon class ko. Nakarating na lang ako sa garden.

Konti lang ang may nakakaalam dito, like bilang lang sa kamay kasi masyadong tago tong lugar na toh, okay na rin iyon para hindi masira ang kagandahan na meron dito. Umupo ako sa may puno para kahit papaano nasisilungan ako at pinagmasdan ko na lang yung mga halaman.

Smile of DespairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon