CHAPTER 2

36 6 0
                                    

Friends

Solene POV

Nasa panghuling klase na kami ngayong araw wala naman kaming ginawa kundi mag kwentuhan at makipagkilala sa mga kaklase namin kaya maingay, ang professor naman namin ay umalis na pagkatapos namin magpakilala nag check lang sya ng attendance at winelcome kami.

''Until now I still can't forget my shock when that Mhonica hit us.'' pagsasabi ni Zoe

''Ako din naman nagulat ng banggain nya kayo! may tiwang ata yung mga babaeng yon!, siguro kulang yon sa atensyon!. Teka nga Zoe matanong nga kita! hindi kaba marunong mag tagalog ha?'' sagot naman ni April

''Of course I know, half filipina ang mom ko kaya tinuruan nya ko ng tagalog.'' pagpapaliwanag pa nito.

''Ayun naman pala! marunong ka wag mo na kaming Englishan!, ito ngang babaeng to pag ako ang kausap tagalog baka hindi na nga ko makasagot dumugo pa ilong ko'' pagnguso nito sa akin ng may pagbibirong tono.

''Pero ang mas inaalala ko ngayon ay yung mga tumulong satin! hindi nyo ba napansin? mukhang takot sa kanila yung mga babaeng clown, tapos nakita ko din na lahat ata sa cafeteria e na kasunod ang tingin sa kanila nung bumili naman ako ng maiinom may narinig ako kambal pala sila Ate Haez at yung lalaking seryoso lerix?.'' pagkukwento nito

''Lexir.''  pagtatama ko

''Ah Lexir ba? basta! ayon ang narinig ko sa mga nagbubulungan andami pa nga e, yung tatlo palang lalaki e mag kakaibigan mayayaman din. At ito pa lang university ay pagmamay-ari nila Ate haze kaya napaisip ako MSU-Monte Silva University!, at yung apelyido nila.'' mahabang pag kwento nito na sinang ayunan naman namin.

Nagkukwentuhan parin kame ng may lumapit samin na dalawang lalaki't isang babae, nagpakilala.

''Hello!, I'am J.C Dimailig.'' pagpapakilala ng isa sa kanila

''Hoy bakla ka!, buohin mo yang kinahihiya mong panglan, nagpapakilala tayo ng maayos dito oh.'' bulong ng isa pa nilang kasamang lalaki.

''Kailangan ba buo!?'' tanong nito na tinanguan lang ng kasama nya

''Hello, I'am Josefino Carlosito Dimailig''

''My name is Joshuelle Braye Sallan, but you can call me joshuelle and you can call him J.C ''

''Hi, I'm Kassandra Claire Deguzman, you can call me Kassy or Claire.''

Magkakasunod nilang pagpapakilala na nginitian pa kame kaya sinuklian naman namin ito ng ngiti at nagpakilala na rin.

''We...we...uhm... shet be! ano ba english ng magkakaibigan tayo?'' malakas na bulong nung Josefino kaya sinamaan sya ng tingin ni kassandra.

''Hehehehe, my apologies we're all friends''

''It's okay, nakakaintindi at nakakapag salita kami ng tagalog.'' pag sagot kona dahil mukhang nahihirapan nang mag salita ng wikang Ingles si Josefino.

''Hay salamat naman kung ganon!hindi maiistress ang beauty ko kakaisip kung anong sasabihin!, ang gaganda nyo! gusto sana naming makipag kilala tutal pareparehas naman tayong maganda.'' sagot ni Josefino at nginitian kame ng malawak

''Palabiro ka din pala!, magkakasundo tayo!.'' masayang sagot ni April.

''Hala sya...! grave! hindi naman ako nagbibiro, panget ba kame?''

''H-hindi naman yun yung tinutukoy ko!'' ani ni April

''By the way, lumapit kame dahil mukha naman kayong mababait, tsaka mukhang hindi lang naman kame ang gustong makipag kilala sa inyo.'' sagot ni Kassandra at ginala ang paningin kaya tinignan na din namin madami ngang nakatingin halos kalalakihan din.

Su fuerza (Monte Silva Series 1)Where stories live. Discover now