CHAPTER 10

3 2 0
                                    

Solene's POV



15 minutes na lang bago ang history class na namin, nakadukdok lang ako sa lamesa ko kahit na antok na antok nako ay nilalabanan ko to. Takte bawal akong matulog sa klase may pagka teror pa naman toong proffesora namin sa history mamaya maabutan pako nong natutulog bubungangaan pako, mahirap na.

"Lene... Lene...

"Hoy! Lene!" inangat ko ang ulo ko ng may pumalo sa braso ko.

"What? " kunot noong tanong ko. Ang bigat ng kamay nito.

"Ito kanina pa tinatawag, kailangan pang masktan amp " tatawa tawang sagot nya.

"Si Lene ang tinatawag mo. "

"Oo nga Lene, ikaw tanga neto wala naman tayong Lene na kaklase."

"Pauso kaSolene ang pangalan ko kassandra " sagot ko habang nahihikab.

"Lene na lang, antok ka? mukhang puyat ka ah? anong ginawa mo kagabi? may ka late night talk naba?" may panunukso sa tonong tanong nya. Parang sira? porket puyat may ka late night talk na? hindi ba pwedeng napuyat ako dahil sa palabas? tss

"Wala, nanood lang ako"  

"Ahh kala ko may ka-- " Naputol ang sasabihin nya ng pumasok na ang proffesora namin.

Binati kami nito kaya binati din namin hikab ako ng hikab kaya napapatakip ako ng mukha.

"Okay class what are we going to discuss today is all about Louis Henry Sullivan, do you all know who is Louis Henry Sullivan? " 

Dahil sa sinabi ng proffesora namin ay para akong nabuhayan at nagising kaya naman mabilis kong itinaas ang kamay ko.

"Okay miss Roswells" taas kilay na pagtawag nito sakin.

"Louis Henry Sullivan was an American architect, and has been called a "father of skyscrapers" and "father of modernism"

"Yes! Louis Henry Sullivan is the father of skycraper, he was the one who build the beautiful buildings such as the Auditorium Buildingthe Schiller Building and the Stock Exchange in Chicago "

Ginaganahan ako pag ganto mga pinagaaralan kaya kahit mataray ang proffesora ay okay na din dahil magaling naman syang magturo. Nang makalabas sya ay tumayo nako para lumabas ng tawagin ako ni April na nakakapagtakang kanina pa nananahimik.

"Hoy! saan ka pupunta? " taas kilay na sagot nya

" Cafeteria " anong problema nila at  ang hilig nilang magtaas ng kilay ngayong araw?

"Sama kami. "

" Ano ba yan, kailangan kasama kame? tara na nga ng makahanap naman ng gwapo " nakasimangot na sabi naman ni JC 

" Sus kunwari kapa, wag kana sumama at tatagal lang tayo sa kalandian mo." pangaalaska nanaman ni Joshuelle.

"Tara na... sayang oras" paghila samin ni Zoe.




*****



Matapos kaming makahanap ng libro sa library  ay humanap na kami ni Zoe ng mauupuan, hindi kase nakapag turo ang proffesor namin ngayon dahil may meeting na kailangan nyang puntahan kaya binigyan na lang kami ng gawain . Kaya dito kami sa library pumunta mas tahimik kaysa naman sa room na kung ano anong kwentong kalye ang naririnig namin.

Su fuerza (Monte Silva Series 1)Where stories live. Discover now